Chapter 27

22 0 0
                                    

Gin's POV
----

~halata namang, masaya ka sakanya~

Umpisa ko sa kanta sabay tunog ng gitara. Yung nararamdaman ko? Siguro nga idadaan ko nalang sa pag kanta.

Umupo ako sa malaking bato na nasa gilid lang ng kalsada kung saan madalas akong tumambay at mag isip ng mga bagay bagay.

Lugar kung saan tahimik, lugar kung saan pinupuntahan ng mga kagaya kong bigo.

~pero ang tanong ay gusto ka nga ba nya talaga
Umamin na ba?
Sinabi nya bang mahal ka nya?

Baka takot yung tao
nahihiya siguro
Pero minsan lang
Nakakalito - ~

Napahinto ako sa pagkanta, oo nga't nakakalito na talaga. Bakit ganito yung puso ko? Bakit ba ako nasasaktan?  Ang gulo gulo na!

Hindi kayo Gin, walang kayo! At wala kang karapatan na maramdaman yang sakit jan sa puso mo. Oo pinapasaya ka nya pero ni minsan hindi nya sinabing mahal ka nya kasi nga wala talaga, wala syang nararamdaman sayo, ikaw lang ang umaasa. Ikaw lang ang nag mamahal.

Napailing nalang ako sa kaisipang baka nga totoo, umaasa lang ako sa wala. Ganito ba kapag nagmahal ka? Ang sakit sa dibdib. Nakaka tanga, nakaka gago, nakaka depress, ganito ba? Kung ganito nga, mas gugustuhin ko ng hindi nalang magmahal. Masaya naman ako nung hindi ko pa sya nakikilala. Pero mas sumaya ako ng nakilala ko sya.

~hindi mo dapat nararamdamang hindi ka mahalaga
Kung di nya kayang umamin aba'y kawawa naman sya diba

Hindi nya mararamdaman ang 'yong pagmamahal
Hindi mararanasan ang 'yong yakap
At tamis ng 'yong halik
Kung di nya kayang maglakas loob para sayo. ~

Napatigil ako sa pagkanta ng may humintong motor sa harap ko. Huni palang ng motor na gamit nya kilalang kilala ko na kung sino sya.

Biglang kumabog ang aking dibdib. Kung kanina'y parang may mga karayom na tumutusok ngayon nama'y parang may mga kabayong nagkakarerahan sa sobrang bilis ng tibok nito.

Malungkot itong tumitig saakin na para bang humihingi ng tawad sa biglaan nyang pag alis kagabi, pero hindi ko ito pinansin, hindi ako nagpa apekto sa nararamdaman ko na ang totoo'y gustong gusto ko na syang lapitan at sabihing ayos lang ang lahat at naiintidihan ko ito.

Pinagpatuloy ko ang pagkanta na kunwari wala sya sa harapan ko, kunwari walang nakikinig, kunwari ayos lang ako, kunwari wala akong pakialam sakanya, kunwari hindi ako nasaktan at kunwari hindi ko sya mahal.

~ako pa bang lalapit
Ako pa bang magsasabi
Ng di nya kayang ipag tapat
O bibitawan nalang lahat

Kailangan ko yung matapang
May paninindigan
Kailangan ko yung may lakas loob... ~

Huminto ako saglit at tumingin sakanya sakto namang nakatingin ito saakin.

~Hindi ko kailangan ng torpe.~

Tumayo ako at naglakad ng paalis. Ayoko ng umasa ng paulit ulit. Ayoko na ng MU - Magulong Usapan. Hindi pa man ako nakakalayo ng tawagin nya ako.

"Gin please, I'm sorry about last night."

Napatigil ako sa paglalakad. Tinaasan ko ito ng kilay, pagkatapos ano? Mag so-sorry sya? Tapos patatawarin ko, magbabati kami, magkaka ayos kami tapos magiging kami? Kung ganun, apologize accepted!

Pero hindi, kelangan nya munang pag hirapan yung ginawa nyang pang i-injan sakin kagabi no. Ano yun? Ganun ganun nalang? No way high way!

"Sorry kung hindi na ako naka balik kagabi, may importante kasi akong pinutahan. I'm sorry."

I Want YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon