Chapter 28

38 1 1
                                    

Gin's POV

---

"Eto order niyong kape, hindi ko na pinalagyan ng asukal yan baka kasi lalo kayong langgamin sa SWEETNESS."

Ang sabi pa ni Cath habang nilalapag ang mga tasa na may lamang kape sa lamesa. Tumingin ito saamin at ngumiti.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na yung dating sinusundan ko lang noon ay kasama ko na ngayon, at boyfriend ko pa. Kung sinuswerte ka nga naman Gin.

"Cath eto kape mo, nilagyan ko ng madaming ASUKAL nag babakasakaling maging SWEET ka rin sakin."nakangiting Ani Gab

"Che ayoko nga ng kape mo, balak mo pa yata akong patayin sa sakit na diabetis e." Sagot naman sakanya ni Cath.

Aba't itong kapatid ko dumada-moves na. Natawa kami ni Hugo, ang sarap nilang panoorin kung paano bumanat si Gab at kung pano sya barahin ni Cath. Nakakatuwa na para silang mga bata.

"Para kayong mga aso't pusa, alam niyo bang may nagkatuluyan na ganyan?" Ani Hugo na nakahawak parin sa kamay ko.

"Ok lang sakin." Mabilis naman na sagot ni Gab sabay kindat kay Cath kaya natawa nalang ako.

"Edi wow! wag mo nga ako kindatan hindi ka cute."

"Hindi ako cute kasi gwapo ako, at maganda ka kaya bagay tayo."

Nakakakilig silang panoorin, para tuloy akong nanonood ng lovestory sa TV tapos si Gab at Cath ang bida.

Hindi parin tumitigil sa pagbabangayan ang dalawa ng biglang tumayo si Hugo at hinila akong palayo sa kanila.

"Hugo wait saan tayo pupunta? Pano yung dalawa?" Napatigil ito sa paglalakad at lumingon sa dalawa kaya maski ako ay nagawi narin sakanila.

"See? Hindi nga nila namalayan na wala na tayo sa tabi nila." Ani Hugo.

Patuloy parin sila sa unending conversation nila, tama si Hugo ni hindi nila napansin ang pag alis namin. Napa iling nalang ako ng mapagtanto kong halos lahat ng tao ay sa kanila na naka tingin, mayroong napapangiti at meron ding napapahiyaw na bakit daw hindi nalang sagutin ni Cath si Gab.

Sumakay kami sa motor ni Hugo, hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin, kung saan kami pupunta, pero isa lang ang alam ko, masaya ako kapag kasama sya.

"Hugo sure ka ba na nakapunta ka na dati dito? Hindi ba parang nakakatakot? Ni wala ngang ibang tao dito, tayo lang!"

Tanong ko, makalipas ang mahaba habang byahe heto at naglalakad kami sa mapunong lugar at para bang paakyat na kami ng paakyat sa taas niyon. Saan nya ba ako dadalhin? Sana ininform nya ako na balak pala nyang mag mountain climbing di sana  nakapag handa ako.

"Oo sure ako, tiis ka lang babe huh? Malapit na tayo." Ang sabi nya, napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig. Tinawag nya akong baby? Kung kanina 10 percent nalang ako ngayon nama'y pakiramdam ko 100 percent na ulit yung energy ko at unlimited for three days pa.

"Natigil ka? Pagod ka na ba?" Lumapit ito saakin at umupo sa harapan ko at tinapik yung balikat nya na para bang sinasabi nyang sumakay na ako sa likod nya para hindi na ako mapagod. Agad kong tinakpan yung bibig ko dahil pakiramdam ko mapapatili ako sa kilig ng wala sa oras.

"No, kaya ko pang maglakad tumayo ka na jan ayokong mapagod ka, tska diba sabi ko naman sayo na hindi ako katulad ng mga princess na napapanood sa mga fairytales? Yakang yaka ko na to, parang maglakad lang e."

Tumawa ito sabay halik sa aking noo. Hala para san yun? Napangiti ako sa ginawa nya. God Jesus bakit ba ang hirap magpigil ng kilig sa lalaking ito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Want YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon