Chapter 24

40 0 0
                                    


Alas nuebe na ng umaga ng magising ako, napairap ako ng saktong tumama ang sikat ng araw sa aking mukha na nagmumula sa bintana. Dali dali akong bumangon at dumiretyo ng banyo.

Pagkatapos kong gawin ang routin ko bigla akong nakaramdam ng pagkagutom

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkatapos kong gawin ang routin ko bigla akong nakaramdam ng pagkagutom.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Cath at ang iba naming kasama. Isang manipis na short na tinernohan ng puting long sleeve at may kasamang sombrero ang suot ko. Pagbaba ko ng lobby pinagtitinginan nanaman ako ng mga tao. Kaya ayoko masyadong lumalabas lalo na kung matao e, gandang hindi mo inakala? agaw pansin. Tsk!

Naglakad akong patungo sa pool area at nakita ko nga silang masayang nagkukwentuhan at naliligo doon. agad akong lumapit sa kanila.

"Good morning Gin hindi na kita ginising ang sarap kasi ng tulog mo." Ang sabi saakin ni Cath habang nakangiti at nakikipagkulitan kay Gab. Kelan pa sila naging close?

"Good morning miss beautiful." Ang sabi naman ni Uno.

"Good morning din." Tipid kong sagot at nginitian ito. Agad hinanap ng mga mata ko si Hugo at nakita ko itong nakaupo sa gilid ng pool. Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi nya.

"Good morning!" Masigla kong bati sakanya.

"Ano namang maganda sa umaga?" Bored nyang tanong. Hala anyare? Bakit parang galit sya? May nagawa ba ako? Magsasalita pa sana ako ng bigla syang tumayo.

"Kumain ka na, anong oras na puyat na puyat ka." Ang sabi nya saka ako iniwan. Napakunot ako ng noo, ano bang problema nya?

"You ok?" Nagulat ako ng biglang tumabi saakin si Cath.

"May dalaw ba sya?" Tanong ko sakanya na ikinatawa nya?

"Who? Si H ba?" Tumango ako bilang sagot.

"Di siguro maganda gising nya, simula kasi kanina ganyan na sya, to be honest ngayon ko lang ulit syang nakitang ganyan." Ang sabi ni Cath. Ngayon lang ulit? Anong ibig nyang sabihin?

"Kain ka na, wag mo munang isipin si H lilipas din yun." Pagpapatuloy nya kaya naman tumango nlang ako bilang sagot.

Pagkatapos kong kumain naglakad ako patungo sa dagat, nakita ko kanina si Hugo dito sya nagpunta. Nasan ba sya? Agad ko itong hinanap.

Napangisi ako ng makita ko itong nakaupo isa sa mga cottage at may kasamang babae?

Ok ah! Nalingat lang ako may kasama na syang higad? Naglakad ako palapit sa kanila, aba at ang saya nila? Saakin badtrip sya? Pero sa hipon na ito halos makita lahat ng gilagid nya kakangiti nya.

Bigla akong nakaramdam ng pagkainis ng makita kong pasimpleng umaakbay pa yung babae sakanya, at isa rin tong lalaking ito gustong gusto naman? Humanda ka!

"Hubby!" Malambing kong Tawag kay Hugo sabay hawak sa kamay nya, mukha itong magulat sa ginawa ko, at nung tignan ko yung babaeng Linta umirap ito saakin, duh! Kahit umirap ka pa jan maghapon wala akong pake.

I Want YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon