"Ready ka na ba?"
Nakangiti nyang tanong, agad Kong inayos yung seatbelt ko at tinignan sya habang naka ngisi.
Akala nya siguro katulad ako ng ibang babae Jan na takot at mag iinarte sa mga gantong Bagay. Well nagkakamali sya dahil mahilig ako sa mga adventure.
Niliko nya ang sasakyan papunta sa may bakanteng lote. Madamo, lubak lubak at maputik.
Pinaharurut nya ang sasakyan at pinaikot ikot sa gitna, may Balak ba syang sirain ang sasakyan ko?
"Whhooaaa!! This is Life! Ang saya!!"
Sigaw nya pa na Halata mong nag eenjoy sya, kaya Napangiti nalang ako, para kasi syang bata. Pakiramdam ko magkakasundo kami, pareho kasi kami ng trip sa buhay.
Ako yung tipo ng babae na hindi maarte pero sobrang masayahin. Kung gusto ko ang Isang tao, ipaparamdam ko. Ayoko sa paligoy ligoy lalo na sa mga Taong torpe.
Nagulat nalang ako ng bigla nyang ihinto ang sasakyan at nasubsob ako sa lap nya.
"Wooaa... Hindi ba't parang masyado yatang mabilis Miss?"
Natatawang sambit nya kaya agad naman akong napaayos ng Upo.
"Jumbagin kaya kita gusto mo?" OMG! Nakakahiya, sinadya nya yun e panigurado ko.
Pagbaba ko ng sasakyan agad ko syang nilapitan.
"Ganda ng view no? "
Turo ko sa sasakyan Kong kanina'y kulay asul na ngayon naging brown na. At ang masaklap, Pati yung gulong na flat.
Buti nalang lagi akong nagdadala ng extrang gulong kaya naman agad akong pumunta sa likod ng sasakyan para kunin ito.
Kukunin ko na yung gulong ng akmang tutulungan ako ni Hugo.
"Hep hep bitaw?" Ika ko na mukhang kinagulat naman nya.
"Ako na." Nakangiti nyang tugon pero hindi padin ako pumayag. Marunong naman kasi akong magpalit ng gulong.
"FYI Hugo, hindi ako Isang prinsesa na pinag sisilbihan tulad ng nababasa mo sa mga fairytale. Yakang yaka ko kaya to."
Wala na syang nagawa kundi panoorin ako. Hayan marunong ka naman palang makinig sa boss mo.
Nung natapos ko ng palitan yung gulong, kita mo sa mga mata nya ang pagka mangha. Why my labs? Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng marunong magpalit ng gulong?
---
Dumiretyo kami sa Isang Condo. Ang sabi nya may imi-meet daw sya. So para lang akong aso na sunod ng sunod sakanya.
Hanggang sa makarating kami sa room 154, agad syang nag doorbell at mga ilang Segundo lamang Ay bumukas na ang pinto.
"H? Ikaw ba yan bro?" Rinig Kong sabi ng lalaki, at bakas sa kanyang boses ang pagka gulat. Kung makaasta naman tong mga to parang ang Tagal na nilang di nagkita, napangisi nalang ako.
"Mga bro, look who's here." Sigaw ng lalaki at Rinig ko nalang na parang dumadami na silang naghihiyawan. Mga baklang to ang iingay.
"Kelan ka pa dumating H?" Tanong ng isa sa kanilang lalaki.
"Kanina lang bro." Tipid namang sagot ni Hugo.
"Halika bro pasok ka." Rinig Kong sabi ng isa, aba't paano ako? Iiwan ako dito sa labas?
"Wait may kasama pala ako, Gin"
tawag saakin ni Hugo. Akala ko naman nakalimutan na nya ako. Kaya agad naman akong lumapit sakanya.
"This is Gin."
Tipid nyang pakilala saakin. Ngumiti naman ako ng sobrang lapad, yung ngiting parang si Jollibee.
"Mag-ingat kayo sakanya, Magaling yan sa taekwondo."
Aba't Pano nya nalaman?feeling ko talaga stalker ko itong si Hugo. Kinilig naman ako bigla.
"Oows! Talaga? Masubukan nga."
Ika ng isa sa mga kaibigan nya. Habang ang Iba Ay natawa naman sa sinabi nya.
Akmang susuntukin nya ako sa mukha, pero hindi pa dumadako ang kamay nya Ay nasipa ko na sya sa mukha.
Kita mo ang pagkagulat sa kanilang mga mukha dahil sa ginawa ko. Agad ko namang tinulungan yung lalaki na tumayo dahil nabaliktad sya sa pagkakasipa ko.
"S-sorry, hindi ko sinasadya." Hingi ko ng tawad habang Natatawa sa Itsura nya.
At natawa nalang din ang Iba ng makita ang ilong nyang dumudugo.
"Ayan, nakatagpo ka ng katapat mo." Sabi ng lalaki malapit sakanya. At patuloy parin silang nagtatawanan.
"Eto kasing si Gin e, parang joke lang e. Akala ko naman nagbibiro lang si H."
Mangiyak iyak nyang litanya habang hawak hawak ang ilong nyang duguan. Natatawa nalang din ako. Pakiramdam ko makakasundo ko sila.
---
Hindi ko Alam kung Anong okasyon, para kasing Fiesta. Ang dami nilang inorder na pagkain.
At finally nakabisado ko narin ang mga pangalan ng mga kaibigan ni Hugo. At unti unti ko narin silang naging ka close.
"Kain ka lang ng madami Gin."
Ika ni Ace, isa sa mga pinaka seryoso sa grupo. Tumango tango naman ako. Kahit naman hindi nila sabihin talagang kakain akong madami, lalo nat ngayon nagutom ako.
Masarap akong kumakain ng biglang may nambato sakin ng bola bola, sumakto naman ito sa pisngi ko.
Nagtawan sila ng malakas at Maski si Hugo Ay Natatawa nadin. Napangisi ako ng wala sa Oras, akala siguro nila maasar ako.
Dali dali din akong kumuha ng bola bola at binato Kay Uno, na saktong tumama sa noo nya. Natawa nalang din ako sa Itsura nya.
Ang saya saya namin habang nagbabatuhan ng pagkain, pakiramdam ko tuloy parang ang Tagal na naming magkaka kilala.
Tumingin ako Kay Hugo na nasa tabi ko, tumatawa din sya tulad ng mga kaibigan nya, dali akong kumuha ng icing at pinahid ito sa pisngi nya.
Humagalpak ako ng tawa ng makita ko ang Itsura nya. At kumuha din sya ng icing at pinahid din sa mukha ko.
Ang araw na to Ay isa sa pinakamasayang araw para sakin, at dahil yun Kay Hugo. Ang sarap maging bata.
Biglang tumayo si Hugo at nagpaalam na mag C-cr lang. Tumango tango naman kami. Nakakatawa silang tignan.
Pagkatapos ng kainan, Niligpit na namin ang mga kalat. Habang nagliligpit kumanta si David ng Despasito, nakakatawa kasi yung Iba sumasabay din, meron pa Ngang kumuha ng walis na kunwari gitara ang hawak, at ako naman itong tumuntong sa lamesa at sumayaw.
Mukha kaming mga bagong labas sa mental pero sobra namang nag eenjoy.
Naisip ko tuloy na sana...
Sana hindi ito yung huli.
BINABASA MO ANG
I Want You
RomanceKung Ikaw ang nasa sitwasyon ni H, sino nga bang pipiliin mo? Si past na akala mo nakalimutan mo na, pero makalipas ang Mahabang panahon sya at sya padin ang laman ng puso't isipan mo? O si present na handang gawin ang lahat mapasaya ka lang. Dahil...