Chapter 13

31 2 0
                                        

Lumalalim na ang gabi kaya naisipan na naming umuwi ni Hugo, naglalakad kaming palabas ng park ng biglang umulan.

Tumakbo kami para maghanap ng masisilungan ng bigla nyang hawakan ang kamay ko. Kaya napahinto kami sa gitna ng park at unti unti ng nabasa.

"Don't run, the rain is everywhere." Ang sabi nya habang nakatingala sa kalangitan. Napangiti ako sa sinabi nya.

Tumingin ako sa taas, pinakiramdaman ko ang ulan. Naiisip ko tuloy kung bakit madaming may Ayaw sa ulan?

Rain makes everything beautiful, rain is grace, rain is the sky descending to the earth and without rain there would be no life.

I find peace in the rain. Tinignan ko si Hugo, bakit ganun? Kahit nakangiti sya, Kitang kita ko sa mga mata nya na malungkot sya, na umiiyak sya. Ayokong nakikita syang nasasaktan, Handa akong gawin ang lahat mapasaya lang sya.

Simula pa nung una hindi na Maiintindihan  nararamadaman,
Naging magkaibigan ngunit hindi umabot na magka ibigan,
Tanggap ko yun nuon, kampante na ganun nalang,
Sapat na na kasama kita Kahit hanggang dun nalang.

Nakatitig lang ako sakanya habang kumakanta. Lumapit ako sa direksyon nya at hinawakan ang kanyang kamay, at Kahit na umuulan pinahid ko parin yung mga luha sa pisngi nya. Please Hugo wag ka ng malungkot.

Hindi nalang ako lalapit
Di nalang titingin
Para hindi na rin mahulog pa
Sayong mga mata.

Siguro nga napamahal na ko sayo, oo
Di naman inaasahan
Di naman sinasadya
Pero Alam ko rin naman
Hanggang dito nalang
Lilimutin ang damdamin
Isisigaw nalang sa hangin
Mahal kita.

Mahal na kita, pero bakit di mo makita. Hindi kaya't may Mahal kang iba?  Nakatitig lang kami sa isat isa.

Sinubukan ko naman na pigilan ang nararamdaman
Kahit mahirap lumayo at umiwas sayo
Pano ba naman
Isang ngiti, Isang tingin, Kahit boses mo na ring nakakatunaw
Wag nang pansinin
Delikado na, delikado na

Hirap paring hindi lumapit di maiwasang tumingin
Mukha yatang ako'y nahulog na
Sayong mga mata.

Kinuha ko ang Isang kamay nya at inilagay sa aking mga bewang, agad ko ding pinatong ang aking kamay sa balikat nya, at isinayaw sya, yes we're dancing under the rain, Napangiti ito kaya ngumiti na din ako.

I Want YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon