Hugo's POV
----Pinahid ko ang mga luha na kanina pang Ayaw tumigil, itinungga ko yung Alak na dala ko, Kahit ilang Alak pa ang ubusin ko, hindi ito kayang burahin ang Sakit at alaala ng nakaraan.
"Polo, may nakilala akong Isang babae." Pag uumpisa ko, Napangiti ako ng bigla kong maalala si Gin.
"Gzinebra, yun yung pangalan nya, Alam mo bang sinampal nya ako ng biruin ko sya dahil sa pangalan nya? Kakaiba sya Kay Bobby bro, para nga syang lalaki kung umasta e." Pagpapatuloy ko ng kwento. Sana Polo naririnig mo.
"Gusto ko na sya." Napangiti ako sa sinabi ko. Siguro kung may makakita saakin pagkakamalan akong baliw, o di kaya matatakot, iisipin nilang may kausap akong hindi nila nakikita.
"Maganda sya, mabait at lagi akong Pinapasaya, Sayang bro wala ka dito, hindi mo sya makikilala." Napangiti nalang ako ng mapait, siguro kung buhay pa ngayon si Polo magkakasundo sila ni Gin, pareho silang makulit.
"Miss na kita bro, wag kang mag Alala, aalagan ko si Cath." Bigla namang humangin ng malakas, kaya Napangiti nalang ako, maaaring hindi ko sya nakikita, pero umaasa akong sana naririnig nya.
---
"Tanghali na Hugo, gising na." Agad nyang Hinawi ang kurtina sa bintana kaya napairap ako ng tumama ang silag ng araw sa aking mukha.
"Oo, mamaya na kuya." Sagot ko, kita Kong Nakatayo parin ito at inaayos ang necktie nya.
"Uuwi ngayon si Dad, magkita daw kayo." Tumango nalang ako bilang sagot, Simula noong naghiwalay sila ni Mom hindi ko na ulit sila Nakita pa.
My father is one of the most busiest people I met, lahat ginagawa nya para sa amin, para sa pamilya nya, ngunit bakit hindi padin sapat para Kay Mom? Hindi padin sapat kasi naghanap parin sya ng iba.
Agad na akong bumangon at dumiretyo sa banyo. Pagkatapos Kong maligo at mag ayos Bumaba na ako sa sala para hanapin si kuya pero nakaalis na pala ito.
Pinaandar ko ang motor at tinungo ang lugar kung Saan kami magkikita ng aking ama.
Pumasok ako sa Isang simpleng restaurant, medyo madami ng tao sa lugar, tumingin sya saakin at agad na lumapit.
"Son." Ika nya at niyakap ako. Ramdam Kong masaya syang makita ako. Inaya nya akong umupo para makapag usap kami ng maayos.
"Matagal din tayong hindi nagkita, kamusta ka na Hugo?" Mainahon nyang tanong.
"I'm Ok Dad, nag usap na ba kayo?" Napabuntong hininga ito sa tanong ko. Hindi ko Alam kung Anong pumasok sa isip ko at naitanong ito sakanya, samantalang Alam ko na naman ang sagot.
"May nakapag sabi saakin na Matagal na daw silang Hiwalay." Pagku kwento nya saakin. Agad naman akong napatingin sakanya.
"Talaga? Bakit daw dad? Siguro natauhan na sya sa pang iiwan nya sa pamilya nya." Seryoso Kong sagot. Nakatitig lang sya saakin at umiling.
"No son, nasa hospital sya ngayon, Kelan lang nung malaman Kong may lung cancer sya at malubha na. Kinalimutan ko na ang mga ginawa nya saakin, saatin. Lagi ka nyang hinahanap, sana bisitahin mo sya."
Hindi ko Alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko, galit? Galit dahil hanggang ngayon sariwa Parin sa isip ko ang mga panlolokong ginawa nya Kay Dad at saakin. Lungkot? Lungkot dahil sa tinagal Tagal ng panahong hindi kami nagkita malalaman ko nalang na malubha na ang Sakit nya, O dapat bang maging masaya ako? Kasi finally, wala na sila ng lalaking pinag palit nya sa pamilya nya.
"Son may meeting pa ako with Mr. Javier, pag isipan mo yung sinabi ko bago pa mahuli ang lahat." At hinawakan ako sa balikat kaya tumango nalang ako bilang sagot Saka ito lumisan.
Napahawak nalang ako sa sentido ko sa sobrang dami Kong iniisip. Gulong gulo ang isip ko. Tumayo ako at agad na nilisan ang lugar.
Agad akong nag doorbell ng marating ko ang condo ni ace. Muli ko sanang pipindutin ng biglang binuksan ang pinto.
"H bro." Nagkamayam kami, yung madalas ginagawa ng mga lalaki pag nagkikita kita. Pinapasok nya ako at inabutan ng beer.
"Mag isa ka, di mo kasama si Gin?" Tanong nya saakin, napailing naman ako sa tanong nya.
"Magkasama kami kagabi." Napangisi ito saakin kaya agad ko syang tinapik sa balikat.
"Mali Yang iniisip mo gago, may respeto ako sakanya." Sagot ko ulit. Natawa naman ito.
"Bakit may sinabi ba ako? Pero seryoso bro, mahal mo na sya?" Tanong nya ulit saakin, niligok ko muna yung beer na hawak ko at umiling sakanya.
"Hindi daw? Alam mo H kilalang kilala na kita kung Andito lang si Polo pinektosan ka na nun, mga tingin mo palang sakanya halatang Halata na.... Na may pagnanasa ka.." Ika nya at agad ko syang binato ng unan na agad nya namang nasalo. Halos Mamula sya sa kakatawa.
"Gusto ko sya. Pero bakit ganun bro? Bakit parang hindi pa ako Handa." Tanong ko sakanya.
"Dahil Kay Bobby?" Tanong nya saakin, pangalan nya palang ang naririnig ko pero nasasaktan na ako. Tumango lang ako bilang sagot.
"Naiintindihan kita bro, alam Kong masakit yung nangyari sa relasyon niyo ni Bobby, pero H wag mu din sanang kalimutan na letting go doesn't mean giving up, but rather accepting that there are things that cannot be, Don't be afraid of losing someone who doesn't feel lucky to have you, alam kong gusto ka din ni Gin and You can't start the next chapter of your life if you keep re-reading the last one. Its time to move on bro. Walang may gusto sa nangyari Kay Polo. Lahat tayo nasaktan sa pagkawala nya. Hindi masamang sumubok ulit."
Hinawakan nya ako sa balikat at ngumiti ito saakin. Tumango ako dahil may punto sya, siguro nga kailangan ko munang patawarin ang sarili ko, walang may gusto sa nangyari dahil lahat kami nawalan ng kaibigan.
"Nagtext si Uno, nasa bar daw ang tropa kasama si Cath, tara bro." Ika nya at agad naman kaming tumayo at lumabas na ng condo.
---->
End of Chapter 15 :)
#moveon
BINABASA MO ANG
I Want You
RomanceKung Ikaw ang nasa sitwasyon ni H, sino nga bang pipiliin mo? Si past na akala mo nakalimutan mo na, pero makalipas ang Mahabang panahon sya at sya padin ang laman ng puso't isipan mo? O si present na handang gawin ang lahat mapasaya ka lang. Dahil...