Pinaikot ni Patric yung bote at naghiyawan ang lahat ng tumigil ito sa harap ni Uno."Bro truth or Dare?" Tanong sakanya ni Patric habang ang iba ay nag aabang sa sagot nya.
Sa barkada maliban kay Hugo, si Uno ang pinaka gusto ko, siguro dahil pakiramdam ko sya yung girl version ko, sya yung unang tingin palang alam mong makakasundo mo na.
"Dare." Malakas nyang sagot kaya naman pati ako natawa narin sa itsura nya.
"Dare ba bro? Sige nga halikan mo nga yang ilong mo." Ang sabi ni Cal kaya naman lahat kami natawa sa sinabi nya. Hindi ko alam kung paano nya yun gagawin dahil maski ako hindi ko alam kung paano.
Nguso lang ng nguso si Uno at pilit inaabot ang ilong. Gusto kong maawa sa itsura nya but at the same time gusto ko ring matawa mukha kasi syang abnoy.
"Ito nalang bro, isulat mo yung pangalan mo sa hangin gamit ang pwet mo." Ang sabi ni Patric.
"Ok yan, masaya to." Ang sabi naman ni Cal at hinanda yung Cellphone para kuhanan ng Video si Uno. Nag Simula ng gumalaw ang pwet ni Uno at isinulat ang Letter U. Sadyang makulit ang iba kaya sinabayan ito ng kanta.
"Sayaw Uno Sayaw Uno Sayaw Uno Sayaw Uno!"
Halos mawalan ako ng hininga dahil sa kakatawa, kung kanina kanta lang ngayon may kasama ng palakpak.
"Ikembot mo ikembot mo ikembot mo ikembot mo!"
Paulit ulit lang hanggang matapos nyang isulat yung pangalan nya.
Muling pinaikot yung bote at saktong tumama ito saakin. Malakas na hiyawan ang ipinukol ng tropa kaya natawa nalamang ako sakanila.
"Ehem Gin." Simula ni Uno na ngayon ay nakaupo na sa tabi ni Cath at mukhang hindi manlang pinagpawisan sa ginawa nya.
"Yung totoo babae ka ba talaga? Masakit parin kasi yung ilong ko na sinipa mo eh."
Nagulat ako sa sinabi nya, samantalang ang iba ay nagtawan dahil sa itsura ni Uno na ngayo'y sapo sapo na ang ilong. Napailing nalang ako ng wala sa oras nilingon ko ang katabi kong si Hugo at napangisi nalang din ito. Naalala ko na maski din pala sya ay tinanong din ako dati kung babae daw ba talaga ako?
Porket ba hindi ako tulad ng ibang babae jan na pag lumabas lang ng bahay dapat naka makeup at naka palda? Na dapat ba mahinhin at Pabebe? Ganun ba yun? Porket ba hindi ako ganun umasta hindi na ako babae?
Elementary palang napapansin na nila
Mga gawi kong parang hindi pambabae e kasi
Imbes na chinese garter laruan ko ay teks at jolens
Tapos ka ja-mming ko lagi noon mga sigang lalaki sa aminNapatigil sila sa pagtawa at napatingin saakin ng bigla akong kumanta.
Nung ako'y mag-high school ay napabarkada sa mga bi
Curious na babae na ang hanap din ay babae
Sa halip na makeup kit bitbit ko ay gitara
Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na tshirt at faded na lontaNapangiti ako ng sabayan ako ni Gab gamit ang gitara.
Pero noong nakilala kita nagbagong bigla ang aking timpla
Natuto ako na magparebond at mag ahit ng kilay atleast once a month
Hindi ko alam kung anong meron ka na saakin ay nagpalambot ng bigla
Sinong mag aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng galaTumingin ako kay Hugo at ngumiti ito saakin. Naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko. Oo, simula ng makilala ko sya yung Gin na hindi marunong mag ayos ay natutong magpaganda dahil sakanya. Pag-ibig nga naman.
BINABASA MO ANG
I Want You
RomanceKung Ikaw ang nasa sitwasyon ni H, sino nga bang pipiliin mo? Si past na akala mo nakalimutan mo na, pero makalipas ang Mahabang panahon sya at sya padin ang laman ng puso't isipan mo? O si present na handang gawin ang lahat mapasaya ka lang. Dahil...