(Pakinggan po yung kanta bagay sa feelings ni Gin para Kay Hugo. Enjoy! )
Gin's POV
-----Kahit labag sa kalooban ko, niyaya ko syang pumasok sa Condo ko. Pagbukas ko ng pinto, agad Kong pinulot yung mga damit na Naka kalat sa sahig.
Pasimple Kong niligpit ang mga ito. Naku Gab, malilintikan ka talaga sakin pag nagkita tayo, ni hindi man lang niligpit yung pinagtulugan nya. Baka isipan ni Hugo na ka babae Kong tao ang kalat kalat ko. Lumapit ako sa kinariroonan nya.
"Boyfriend mo?"
Tanong nya habang hawak hawak ang picture namin ni Gab. Tinignan ko sya sa mata, bat parang nagseselos sya? O baka namamalikmata lang ako. Asa pa more Gin.
"Kapatid ko, At yan naman si mama." Turo ko sa picture ni mama. Napangiti naman sya sakin.
"Kayo lang?" Agad ko naman naiintindihan yung tanong nya kaya tumango ako sakanya.
"Four years old ako ng iwan kami ni papa, kaya wala kaming picture na kasama sya."
Bigla naman bumalik sakin yung mga alaala noong lagi Kong nakikita si mama na umiiyak Kitang Kitang ko sa mga mata nys ang lungkot dahil yun Kay papa.
"Sorry Gin." Napangiti nalang ako sakanya. Kailangan Kong makagawa ng paraan para makapag ayos sa bahay. Nakakahiya naman sakanya.
"Oh my God, Anjan na sila! Kailangan mong magtago." Nagulat naman sya sa sinabi ko. Tinulak ko sya papuntang kwarto.
"Sinong anjan Gin?" Nagtataka nyang tanong.
"Si mama, parating na sya. Magagalit yun pag Nakita nyang may kasama akong lalaki dito, kaya bilis na magtago ka na."
At agad Kong binuksan yung cabinet sa kwarto ko at pinapasok sya dun. Agad naman syang sumunod at sinabihan pa akong wag maingay.
Pigil na Pigil ako sa pagtawa dahil sa Itsura nya, paniwalang paniwala talaga sya. Pagka close ko ng cabinet dali dali Kong inayos ang mga dapat ayusin.
Bumalik ako sa kwarto para ilagay ang mga gamit ng biglang may sumutsot sakin Mula sa cabinet.
"Ppsstt.. Ano? Anjan na ba?" Bulong nyang tanong pero sakto lang para Maiintindihan ko. Hindi ko mapigilan ang sarili Kong hindi tumawa.
"At naniwala ka talaga ah." Natatawa Kong sagot sakanya. Bigla syang tumawa na may kasamang iling.
"Ganun ha? Lagot Ka sakin." Natatawa nyang sabi. Kaya agad na Kong tumakbo ng Akmang hahabulin nya ako.
Tawang tawa talaga ako sa Itsura nya, hanggang sa nahawakan nya ako sa kamay at hinilang palapit sakanya at kiniliti ako sa tagiliran. Bumaliktad kaming pareho, namalayan ko nalang na nakahiga na ako sa sahig at nakadagan sya saakin.
"Pangalawang beses mo ng ginawa sakin to, kaya hindi ako papayag na hindi makaganti sayo ngayon." Nakatawa nyang sabi saakin.
"Ano? Anong gagawin mo?" Tanong ko sakanya habang nakahiga parin sa sahig at hindi maigalaw ang katawan.
Nagulat nalang ako ng bigla nya tinaas ang dalawang Kong kamay at kiniliti ako sa kili-kili, halos maubusan ako ng hangin sa kakatawa. Mabuti nalang pala nag shave ako lol.
"Tama na! Ayoko na! Hindi na mauulit!"
Natatawa Ko paring Tugon habang nagmamakaawa sakanya. Nang biglang bumaliktad ang mga paintings ko sa sahig kaya agad ko syang naitulak at finally tumigil na rin sya sa pag kiliti sakin.
Agad akong Umayos ng Upo at itinayo ang mga paintings. Oo mahilig din ako sa arts, pag wala akong Ginagawa, pagpipinta ang inaatupag ko, at masaya naman ako sa mga Ginagawa ko.
"Ikaw may Gawa nito?" Turo nya sa painting kung Saan si Gab ang naroon at Masarap na kumakain ng ice cream. Tumango ako sakanya at ngumiti.
"Sa Festival yan, nung pumunta kami sa France." Kwento ko sakanya na kinagulat nya.
"France? Anjan din ako nung araw na yan." Ika nya. Talaga? Pero bakit hindi ko sya Nakita? Sa dami ba naman ng tao Gin ang sabi ng utak ko, Kaya Napangiti nalang ako sakanya.
Bigla syang tumayo at inabot sakin ang kamay nya, inabot ko naman ito para tulungan akong tumayo pero napalakas yata ang hila nya kaya napasubsob ako sa dibdib nya.
Bigla Kong naramdaman yung mga nagkakarerahang kabayo sa dibdib ko, sa sobrang lakas ng tibok ng Puso ko. At Ng tignan ko sya, parang biglang tumigil ang ikot ng mundo ng magtagpo ang mga titig namin sa isat isa.
Naramdaman Kong unti unting lumalapit ang mukha nya sakin, kaya bago pa ako maduling pinikit ko na ang mga mata ko, hanggang sa naaamoy ko na rin ang mabango niyang hininga. Konting konti nalang ng biglang...
"I'm Home!" Sigaw ni Gab pagka pasok na pagka pasok nya palang sa pinto.. Tangina naman oh! Ayun na e, konting push nalang e. Kung maka timing naman to Kainis.
Agad ko syang tinignan ng masama at mukha namang nagets nya kaya natawa sya.
"Sorry." Ngumiti sya samin at nag peace sign pa ito. Kahit pa mag peace sign ka Jan ng magdamag wala na, naudlot na.
Ng tignan ko si Hugo kita Kong Maski sya Ay Nagulat din. Kaya Napangiti nalang ako Atleast nalaman Kong may pag asa pala ako.
Pinakilala ko sila sa isat isa hanggang sa magpaalam na si Hugo na aalis na kaya minabuti Kong ihatid sya palabas. Nung nakaalis na sya agad akong bumalik sa loob. Maghanda Ka Gab, magtutuos tayo.
---->
End of Chapter 9 :)
BINABASA MO ANG
I Want You
RomanceKung Ikaw ang nasa sitwasyon ni H, sino nga bang pipiliin mo? Si past na akala mo nakalimutan mo na, pero makalipas ang Mahabang panahon sya at sya padin ang laman ng puso't isipan mo? O si present na handang gawin ang lahat mapasaya ka lang. Dahil...