Kung Ikaw ang nasa sitwasyon ni H, sino nga bang pipiliin mo?
Si past na akala mo nakalimutan mo na, pero makalipas ang Mahabang panahon sya at sya padin ang laman ng puso't isipan mo?
O si present na handang gawin ang lahat mapasaya ka lang. Dahil...
Napangiti ako ng sabihin nya sakin na mag Ingat daw ako kasi Mamahalin nya pa ako. Alam Kong gusto ako ni Gin, at oo nagugustuhan ko narin sya. Pero Ayokong madaliin ang lahat, gusto Ko munang ayusin ang nakaraan ko. Maaayos ko pa kaya?
Napapikit nalang ako ng bigla ko syang maalala.
IloveyouHugo
Paulit ulit Kong naririnig ang boses nya sa isipan ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.
Agad Kong pinaharurut ang sasakyan. Tatlong taon na ang nakakalipas pero yung Sakit at alaala sariwang sariwa parin sa Puso at sa isipan ko.
Itinigil ko ang sasakyan sa cementeryo, agad Kong tinungo kung Saan naka libing ang Taong isa sa pinaka importante sakin.
Umupo ako sa tabi nito at Hinawi ang mga dahon sa tabi. Binasa ko ang pangalan na naka sulat doon, hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na wala na sya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PoloT. Omtiveros Born: December 23, 1989 Died: December 3, 2014
"Bro Kumusta ka na Jan?" Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Biglang bumalik ang alaala ng nakaraan.