Hininto nya ang sasakyan sa Isang italian restaurant. Agad syang Bumaba at umikot sa sasakyan para pagbuksan ako ng pinto.
Agad naman akong napangiti. Nekekekeleg nemen. Inalalayan nya akong Bumaba at inabot ang susi sa gwardya.
Pagpasok palang namin sa loob, agad na akong namangha, napaka elegante ng lugar. Nilibot ko ang aking paningin, Halata mong mamahalin ang mga materyales na ginamit dito. Konti lang din ang tao na nasa loob kaya tahimik at maaliwalas ang lugar.
Inalalayan ako ni Hugo sa pag Upo. Agad naman lumapit ang Isang waiter at Inabot ang menu Kay Hugo.
"Ci dà qualcosa un Squash Cannelloni, veggie tagliatelle bolognese." Ang sabi ni Hugo, Tango lang ng tango yung waiter. Marunong pala syang mag Italian? Lalo tuloy akong namangha sakanya.
"E per le bevende due BlackBerry Rossini" dagdag pa nya.
"Altrementi, signore?" Nakangiting tanong ng waiter.
"Questo è tutto." Sagot naman ni Hugo dito at tumingin sakin na mukhang nagyayabang. Nginisian ko naman ito, edi sya na ang Magaling.
"Va bene signore, perdere." Ika ng waiter at nakangiting tumingin sakin. Paalis na sana sya ng bigla ko itong pigilan.
"Mi scusi." Tawag ko sa waiter at agad naman itong lumingon at lumapit sakin. Kitang kita ko ang pagtaas ng kilay sakin ni Hugo, Napangiti naman ako akala nya siguro hindi ako marunong mag Italian language.
"Quanti minuti aspettiamo?" Tinanong ko kung ilang minuto kami mag aantay para sa pagkain. Gutom na kasi ako, sa sobrang excited ko sa date namin Pati kumain nakalimutan ko na din.
"Cinque minuti perdere." Nakangiting sagot ng waiter kaya tumango nalamang ako at umalis na ito.
"Marunong ka pala ng Italian." Tanong nya sakin agad naman akong tumango bilang sagot.
"Italian, Spanish, Korean, Dutch, French, Latin, Portuguese at marami pang iba." Sagot ko sakanya, nung nag aaral kasi ako tinuruan din kami ng ibat ibang language, kaya marunong ako.
Nauna nang sinerve saamin yung drinks. Habang hinihintay namin yung ibang order napagkwentuhan namin yung nangyari sa gym, kung paano kami pagalitan ni couch Andy, hindi tuloy namin mapigilan ang matawa nalang sa nangyari.
Wala pang limang minuto ng dumating ang mga inorder ni Hugo. Mukhang Masarap ang mga ito.
"Pasta i piatti principali qui, cosa puoi dire?" Ang sabi nya pasta daw ang main dish nila dito, at tinatanong ako kung anong masasabi ko sa inorder nya.
Tumango tango lang ako sabay subo sa pagkain. Masarap yung pasta nalalasahan ko yung pepper paste na ginamit dito instead na tomato paste na mas lalong nagpapasarap sa Lasa ng pasta.
"Delizioso, ma preferisco cucinare." Taas noo kong Sagot sakanya, natawa naman sya sa sinabi ko.
Oo Masarap yung pasta nila pero mas Masarap akong gumawa ng pasta 101 percent sure.
"San mu pa gustong pumunta after this." Tanong nya ulit sakin. Hmm Saan nga ba? Parang gusto Kong kumain ng fishball.
"Ako ng bahala." Nakangiti Kong Tugon sakanya. Tumango naman ito bilang sagot.
Paglabas namin sa restaurant, sinabi nyang antayin ko daw sya kukunin nya lang daw ang kotse nya, ngunit bigla ko syang pinigilan kaya agad itong tumingin saakin.
"Maglakad nalang tayo, mas masaya." Ang sabi ko at pumayag naman ito agad. Dinala ko sya sa lugar kung saan madaming nagbebenta ng fishball, kikiam, bopis, kwekkwek at Madi pang iba.
"Alam mo ba kung bakit laging madaming tao dito? Kasi ibig sabihin, Masarap yung binebenta nila kaya dinudumog sila."
"Talaga?" Nakangiti nyang tanong. Agad akong kumuha ng bopis, at isinawsaw sa sukang maanghang, hinihipan ko muna bago ko inilapit sa bibig nya na mukha namang ikinagulat nya.
"Tikman mo say Aaaa.." Sabi ko sakanya nung una nag Aalangan sya kung kakainin ba nya ito pero Dahil sa makulit ako napanganga nalang sya ng wala sa Oras.
Tinignan ko lang sya hanggang sa maubos nya, nag thumbs up naman ito saakin. Sabi na e, magugustuhan nya.
Kumuha din sya ng isa at isinawsaw sa Suka sabay lapit sa bibig ko. OMG susubuan nya ako. Hindi mo lang Alam Hugo kung gaano mo ako napasaya ngayong gabi, sana hindi ito yung huli.
Naglalakad kami nung may makita kaming Isang Maliit na park, agad naman kaming pumasok dito, umupo kami sa damuhan at nagkwentuhan. Getting to know each other ang peg.
"Nag enjoy ka ba?" Tanong nya sakin kaya, napalingon naman ako sakanya, At Nakita Kong nakatingala sya sa langit.
"Sobra, salamat huh? Ang saya saya ko." Nakangiti Kong sagot, tumingin din sya sakin at ngumiti. Lumalamig na ang gabi kaya Sinuot ko na yung jacket na dala ko. Bigla namang humangin ng malakas kaya napayakap nalang ako sa sarili ko.
"Malamig?" Tanong nya, agad naman akong tumango. Nagulat nalang ako ng bigla nya akong agbayan at hinila palapit sakanya.
Anjan nanaman ang mga kabayong nagtatakbuhan, ang bilis bilis nanaman ng tibok ng Puso ko. Kinalma ko ang sarili ko baka maihi ako ng wala sa Oras sa sobrang Kilig.
"Malamig parin ba?" Tanong nya ulit, mabilis naman akong umiling. Kung kanina nilalamig ako bakit ngayon parang ang init na?
"Thank you Gin." Napalingon ulit ako ng marinig ko syang nagsalita. Bakit naman sya nagpapasalamat e sya nga tung nanlibre so dapat ako ang magpasalamat.
"Thank you Saan?" Tanong ko sakanya, napabuntong hininga ito, bakit pakiramdam ko kinakabahan sya. Hindi kaya't.
"Thank you kasi... Pinapasaya mo ako, dahil sayo unti unti Kong nakakalimutan ang mga problema ko." Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya, masaya akong marinig na napapasaya ko sya.
Hinalikan ko sya sa pisngi na mukhang ikinagulat nya.
"Il tuo benvenito." Walang anuman Hugo, mas pinasaya mo ako, at kinindatan sya kaya Napangiti ito.
Paalis na kami ng bigla nya akong hilain papuntang wishing fountain.
"Mag wish ka." Ika nya at inalalayan akong tumalikod habang hawak hawak nya ako sa bewang. Inabot nya sakin ang Isang coins, ang sabi nya mag wish daw muna ako bago ko ihagis yung coins sa fountain. Tinakpan nya ang aking mga mata gamit ang mga daliri nya.
"Sana, sana lagi Kong mapasaya si Hugo." Sana magustuhan din ako ng ni Hugo, At sabay hagis ng coin. Napansin Kong hindi ito sumakto sa fountain kaya Narinig Kong nahulog ito sa sahig, agad naman itong pinulot ni Hugo at hinagis sa fountain.
"Ang galing mo." Ika nya kaya natawa nalang kaming pareho.
---->
End of Chapter 12 :)
BINABASA MO ANG
I Want You
RomanceKung Ikaw ang nasa sitwasyon ni H, sino nga bang pipiliin mo? Si past na akala mo nakalimutan mo na, pero makalipas ang Mahabang panahon sya at sya padin ang laman ng puso't isipan mo? O si present na handang gawin ang lahat mapasaya ka lang. Dahil...