Pagbaba ko sa sasakyan agad Kong hinanap si Gab. Ano bang trip ng kapatid ko at dito nya gustong kumain?
Open kasi yung lugar at sobrang daming tao. Tambayan ang peg, mayroong mga grupo ng kabataan sa gilid na masayang nagku-kwentuhan meron ding mga studyanteng nag de-date na mukhang nag cutting pa yata sa klase para makipaglandian lang tsk! ng makita ko si Gab kinawayan nya ako at agad akong lumapit dito.
Niyakap ko sya ng mahigpit. After 1 year ngayon lang ulit kami nagkita. Kaya miss na miss ko na talaga sya.
"Kamusta si mama?"
Agad Kong tanong sakanya, at bigla itong sumimangot.
"Mabuti naman ate, syempre alagang alaga kaya sakin si mama, e ako ba ate hindi mo kakamustahin?"
Ngiting ngiting tanong nya. 8 years old ako nung nag decide si mama na tumira kami sa Spain. Tinulungan kami nila lolo at Lola para magsimula ulit ng panibagong buhay. Dun na din kami nagtapos ni Gab ng pag aaral. Hanggang sa naka graduate na nga ako at bumalik na dito sa Pilipinas, Why? Kasi gusto ko.
"Hindi na, mukha ka namang ok e."
Pang aasar ko sakanya, dalawang taon ang agwat namin ni Gab, 23 na ako ngayon at sya naman 21. 4 years old ako nung iwan kami ni papa, hindi ko matandaan kung anong Itsura nya, Basta ang Alam ko may Iba na syang pamilya ngayon.
Sabi ni mama nagpaalam daw si papa na maghahanap ng Trabaho sa Manila, tapos pag nakahanap na daw sya ng magandang Trabaho kukunin nya daw kami. Pero ilang buwan na ang lumipas at si papa hindi padin daw nagpaparamdam.
Hanggang sa nabalitaan nalang ni mama na may ibang pamilya na daw si papa. Mag isa kaming tinaguyod ni mama kaya masasabi Kong napaka swerte namin sakanya.
"Ang sweet sweet mo talaga sakin ate kaya labs kita e."
Sabay kindat at pacute sakin. Kung hindi ko lang talaga kilala ang kapatid ko iisipin Kong bakla to.
"Oorder lang ako."
Ika nya sabay tayo at lumakad patungong counter.
(Gabriel Miguel - ang nasa picture )
Habang hinihintay ko si Gab na isipan Kong maglakad lakad na muna, ng may makita akong Isang lalaking nakaupo malapit sakin.
(Sya yung nasa picture..)
Yung mata nya, yung ilong nya, yung mga labi nya, OMG bat ang gwapo nya?
Kinuha ko yung camera ko at agad ko syang kinuhanan ng picture. Napangiti nalang ako habang nakatitig sakanya.
Mula naman sa likuran nya, may babaeng papalapit sakanya at tinakpan sya sa mata gamit ang mga kamay nya. Ang saya nilang tignan, para silang mga bata.
Napabuntong hininga na lamang ako sa kadahilanang Sayang naman, akala ko sya na ang Icing sa ibabaw ng cupcake ko may ibang cupcake na palang nag mamay-ari sakanya.
Napangiti yung lalaki, shit Isang ngiti mo pa aagawin kita sakanya. Sana ako nalang yung babae. Nakaka inggit.
At mas lalo pa akong nainggit nung bigla nyang binuhat yung babae at sabay silang nagtatawanan. Kahit ang Sakit Sakit na sa Puso ko kinuhanan ko padin sila ng picture, can't help it ang saya nilang tignan.
Bumalik na ako sa pwesto namin ni Gab at sakto namang ise-serve na yung pagkaing inorder nya.
Nagku-kwentuhan lang kami ng kapatid ko ng mapansin Kong paalis na yung lalaki. Hindi ko Alam pero parang may nagtutulak sakin na sundan sya kaya agad akong tumayo.
"Oh San Punta mo ate? Di ka pa tapos sa kinakain mo." Kunot noo nyang tanong.
"Susundan ko lang yung pangarap ko, kita nalang tayo mamaya, Ingat ka." Sabay kindat ko sakanya at agad ng umalis bago pa nya ako pigilan.
Nakita ko syang sumakay na sa motor nya. Agad ko namang pinaandar ang sasakyan ko.
Ano bang nangyayari sayo Gin? Kelan ka pa naging Baliw sa lalaki? Sundan mo ba naman ang lalaking hindi mo naman kilala?
Ako kasi yung tipo ng babae na mapili sa lalaki. Madami ng nanligaw sakin pero hindi ko naman sila gusto.
First time Kong magka gusto sa Isang lalaki, kaya gagawin ko ang lahat para mapansin nya ako.
Patuloy ko padin syang sinusundan ng bigla syang lumiko pakanan, agad ko ding niliko. Sunod padin ako ng sunod sakanya.
"Daang papuntang Forever na itu." Natatawang sambit ko.
Tumigil sya sa Isang Gasoline Station, pinark nya yung motor nya at dali dali syang lumapit sa isang lalaki.
Kunwari magpapa Gas nalang din ako, Bright Idea Gin kaya pinaandar ko yung kotse papuntang Gasoline Station.
Nakatingin lang ako sakanya habang sila'y nagtatawanan ng biglang.. May bumangga?
Paglabas ko ng kotse napanganga nalang ako, yung feeling na dinaig mo pa yung naaresto ng pulis kasi nagnakaw ka ng toothpick sa department store?
Hindi ko Alam kung Anong gagawin ko. Yung motor nya kasi nabangga ko kaya ayun at bumaliktad.
----
End of Chapter 2
BINABASA MO ANG
I Want You
RomanceKung Ikaw ang nasa sitwasyon ni H, sino nga bang pipiliin mo? Si past na akala mo nakalimutan mo na, pero makalipas ang Mahabang panahon sya at sya padin ang laman ng puso't isipan mo? O si present na handang gawin ang lahat mapasaya ka lang. Dahil...