Kung Ikaw ang nasa sitwasyon ni H, sino nga bang pipiliin mo?
Si past na akala mo nakalimutan mo na, pero makalipas ang Mahabang panahon sya at sya padin ang laman ng puso't isipan mo?
O si present na handang gawin ang lahat mapasaya ka lang. Dahil...
Nagising ako ng wala na sya sa tabi ko. Nilibot ko ang aking paningin ng makita ko syang tumatakbo papalapit sa dagat.
Napangiti ako ng makita ko ang mga ngiti sa ma-amo nyang mukha. Gagawin ko ang lahat mapasaya lang sya, tanging nasa isipan ko.
Kumaway sya sakin Mula sa malayo, pero bakit ganun? Bakas sa mga mata nya ang lungkot, napatayo ako ng makita Kong umiiyak sya.
Ang pinaka Ayaw ko sa lahat, ang makitang umiiyak ang Taong Mahal ko, dahil ang pakiramdam ko, ako ang mas nasasaktan.
Nagulantang ako, ng makita Kong naglalakad sya papuntang dagat. Hindi ko Alam ang gagawin ko, hinabol ko sya para pigilan, pero huli na ang lahat.
Hindi ko na sya muling nakita pa. Nawala nalang sya na parang bula. Tumakbo ako papuntang dagat, halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa mga luha na umaagos sa aking mukha.
"BOBBY!!!"
Malakas Kong tawag sakanya pero wala na, hindi ko na sya muling Nakita pa.
-
Nagulat nalang ako ng biglang may tumapik sa aking matanda na dahilan para ako'y magising.
Panaginip lang pala. Napabuntong hininga ako sa kadahilanang Matagal na panahon ng huli kaming nagkita, pero hanggang ngayon sya at sya padin ang laman ng panaginip ko.
Hindi ko Alam kung dapat ba akong matuwa dahil Kahit sa panaginip lang nakikita ko parin sya.
O malulungkot, dahil Kahit Kelan hindi na maibabalik ang dati at hanggang panaginip nalang ang dating kami.
"Napanaginipan mo nanaman ba sya?"
Tanong sakin ng matandang katabi ko, na hindi ko naman kilala. Napangiti naman ako sakanya.
"Ang sabi nila, Kapag daw lagi mu syang napapanaginipan, lagi ka daw nya inaalala."
Ang sabi nya saakin, napaisip naman ako kung Totoo kaya? Naiisip nya din kaya ako?
"Wag mo ng masyadong isipin iho, ang mahalaga malapit na tayong bumaba."
Nakangiti parin nyang Tugon kaya nginitian ko nalang din sya bilang sagot.
Tatlong taon na ang nakalipas noong sabihin nya sakin na pagod na daw sya, na Ayaw na daw nya sa relasyon namin. Pinilit Kong magmakaawa sakanya na wag akong iwan pero iniwan nya parin ako.
Halos mabaliw ako ng mga araw na yun. Sya ang first love ko, nung una ko syang makita Alam Kong sya na, sya na ang makakasama ko in the future.
Nakakalungkot lang isipin na agad syang sumuko. Pinaglaban ko naman sya pero hindi parin pala sapat.
Naglalakad akong papuntang waiting area ng may magsalita sa likuran ko.
"Kumusta ang balik bayan?"
Nakatayo lang ako at hindi padin humaharap sakanya. Boses nya palang, kilalang kilala ko na.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Eto gwapo parin. Anong Kumusta?" Ang tanging nasabi ko at agad ko syang inakbayan at niyakap. Natawa na lamang kami.
"Ang Tagal mu ding Nawala, magkwento ka naman." Ano nga bang ikwekwento ko? Kung paano ako nahirapang makalimot?
"Sa sasakyan nalang kuya." Sagot ko at agad kaming sumakay sa kotse nya.
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa makarating kami sa bahay. As usual kami lang ulit ni kuya ang titira dito, kagaya ng dati.
Hiwalay na sila mom at dad 4 years ago. Tandang Tanda ko pa kung paano lokohin ni mom si dad Kapag wala ito.
Kaya nung maghiwalay sila, hindi nalang kami nangialam ni kuya, dahil siguro yun yung makaka Buti both side.
Pagbaba ko sa sasakyan, pakiramdam ko parang bumalik lahat ang alaala sa nakaraan. Nakaka bakla man pero gusto Kong maiyak.
Akala ko nakalimot na ako, ngunit hindi pa pala. Akala ko lang pala ang lahat ng yun.
"Anjan parin yan, hindi ko padin tinatanggal, yan nalang kasi ang natitirang alaala Mula sakanya."
Sabi ni kuya habang hawak hawak ko ang picture frame kung Saan nakalagay ang larawan namin ng isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko.
Pag may problema ako sa family ko, sya ang takbuhan ko, lahat ng nangyayari sa buhay ko, Alam nya ang buong kwento. Sa lahat ng bagay magkasundo kami, tinuring namin ang isa't isa na magkapatid. Isa sya sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon, hirap akong lumimot sa nakaraan ko.
"Polo brad, Kumusta ka na?"
Napangiti nalang ako ng mapait sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Hinawakan naman ako ni kuya sa balikat na para bang sinasabi na 'ayos lang yan, naiintindihan ka nya.' Tumango tango nalang ako bilang sagot.
Pagkakita ko palang sa Isang bagay na tinakpan ng itim na tela Ay Napangiti na ako. Kaya naman Agad akong lumapit dito.
"Alagang alaga yan, ni wala Ngang gas gas."
Dali dali ko namang tinanggal ang kulay itim na telang bumalot sa motor na gamit ko 3 years ago.
"Salamat kuya." Ang tanging nasagot ko.
Pinaandar ko ito at agad na nagtungo sa lugar kung Saan kasama ko pa sila, lugar kung Saan masaya kami at parang walang problema.
Nilibot ko ang buong lugar at ganun padin, walang pinagbago. Patuloy Kong inaalala ang mga masasayang alaala 3 years ago ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot.
"H.."
Pagbanggit nya palang sa pangalan ko, Alam ko na kung sino sya.
"Cath."
Banggit ko sa pangalan nya. Kahit di ko sya nakikita, ramdam Ko parin na malungkot sya.
"Na miss kita H, magkita tayo. Ite-text ko sayo yung address."
Ika nya, kaya naman napabuntong hininga nalamang ako. Handa na ba akong malaman kung Anong nangyari sa loob ng Tatlong taon na wala ako?
Agad ko syang pinuntahan sa address na pinasa nya, at agad naman akong nakarating.
Habang hinihintay sya, umupo ako sa bakanteng upuan, at makalipas ng ilang minuto, namalayan ko nalang na may mga kamay na nakatakip sa mga mata ko.
"Hulaan mo, sino ako?" Tanong nya, at Napangiti nalamang ako.
"Cath." Ika ko.
Agad syang tumabi sakin at ngumiti na parang walang problema.
"Welcome Back H." Nakangiting abot nya sa kamay nya. Tinignan ko lamang sya at sabay hila sakanya palapit sakin at niyakap ko sya ng mahigpit.
"Ishe-shake hand mo lang talaga ako?" Ang sabi ko sakanya at bahagya naman syang natawa, at mas lalo pa syang Nagulat ng buhatin ko sya pataas. Kahit sa ganitong paraan ko lang sya mapasaya, kulang pa ito sa mga maling desisyon na nagawa ko sa nakaraan, ang tanging nasa isipan ko.
----> *Sino sino ba yung nasa nakaraan ni H? *At ano bang nangyari sa nakaraan at hindi sya maka move-on? (Tapusin nyo yung kwento please utang na loob hahaha.. ) thank you so much sa nagbabasa :-*