Chapter 25

36 0 0
                                    

Gin's POV

----

Pagdating namin sa meeting place ng barkada kung saan gaganapin ang celebration agad na pinarada ni Hugo ang kotse sa parking lot. Bumaba ito at pinagbuksan ako ng pinto.

Pagbaba ko sa kotse napalingon ako sa  mga taong nagkukumpulan malapit sa kinatatayuan namin ni Hugo kung saan dinig na dinig ang sigaw ng isang lalaki at iyak ng babae.

Tumakbo ako palapit doon, dinig ko pa ang tawag ni Hugo sa pangalan ko pero hindi ko na ito pinansin.

Agad akong sumiksik sa mga taong nakapaligid dito hanggang sa marating ko ang unahan. Agad na kumulo ang aking dugo sa nakikita at nasaksihan ko.

"Please babe, wag mo namang gawin sakin to. Lahat gagawin ko para sayo." Ang sabi ng babaeng namamaga na ang mata na halatang kanina pa umiiyak.

"Tanga ka ba? Huh?" Sigaw ng lalaki sakanya. Ba't ba may mga ganitong klase ng lalaki? Ang kapal ng balat sa mukha! Buti pa nga may naghahabol pa sakanya e.

"At anong sabi mo? Gagawin mo ang lahat? Talaga?" Ngumisi pa ito na akala mo ikinagwapo nya. Napa iling nalang ako ng wala sa oras.

Tumango tango at ngumiti ang babae na mistulang nakarinig ng magandang balita.

"Mamatay ka na!" Ang sabi ng lalake na ikinapantig ng tenga ko. Agad na nabura ang ngiti na kanina'y nakapinta sa mukha ng babae.

Niyakap nya ang lalaki at nagmakaawang wag itong iwan. Ngunit nagmatigas ang lalaki at itinulak pa ito papalayo sakanya, halos masubsub ang babae sa sahig sa lakas ng pagkakatulak nito. Hindi na ako nakapag pigil at agad akong lumapit sa lalaki at itinulak din ito.

"Loko ka ah, babae yan tapos itutulak mo?  Gago ka ba?" sigaw ko sa lalaki. Ewan pero ang pinaka ayaw ko sa lahat yung may umiiyak at nasasaktan.

"Ang kapal din ng mukha mong babae ka, sino ka ba at nakiki alam ka?" Galit na sigaw ng lalaki saakin. Paalis na sana ito ng batuhin ko sya ng sapatos. Talikuran daw ba ako?

"Ikaw lalaking pinag lihi sa paniking bungi  wag na wag mo akong tatalikuran pasalamat ka pa nga at may naghahabol sayo. Duh! Bat di ka tumingin sa salamin ng matuto kang ilugar yang sarili mo!"

"Anong sabi mo?" Hinawakan nya ako sa kamay ng mahigpit. At sa sobrang higpit halos maiyak na ako sa sakit.

Nagulat nalang ako ng biglang bumulagta ang lalaking nasa harapan ko na kanina'y hawak hawak ako sa kamay. Agad may humatak saakin paalis sa nagkukumpulang mga tao.

"Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong saakin ni Hugo. Agad naman akong tumango bilang sagot.

"Pinag alala mo ako Gin, next time wag mo ng gagawin yun." Ang sabi pa nya habang hawak hawak ang kamay kong namumula.

"Ikaw, bat mo ginawa yun?" Tanong ko sakanya. Tumingin ito saakin na parang bang hindi makapaniwala sa narinig.

"At bakit hindi?" Seryoso din nyang tanong. Pero this time nakatitig na sya saakin. Bigla akong napalunok, bakit ba kasi ang gwapo ng lalaking ito? Saan ba kasi ito ipinaglihi?

"Yakang yaka ko naman yun e, sisiw lang kaya yun." Pagpapaliwanag ko. Nagulat ako ng bigla nya akong hatakin papalapit sakanya. Habang yakap yakap ko sya dinig na dinig ko din ang tibok ng puso nya.

"Alam ko namang kayang kaya mo yun e, pero ayokong nakikitang nasasaktan ka." Ang sabi pa nya na ikinatuwa ko. Kinikilig ako, Lord pigilan nyo ako gusto kong tumili at magsisisigaw dito.

"Tara na sa loob, kanina pa tayo hinihintay." Ika nya, hinawakan nya ako sa kamay. Aba't kotang kota ka na huh? Kanina mo pa ako pinapakilig.

Pagpasok palang namin sa pinto dinig na dinig mo na ang hiyawan ng mga taong nasa loob, mga masasayang nagsasayawan na sumasabay sa musikang pinapatugtog ng isang banda.

Umakyat kami sa ikalawang palapag kung saan kitang kita mo ang kabuuan ng lugar. Magulo, maingay, mausok at nangingibabaw ang amoy ng iba't ibang klase ng alak .

"H! Gin! Here!" Ang sabi ni Cath sabay kaway saamin.

"Congrats Gin. I heard na nakapasa ka sa audition! I am sooo proud of you."

Ang sabi nya sabay yakap saakin. Nakakatawang isipin na ang dating kina iinisan ko ay ngayo'y kaibigan ko na. Niyakap ko din sya ng mahigpit bilang pasasalamat.

"Want some?" Tanong nya pa saamin ni Hugo sabay taas ng basong may laman ng alak.

"Oh Yes! Ako na ang kukuha sa baba. Wait lang huh?"

Pag pri-prisinta ko, nakakahiya naman kung si Cath pa ang kukuha para sa amin. Hindi pa man ako nakaka alis ng sabihan ako ni Hugo na mag ingat ako, ngumiti ako bilang sagot. Para namang napakalayo ng kukuhanan ko ng alak.

Pagbaba ko sa hagdan nakita ko si Gab malapit sa counter, kumaway ito saakin, lalapitan ko na sana sya ng biglang may bumangga saaking babae. Matangkad, maputi at maganda, nagmamadali itong maglakad patungong exit area ni hindi man lang ako pinansin o di manlang humingi ng tawad.

"Kilala mo ba yun ate?" Tanong saakin ni Gab. Agad akong umiling bilang sagot sa tanong nya.

"Problema nun?" Tanong nya ulit.

"Hayaan mo na! Baka na-pupupu na kaya nagmamadali." Ang sabi ko na ikinatawa nya.

Pagkakuha ko ng inumin agad akong bumalik sa taas kasama si Gab. Lumapit ako kay Cath na ngayo'y nag iisa na.

"Cath, si Hugo nasaan?" Tanong ko sakanya.

"Ah e, m-may pinuntan lang Gin." Ang sagot nya. Bakit pakiramdam ko parang may mali? O pakiramdam ko lang.

"Hmm ganun ba? Saan?" Tanong ko ulit. Tumitig ako sakanya pero hindi sya makatingin saakin ng diretyo.

"An old friend. P-pero don't worry Gin I'm sure babalik din si H maya maya." Ngumiti sya saakin pero pansin kong kinakabahan parin ito. May tinatago ba sya?

Nakaramdam ako ng kirot, sa tana ng buhay ko ngayon ko lang ito naramdaman ganun ba pag inlove? Ganun ba kapag nagmamahal? bakit? Bakit pakiramdam ko may tinatago sila saakin. Ngumiti ako kay Cath na parang ayos lang ang lahat, na parang walang problema na ok lang ang lahat.

"Tara kanina pa naghihintay ang barkada, excited na silang makita ka."  Masayang wika nito. Hinawakan nya ako sa kamay sabay hila palakad.

Mula sa salamin na pinto malayo palang ay kita mong masayang nag tatawanan ang barkada sa loob ng isang maliit na kwarto, puro salamin ang nakapaligid dito kaya kahit nasa loob ka kita mo parin ang kabuuan ng lugar. Pagpasok namin sa loob lalo pang lumakas ang hiyawan.

"CONGRATS GIN!" sabay sabay nilang sigaw. Naka enervon ba sila? Yung energy ang taas sobra. Lumapit sila sa akin sabay yakap at sabay gulo sa buhok ko. Yung totoo? Gusto lang ata akong sabunutan ng mga ito e. Mga baklang to!

"Lodi na talaga kita Gin. Ang galing e? Mana sakin. Alabyu na .." Ang sabi pa ni Uno, magsasalita pa sana sya ng bigla syang hilain ni Cal paupo malapit sa kanya.

"Tol sabi ko naman sayo, wag mo ng ipinapahiya yang sarili mo utang na loob huh?" Ang sabi ni Cal na ikinatawa ng lahat, syempre kasali na ako dun. Kahit kelan talaga itong si Uno napaka Jolly.

Ang sarap pala talaga sa pakiramdam na may mga kaibigan kang kagaya nila, nung nasa Spain pa ako at nananalo ng singing contest si Mama at Gab lang ang bumabati saakin hindi tulad ngayon, sa kaunting panahon ko silang nakilala masasabi kong maswerte ako for having them and ofcourse for having Hugo.

Speaking of Hugo, nasan na ba sya? Bigla nanaman ako nakaramdam ng lungkot. Akala ko pa naman mag ce-celebrate kami, yun naman pala hindi naman sya kasama. Nakakapag tampo, balak ko paman din tanungin ngayon mismo kung ano na bang status naming dalawa.

Feeling ko kasi M.U. na kami. Pero ano nga ba yung M.U. na meron kami?  Mutual Understanding? Malanding Ugnayan? Mag-isang Umiibig? Aray naman. Ang gulo na!

---
End of Chapter 25 :)
Enjoy :-P

I Want YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon