Kung Ikaw ang nasa sitwasyon ni H, sino nga bang pipiliin mo?
Si past na akala mo nakalimutan mo na, pero makalipas ang Mahabang panahon sya at sya padin ang laman ng puso't isipan mo?
O si present na handang gawin ang lahat mapasaya ka lang. Dahil...
Dapat ba akong ngumiti dahil magkaibigan tayo? O dapat ba akong malungkot dahil hanggang dun lang tayo?
Para Saan yung pagyaya mo saakin ng date? Para Saan yung yakap? Para Saan yung pag hawak mo sa kamay ko? Para Saan yung halik? At para Saan yung pagyaya mu saaking sumama dito?
Para Saktan ako? Para ipamukha saakin na may Mahal syang Iba at hanggang magkaibigan lang kami? Ano ba talaga ako sayo? Oo nga pala, kaibigan lang. Napamulat ako ng biglang may magsalita sa likuran ko.
"Gin, are you ok? May problema ba?" Ang tanong nya saakin, lumapit sya at hinawakan ako sa noo.
Napatingin ako sa suot nya, naka two piece ito ng kulay black na bumagay sa Kutis nyang maputi.
"Ok lang ako Cath, ikaw ok lang ba talaga sayo na tayo ang Magkasama sa Isang kwarto?" Tanong ko sakanya, kasi ako hindi, hindi ko Alam kung paano ko patutunguhan ang babaeng Mahal ng Taong Mahal ko.
"Oo naman, masaya nga akong may makakasama na ako dito finally." Nakangiti nyang sagot. Maganda sya at mukhang mabait, sino ba namang lalaki ang hindi mahuhulog sakanya? Napangiti nalang din ako sakanya.
"By the way Gin, bagay ba?" At umikot ikot pa ito sa harapan ko na mistulang bata.
"Yes, maganda bagay sayo." Ang sabi ko sakanya, hindi ko Alam kung pansin ba nyang hindi ako komportableng kausap sya.
"Wait, buksan ko lang yung pinto." Ika nya ng marinig naming may kumakatok, nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at sinundan sya ng tingin.
"Whoaa.. Sexy Cath ah, ano tara na?" Ika ni Uno na Halata mong sobrang saya.
"Di pa nakakapag palit si Gin e, antayin ko nalang sya." Sagot ni Cath Kay Uno sabay tingin saakin.
"Hindi sige mauna nalang kayo, susunod nalang ako." Ang sabi ko sakanila, nagkatinginan naman silang dalawa.
"Sige.. Basta sunod ka huh?" Nakangiting wika ni Cath kaya tumango nalang ako at agad na silang umalis.
Pag alis nila, dumiretyo na ko ng banyo para magpalit, Sinuot ko yung two piece na black and white stripe at pinatungan ng kulay red na long Cardingan.
Inayos ko ang buhok Kong nakalugay at dinampot ang camera na nakapatong sa kama at agad na lumabas ng kwarto.
Pagbaba ko ng lobby, ramdam ko ang mga titig ng bawat taong madaanan ko, may mga nagbubulungan, bulong na naririnig ko naman na ang ganda ko daw, ang sexy ko daw at meron pa yung hindi mo naman kilala pero magpapapansin nalang bigla kaya Napapa iling nalang ako.
Dumiretyo ako sa pool area, namangha ako sa ganda ng paligid, sa gilid ng pool mayroong mga puno at cottage na nakapaligid dito, at sa ibabang bahagi dinig na dinig mo ang hampas ng alon na nagmumula sa dagat. Agad Kong kinuha yung camera at nagsimulang kumuha ng letrato.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.