Gin's POV
----
"Ate tara na, tayo nalang yung nandito nakauwi na nga yung mga kasama natin e, saakin ka na sumabay wag mu na syang hintayin, baka may importate lang syang pinuntahan." Ang sabi ni Gab.
Natapos na lahat lahat, nalasing na nga yung iba e pero wala parin sya, wala parin si Hugo. Siguro nga may importante syang pinuntahan. E ako? Hindi ba ako importante sakanya?
"Siguro nga Gab, kaya hindi na sya nakapunta kasi may importante syang pinuntahan. Ganun naman yun diba?"
"Uy si ate dalaga na talaga. Nagseselos!" Pambihira ngayon pa to nagbiro. Nilapitan ko sya at kinurot sa magkabilaang pisngi.
"Ganun huh? Ako? Nagseselos? Utot nya swerte naman nya!" Natatawa kong wika. Maski ito ay tumatawa na rin.
"Wag ka mag alala ate, ako andito lang ako lagi. Hindi kita iiwan sa ere, ako kaya yung forever boyfriend mo." Ang sabi pa nya na may kasamang kindat.
Napalabi nalang ako sa narinig, ang swerte ko kasi may kapatid akong handang sumalo saakin, na anjan lang palagi para saakin.
Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi maiyak. Sa tana ng buhay ko, ngayon lang ako umiyak sa harap ng kapatid ko. Ayoko kasing nakikita nya akong umiiyak, kasi gusto ko kahit babae ako matapang ako, palaban ako, kasi ako yung ate e. Hindi dapat ako umiiyak, hindi dapat ako pinanghihinaan ng loob.
Bigla nya akong niyakap kaya mas lalo nanamang nag unahan nagsibagsakan ang mga pesteng luha na kanina pa gustong bumuhos.
"Ok lang yan ate, kasi sa love hindi mo malalaman na mahal mo ang isang tao kapag hindi ka nasaktan. Lahat ng nagmamahal dumadaan sa ganyan." Ang sabi pa nya, yung totoo? Bakit ang dami nyang alam? Sya yata ang panganay e.
"Si Hugo kasi e. May nalalaman pa syang 'we should celebrate then' yun pala hindi sisipot? Paasa e." Mangiyak iyak ko pang sumbong na ikinatawa ng kapatid ko. Problema nito? Tawanan daw ba ako?
Nag decide ako na kay Gab na sumabay, since wala na nga si Hugo, hindi na talaga sya bumalik. Pauwi na kami ng pinahinto ko yung sasakyan sa tapat ng isang park. Gabi na pero may mga tao parin dito at karamihan ay mga couple.
Bumaba ako ng kotse at naglakad papasok sa park. Hindi na sumama si Gab ang sabi nya hintayin nalang daw nya ako sa kotse. Lumapit ako sa isang swing at umupo doon.
Pinikit ko ang aking mga mata habang pinapakiramdaman ang sariwang hangin na tumatama sa aking mukha. Napa yakap ako sa sarili ko, gabi na kaya medyo malamig na sa labas ng biglang may nagsalita sa likuran ko na dahilan para muntikan akong mahulog sa kina uupuan ko.
"Gabi na pero andito ka pa." Boses nya palang kilalang kilala ko na. Lumapit ito saakin at umupo sa tabi ng inuupuan kong swing.
"Gabi na pero bat andito ka?" Tanong ko rin sakanya. Bigla bigla nalang sumusulpot. Ang lakas maka kabote.
"Binalik mo lang yung tanong ko e." Ang sabi nya. Sabay abot sa jacket na kaninay suot suot pa niya.
"Aanhin ko yan?" Tanong ko. Tumingin ito saakin at tinaasan ako ng kilay.
"Suotin mo malamang, giniginaw ka na jan." Sagot nya. Ang suplado naman ng taong to.
"Jake." Tawag ko sakanya agad naman itong lumingon saakin.
"Paano manligaw?" Tanong ko ulit na kinatawa nya. Umiling iling pa ito na parang hindi makapaniwala sa narinig.
"Bakit mo natanong? Don't tell me na may gusto kang ligawan?" Tanon mula saakin pero pinili kong hindi kumibo.
BINABASA MO ANG
I Want You
Любовные романыKung Ikaw ang nasa sitwasyon ni H, sino nga bang pipiliin mo? Si past na akala mo nakalimutan mo na, pero makalipas ang Mahabang panahon sya at sya padin ang laman ng puso't isipan mo? O si present na handang gawin ang lahat mapasaya ka lang. Dahil...