Chapter 16

31 1 0
                                        

Hugo's POV

----

Sa labas palang ng bar Rinig na Rinig mo na ang dumadagundong na musika kasabay ng mga hiyawan ng mga Taong nasa loob.

Pagpasok palang namin sa loob, agad sumalubong saamin ang Amoy ng Alak at usok ng mga sigarilyo na nanggagaling sa mga grupo ng kabataan.

Napailing ako ng wala sa Oras dahil nakikita ko sa kanila ang dating ako, ang dating Hugo na walang ibang Alam Kundi ang pumunta sa bar o di kaya'y makipag karerahan kasama ang barkada.

Tinapik ako ni Ace at itinuro ang direksyon nila Uno kaya agad kaming lumapit sakanila.

"Mabuti nakapunta kayo." Nakangiting sabi saamin ni Cath, tumango ako at ginulo yung buhok nya ng bahagya.

"Ngayon lang tayo nabuo, walang dahilan para hindi pumunta." Tumatawang sagot ni Ace.

Simula ng iniwan kami ni Polo, lagi na ding sumasama si Cath sa grupo at hindi na ito humiwalay, dahil sakanya parang kasama parin namin ang kaibigan naming nawala, Nawala dahil saakin.

Agad nilagyan ng alak ng bartender ang mga basong nakahilera sa harapan namin.

"Para sa pagbabalik ni H!" Masayang sigaw ni Cal sabay taas ng baso At sabay sabay namin itong itinungga, ramdam ko ang init ng Alak na dumaloy Mula sa aking lalamunan, Johnnie Walker ang Isang to pero dahil Sanay ako sa mga alak, Alam ko kung hanggang Saan ang limitasyon ko at Alam ko kung Kelan ako titigil.

"Ayos ka lang ba Cath?" Pag aalalang Tanong ni Uno Kay Cath na napahawak sa lalamunan nya agad naman itong nag thumbs up at ngumiti, hinila naman sya ni Uno palapit sakanya at hinalikan ito sa noo sabay ginulo ang buhok.

"Pag di mo na kaya, tigil na huh?" Ika ni patric sakanya. Ganyan nila pahalagahan si Cath, Ayaw nilang nakikitang nasasaktan ito, at pinangako din nila Kay Polo bago ito ilibing na aalagaan at babantayan nila ang babaeng pinaka Mamahal nya.

Bukod saakin alam kong higit na mas nasaktan si Cath sa pagkawala ng Taong Mahal nya. Oo, nakangiti sya, pero Kitang kita ko sa mga mata nya, kung gaano sya kalungkot.

Ikalawa, ikatlo, ikaapat, ikalima Hanggang sa Ika labing Tatlong tagay na.

Maingay parin ang loob nito, mayroong mga hindi na nakakatayo dahil sa sobrang kalasingan, meron din yung hindi na kaya pero pilit pading sumasayaw sa gitna, at yung ibang akala mo'y nalasing sa alak ngunit hindi, kundi nalasing dahil sa pag gamit ng ipinagbabawal na gamot.

Mga kabataang akala mo'y walang problema sa buhay, handang gawin ang lahat para sa pansamantalang kasiyahan, kasiyahang dulot ng alak at drugs. Napailing na lamang ako sa mga nakikita ko.

Nakaramdam ako ng init kaya minabuti ko munang lumabas ng bar at umupo sa hagdan malapit sa pintuang palabas.

"Ok ka lang?" Nagulat ako ng biglang may Nagsalita Mula sa likod ko, umupo sya sa tabi ko at bumuntong hininga.

"Kumusta na kaya sya H?" Sabay tingin nya sa kalangitan. Nilingon ko sya ng makita Kong umiiyak ito.

"Tatlong taon na nung huli ko syang makita, miss na miss ko na sya." Lumapit ako sakanya at niyakap sya, I'm sorry Cath kung nasasaktan ka dahil sa nagawa ko.

"Lagi ko syang napapanaginipan, hindi ko Alam kung matutuwa ba ako? Kasi Kahit papano, Kahit sa panaginip lang, ramdam Kong Anjan sya, nakikita ko sya, nakakausap ko sya pero paggising ko maiiyak nalang ako, kasi naisip Kong hanggang dun nalang, hanggang panaginip nalang."

Ramdam ko ang Sakit na nararamdaman nya, saksi ako sa pagmamahalan nila ni Polo. Nakakalungkot nga lang isipin na, kasabay ng pagkawala ni Polo Ay ang pagkawala din ng relasyon nila ni Cath, at relasyon namin ni Bobby.

Sana pwedeng ibalik ang nakaraan, sana pwede pang baguhin at itama ang mga pagkakamali sa nakaraan. Sana ako nalang, sana ako nalang  at hindi si Polo.

----

Pumasok ako sa loob ng bar para hanapin si Ace ng may makita akong Isang babae na naka higa sa upuan at halos mahulog na ito sa sobrang kalasingan. Didiretyo na sana ako ng mamukhaan ko ito, lumapit ako sakanya at pinag masdan sya, maiksi ang suot nyang damit at magulo ang kanyang buhok.

Binuhat ko ito palabas para ihatid na sana sya ng bigla itong napamulat, tinignan nya ako sa mukha at Halata mu sa itsura nya ang pagkagulat.

"H?" Tawag nya saakin, tumango ako sakanya na parang sinasabing oo ako nga.

"Ayoko pang umuwi." Ang sabi nya kaya ibinaba ko sya sa upuan na malapit sa harap ng bar.

"Alam ba nila na nagpunta ka dito?" Tanong ko sakanya, agad itong umiling. Kaya napabuntong hininga nalamang ako.

"Lagi ko syang nahuhuling naka titig sa picture mo." Ang sabi nya at lumingon saakin.

"Hindi ko Alam kung Anong dahilan kung bakit kayo nag Hiwalay ni ate Bobby, pero Alam ko kung gaano sya nasaktan nung umalis ka at pumunta sa ibang bansa."

Hindi ko Alam kung Anong magiging reaksyon ko, bakit nya sinasabi sakin to? Hinanap nya ba talaga ako? Pero bakit nung nagmakaawa akong balikan ako ay pinagtabuyan nya parin akong palayo.

"May boyfriend na sya ngayon, at engage na sila, pero Alam Kong Ikaw parin ang Mahal nya." Pagpapatuloy nya. Oo Alam Kong may iba na sya ngayon, Kitang kita ng dalawang mata ko kung gaano sila kasaya. Akmang aalis na sya ng magsalita ako.

"Bianca, masaya na sya ngayon diba?" Tumayo ako lumapit sakanya. Tumingin sya sa mga mata ko, at tumango. Masaya akong masaya na sya, pero hindi ko parin maiwasang hindi malungkot dahil hindi na ako yung dahilan kung bakit sya masaya.

"Sana nga, maging masaya na sya." Ika nya, at tuluyan ng umalis. Hindi ko Alam kung Anong ibig nyang sabihin.

Engage na sya, masaya akong nakahanap na sya ng lalaking magmamahal sakanya, lalaking hindi sya sasaktan gaya ng nagawa ko. Oras na siguro para tanggapin na hindi kami ang para sa isa't isa, Oras na para tanggapin na yung pangako namin sa isa't isa Ay hanggang dito nalang, oo, hanggang dito nalang at dapat ng ibaon sa limot.

--->
End of Chapter 16
Breath in.
Breath out.
Move on.

I Want YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon