Papalubog na ang araw ng napag desisyonan naming maligo sa dagat. Madami paring tao ang nasa paligid at yung iba ay mukhang maliligo din gaya namin.
May mga kabataang naglalaro ng volleyball malapit saamin kaya naman dinig na dinig ang hiyawan at tawanan ng mga ito Mula saamin.
Nakita ko si Gab na nakahawak ng surfing board kaya agad Kong kinuha yung camera at Tinawag ang pangalan nya. Mukhang Alam na nya agad kung bakit ko sya Tinawag, Hindi ko pa man napipindot yung camera ay Naka Handa na ito.
Ngumiti ako sakanya at nag thumbs up, sinasabing ok na, sumunod naman sakanya si Uno at Cal na may hawak hawak ding surfing board.
Nagulat ako ng may biglang bumalot na tela sa katawan ko, paglingon ko sa likuran tumambad saakin ang blangkong expression na mukha ni Hugo. Anong problema nito?
"Gamitin mo, kanina ka pa pinagtitinginan tsk!"
Tumingin ako sa paligid Saka ko napagtanto kung Anong ibig nyang sabihin. Napangisi ako ng wala sa Oras, Tangina ngayon lang ba sila naka kita ng Dyosa? Tsk!
Haharapin ko pa sana sila at pagsasabihan ng bigla nya akong hilain palayo. Saan nya ba ako dadalhin?
"San mo ba ako dadalhin Hugo?"
Bigla syang tumigil kaya napatigil din ako sa paglalakad at humarap sya saakin. Tinignan nya ako Mula ulo hanggang paa. Pinagnanasaan nya ba ako? Tinaasan ko sya ng kilay.
Napatingin ako sa suot nya, naka short ito ng manipis na pang swimming, medyo natawa ako ng mapagtanto Ko kung Anong kulay nito.
"Yellow huh?" Ika ko sabay tingin sa pang ibaba nyang suot. Ano bang meron sa kulay yellow? Mukha syang bakla.
"Hindi ako bakla." Luh! Nakakabasa ba sya ng isip?
"Bakit? May sinabi ba ako?" Nakangiting tanong ko.
"Oh baka naman -" hindi ko pa man natutuloy yung sasabihin ko ng bigla nya akong habulin. Mabilis akong tumakbo para hindi nya maabutan.
Hawak hawak ko padin yung kulay brown na scarf na bigay nya kanina.
BINABASA MO ANG
I Want You
RomanceKung Ikaw ang nasa sitwasyon ni H, sino nga bang pipiliin mo? Si past na akala mo nakalimutan mo na, pero makalipas ang Mahabang panahon sya at sya padin ang laman ng puso't isipan mo? O si present na handang gawin ang lahat mapasaya ka lang. Dahil...