Gin's POV
----Maaga akong gumising kasi maganda ang mood ko, nakangiti akong natulog, nakangiti akong gumising, at nakangiti din akong babangon. Agad akong tumayo at dumiretyo sa banyo.
Pagkatapos kong mag ayos, dumiretyo na ako sa kusina para mag luto ng breakfast. Napangiti ako ng makita Kong mahimbing na natutulog ang kapatid ko sa sofa.
Bat kayo to Andito? Bat hindi sya sa bahay umuwi? Bakit sa condo ko pa? Natanong ko nalang sa sarili ko.
Hinati ko yung tinapay sa dalawa at nilagyan ito ng star margarine at asukal pagkatapos itinosta ko na.
Nung minsan kasing naglalakad ako sa kalye may Nakita akong bata na kumakain ng tinapay, sarap na sarap sya with matching pikit mata pa, at dahil na curious ako agad ko itong nilapitan at tinanong kung ano yung kinakain nya.
"Hoy bata ano yang kinakain mo?"
"Tinapay di mo kita?"
"Penge ako, tikim lang."
"Mukha ka namang Mayaman di bumili ka."Kaya nagpaturo ako kung pano Gawin, kaya naman pag uwi ko ng condo agad Kong ginawa yung tinuro ng bata at halos Maiyak ako ng tikman ito. Grabe ang sarap pala talaga, kaya magmula noon halos every breakfast yun yung ginagawa ko.
Nagtimpla ako ng kape at hinaluan ito ng Milo, hindi ko rin Alam kung ano bang trip ko pero tinuro din kasi sakin ito ng bata na namamalimos sa kanto, at Masarap naman pala kahit papano.
Kinuha ko yung camera at tinignan ang mga Kuha Kong picture ni Hugo, kinikilig ako, kung ganto ba naman ang breakfast ko araw araw edi ang saya saya ko sana.
Kelan kaya ulit kami magkikita? Pilit Kong inaalala yung mga nangyari kagabi, sana maulit uli.
"Good morning." Nagulat ako ng may magsalita Mula sa likuran ko.
"Gab!! Dba sabi ko, wag ako? Wag ako ang ginugulat mo." Natawa lang sya sakin at nag peace sign sabay Upo sa harap ko.
"Ano to?" Nagtataka nyang tanong sa ginawa Kong tinapay.
"Tikman mo."
Tipid Kong sabi. At kumuha naman sya ng isa sabay sinubo. Kumuha ulit sya ng isa, at ng isa, at isa pa, at ng isa ulit, hanggang sa naubos.
"Masarap Diba? Ay oo nga pala nag cr nga pala ako kanina e nakalimutan Kong mag hugas ng kamay. Yaan mo na, Ikaw naman lahat ang umubos." Natatawa Kong sabi sakanya.
"Ang baboy mu ate!" Sigaw nya habang tumatakbo patungong cr.
Patuloy ko paring tinitignan ang mga picture ni baby Hugo ng magsalita ulit ang kapatid ko.
"Ate, Naalala mo si Gino? Yung kababata ko sa Spain? Nasabay kasi kaming umuwi dito at Nasabi nya sakin na may naghahanap daw ng Magaling kumanta, e pinalista kita for audition."
What???? Ako talaga? Aba't di man lang ako kinunsulta kung gusto Kong sumali sa audition kuno nila.
"Anak naman ni aling Rusing Gab, bat mo ko nilista? Nakakahiya, ayoko, Kelan ba yan? Ng mapag handaan ko. "
Natawa sya sa sinabi ko, at may halo pang palakpak. Bata palang kasi ako, sinasali na ako ni mama sa mga singing contest, at sa awa ng Diyos madalas akong talo. Pero nananalo din naman paminsan minsan.
"Ngayon pala yung audition ate, I forgot kaya pala ako natulog dito to tell you. Sorry."
Hayan tayo e. Kung sana sinabi sakin ng maaga di nakapag babad man lang sana ako sa dagat ng Kahit mga limang araw lang para sa preperasyon.
Agad na akong tumayo at dumiretyo sa kwarto. Agad Kong kinuha yung pants, blue shirt at leather jacket.
Ganto ako manamit, hindi ako yung tipo ng babae na magsusuot ng maikling palda at maglalakad sa kalye tapos pag sinutsutan, magagalit at sasabihan pang manyak yung nangsutsut sakanya, para sakin napaka simple, Ayaw mong mabastos? Pwes Magsuot ka ng karespe respeto para respetuhin ka rin nila.
Agad na akong naligo at nagbihis, konting lipstick at syempre kung sa Iba kilay is life ibahin nila ako, kasi ako eyeliner is life, para SWEG.
Pag labas ko ng condo, agad namang sumakay si Gab sa driver seat kaya dali dali na din akong sumakay.
Hininto nya ang sasakyan sa harap ng malaking building.
"Ate Goodluck kaya mo yan." Nakangiti nyang sabi. Kaya ngumiti din ako ng bahagya.
"Oo yakang yakang ko to, para sa ikauunlad ng ekonomiya." Natawa kami pareho. Niyakap ko sya at nagpaalam na.
Nagtanong agad ako sa gwardya kung Saan yung way for audition, tinuro naman nya sakin kaya dali dali akong pumasok.
Ang daming mag o-audition. Pero syempre kampante ako sa boses ko kaya gora lang ako.
Nilibot ko ang buong paligid at mas lalo pa akong namangha ng mapagtanto Kong sobrang lawak pala talaga nya.
Hindi parin maalis saakin ang pagkamangha ng biglang may bumangga sa likod ko. At ng lumingon ako, mas lalo pa akong namangha, yung pakiramdam na para kang tumama sa hweteng, gusto Kong magsisisigaw pero baka ma turn off sya. Parang kanina lang sa picture ko lang sya nakikita tapos ngayon biglang kaharap ko na.
"H-hi." Ang tanging lumabas sa bibig ko, shemay destiny na itu.
"Gin." Ika nya. Ngumiti sya sakin juicecolored ang bait mo naman sakin. Magsasalita pa sana ako ng biglang may magsalita.
"Lahat po ng mag o-audition pwede na po Kayong pumasok sa loob." Napaka wrong timing naman ng unggoy na to. Tsk.
Kaya agad na akong nagpaalam sakanya at pumasok na sa loob.
May Tatlong lalaking judges na nakaupo sa harapan, Tinawag na ang unang magpeperform. Unang linya palang sa kanta nya napailing na ako, mas Magaling ako Jan.
Hanggang sa Tinawag na ang number ko, At agad naman akong pumunta sa gitna.
---->
End of Chapter 7 :)
BINABASA MO ANG
I Want You
RomanceKung Ikaw ang nasa sitwasyon ni H, sino nga bang pipiliin mo? Si past na akala mo nakalimutan mo na, pero makalipas ang Mahabang panahon sya at sya padin ang laman ng puso't isipan mo? O si present na handang gawin ang lahat mapasaya ka lang. Dahil...