Chapter 6

56 3 0
                                    

"Kumusta na sya, Cath?"

Tanong ko sakanya, napatingin sya sakin ng bahagya at ngumiti ng Tipid.

"Nagbago na sya H, hindi na sya gaya ng dati. Madalang nalang kami magkita at mag-usap, at kung magkakasalubong man kami, ngumingiti nalang sya na parang hindi kami dating naging magkaibigan. "

Pilit nyang ngumiti ngunit Kitang kita ko sa mga mata nya kung gaano sya kalungkot. Kung hindi dahil sakin siguro hanggang ngayon maayos pa ang lahat.

 Kung hindi dahil sakin siguro hanggang ngayon maayos pa ang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( si Cath yung nasa picture --)

"Ikaw Kumusta ka na?" Pag iiba ko ng topic.

"Heto, maayos naman. Ang Tagal mong Nawala ah, mag kwento ka naman."

Nakangiti nyang Tugon. Alam Kong hindi pa sya OK, akala nya siguro hindi ko napansin na bigla nyang iniba ang usapan.

Madami pa kaming pinag usapan at pinag kwentuhan ni Cath ng biglang may nag text sa cellphone ko.

Ng tignan ko ito, galing ang message sa isang Unknown number, binuksan ko naman ito agad at napagtanto Kong si Ace pala ang nag text at gusto daw akong makita ng tropa.

Kaya naman ng magpaalam na sakin si Cath agad akong tumungo kung Saan naka park ang motor at agad na pinaandar ito.

Medyo Malayo ang condo ni ace, kaya naisipan ko munang mag pa gas, mahirap na baka maubusan ako ng wala sa Oras.

Agad Kong tinabi ang motor at pumasok sa Isang Maliit na department store para bumili ng tubig, bigla kasi akong nakaramdam ng pagka uhaw.

Nung nasa counter na ako, ngumiti sakin yung lalaki, ang sabi nya may kahawig daw ako, kaya Napangiti nalang din ako.

Paglabas ko ng store, nagulat nalang ako ng makita Kong nakatumba na yung motor kaya naman napasigaw ako ng wala sa Oras at agad akong tumakbo palapit doon.

"Anong ginawa mo?" Tanong ko sa babaeng tumatawa pa na akala moy walang nangyari.

Makalipas ang ilang oras namalayan ko nalang na medyo close na kami at unti unti ko na syang nakikilala.

Nalaman Kong Gin pala ang pangalan nya, biniro ko pa nga itong baka Gin ang pangalan Nya sa kadahilanang baka lasenggo ang tatay nya, na dahilan naman ng pagsampal nya saakin na sobra kong kinagulat.

Lubos akong natutuwa sakanya, hindi ako yung tipo ng lalaki na palangiti sa mga Taong hindi ko kilala. Pero ng dahil sakanya, halos maghapon yata akong nakangiti at tumatawa.

Hindi naman mahirap pakisamahan si Gin, hindi sya yung tipo ng babae na mag iinarte at madaling maasar. Magaling syang makisama, at higit sa lahat, iba sya sa mga nakilala kong babae.

Napangiti ako sa kaisipang baka nagpapanggap lang syang babae, kung makaasta kasi daig pa ang lalaki.

Nagpaalam na kami sa tropa sa kadahilanang may mahalaga pa akong pupuntahan.

"Ako na mag da-drive." Ang sabi sakin ni Gin kaya hindi nalang ako umangal. Inabot ko sakanya yung susi.

"Wag mo iabot, ihagis mo dali."

Ang sabi nya habang natatawa. Agad ko namang hinagis sa direksyon nya at agad nya naman itong nasalo. Ibang klase talaga.

"Galing ko no? Nabilib ka? Oh yang laway mo, tumutulo."

Sabay Turo nya sakin, kaya agad ko naman pinunasan yung bibig ko, pero huli na ng mapagtanto Kong binibiro nya lang pala ako. Kaya natawa nalang din ako.

Siguro kung kasama ko sya araw-araw, masaya palagi ang araw ko, Napangiti nalang ako sa naisip ko.

Siguro kung kasama ko sya araw-araw, masaya palagi ang araw ko, Napangiti nalang ako sa naisip ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Itabi mo nalang Jan."

Turo ko sa may kanto, agad nya namang hininto ang sasakyan at tumingin sakin. Agad akong Bumaba at lumapit sa driver seat.

"Ingat sa pag uwi." Ngiti Kong Tugon. Ngumiti naman sya sakin pabalik.

"Nga pala, may tanong ako."

Ika ko sakanya, tumingin sya sakin na nakataas ang Isang kilay, kaya nagdalwang isip ako kung itatanong ko pa ba? O wag nalang.

"B-babae ka ba talaga?"

Natawa sya ng bigla akong mautal, buong buhay ko ngayon lang ata ako nautal.

"Aba't niloloko mo ba ako? Halikan kita Jan e." Sagot nya kaya Natawa nalang kaming pareho.

Paalis na sya ng tawagin ko ulit ang pangalan nya, agad nya namang naipreno kaya tumakbo ako papalapit sakanya.

"Number mo?" Sabay pakita sakanya ng cellphone.

"Nextime nalang, magkikita pa tayo sigurado."

Sabay kindat sakin at pinaharurut na ang sasakyan. Agad ko namang minemorize ang plate number ng sasakyan nya at Napangiti nalamang. Ibang klase talaga tsk.

Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng bahay, ganun parin at walang pinagbago hindi ko akalain na sa loob ng Tatlong taon, narito ulit ako at Nakatayo sa harapan ng bahay na ito.

Dali dali akong Nagtago sa likod ng puno ng mapansin Kong may paparating na sasakyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dali dali akong Nagtago sa likod ng puno ng mapansin Kong may paparating na sasakyan.

Sakay ng tumigil na sasakyan ang babaeng minahal ko sa nakaraan, at Mahal na Mahal ko sa kasalukuyan.

Bumaba sya ng kotse at umikot palapit sa lalaking nasa loob padin ng sasakyan at biglang nyang hinalikan ito.

Umiwas ako ng tingin, at di ko na namalayan ang pagpatak ng aking mga luha, pakiramdam ko sasabog ako sa ano Mang Oras. Ang Sakit lang makita na ang babaeng Mahal mo Ay pagmamay-ari na ng Iba.

Pumasok na sya sa bahay, at agad namang umalis yung lalaking naghatid sakanya.

Mula sa kinatatayuan ko, Kita ko syang lumabas sa terrace ng kanyang kwarto. Kinuha ko yung cellphone ko at sinubukang tawagan ang number na binigay ni Cath saakin.

"Hello?" Sagot nya, Kitang kita ko ang pagkunot ng mukha nya.

"Hello, sino to?" Tanong nya ulit, pero binaba ko nalang yung tawag. Masaya na akong masilayan sya Kahit sa Malayo at marinig ang boses nya Kahit sa cellphone lang.

---->
Thank you sa nagbabasa at magbabasa :)

I Want YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon