Chapter 21

36 0 0
                                    

Gin's POV

------

Pagkatapos kong kumanta, sumunod naman si Cath, magaling din syang kumanta, pero mas magaling ako, yes! Sa pagkakataong ito MAS MAGALING AKO. Lumapit ako Kay Gab at tumabi sa upuan.

"Ayos ka lang ba ate? Parang ang tamlay mo ngayon ah compared Kaninang papunta tayo dito."

Ika nya. Tinignan ko lang sya at umiling. Magsasalita pa sana ako ng biglang may tumabi saakin.

"Anong ginagawa mo dito? Dun ka nga."

Pagtataboy ko Kay Hugo. Di na nahiya, may girlfriend na nga tapos lalapit lapit pa saakin.

"Tara mag swimming."

Yaya nya saakin, Bat ako ang niyayaya nito? Bat hindi si Cath? Mga galawan nya nanaman, paasa!

"Wag nga ako."

Ang Sagot ko sabay tayo at naglakad papalayo sakanila. Naisipan Kong maglakad lakad muna sa tabing dagat, gusto Kong mapag isa, gusto Kong mag isip.

Napatigil ako sa paglalakad ng marating ko ang dulo nito, malaking bato at wala ng daanan.

Pumulot ako ng bato at hinagis sa Dagat. Gusto Kong maglabas ng Sama ng loob. Gusto Kong sumigaw.

"OO NA! MAS MAGANDA NA SYA! EDI KAYO NA ANG BAGAY!"

Sigaw ko at pumulot ulit ng bato.

"MAY PAHALIK HALIK KA PANG NALALAMAN? PAHAWAK HAWAK KA PA NG KAMAY? MAY PAYAKAP YAKAP EPEK KA PA? YUN PALA MAY GIRLFRIEND KA NA! NAKAKA TANGINA ALAM MO BA YUN?"

Hinagis ko ulit yung bato sa malayo.

"OH ANO? DI KA MAKASAGOT? AKALA MO BA MAKUKUHA MO AKO SA MGA PANGITI NGITI MO?"

Sigaw ko, bigla namang nag flashback yung mukha nyang nakangiti sa isipan ko, kaya pakiramdam ko nasa harapan ko sya at kausap.

"PAASA KA HUGO! I HATE YOU! MAGSAMA KAYO NG CATH MO! BWISET!"

Napabuntong hininga ako, napangiti ako ng bahagya pakiramdam ko medyo nabawasan yung Sakit na dinadala ko.

"Tapos ka na ba maglabas ng Sama ng loob mo?"

Nagulat ako ng biglang may magsalita sa likod ko kaya agad akong lumingon dito.

"H-Hugo." Nautal Kong tawag sakanya. Shocks ka Gin, nakakahiya ka Narinig nya ba?

"N-narinig m-mo ba yung-" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng tumango ito at naka ngiti. Lupa lamunin mo na ako please, nakakahiya!

"Kung para Saan yung halik? Yung pag hawak ko sa kamay mo, yung yakap? Na Paasa ako? Yun ba yun?"

Nakangiti nyang tanong at sabay lapit saakin, kaya naman agad akong naglakad palayo nung bigla nya akong hawakan sa braso.

"Kaya mo ba ako iniiwasan?"

Tanong nya saakin kaya lumingon ako sakanya at tinaasan sya ng kilay. Ngunit tinawanan nya lang ako. Aba't gago to ah, tawanan daw ba ako?

"Kaya ba yun yung kinanta mo kanina?"

Ang tanong nya ulit, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya kailangan ko ng makaalis, baka ano pa masabi ko sakanya, binawi ko sakanya yung braso Kong hawak hawak nya at nag lakad ng mabilis palayo sakanya.

"Mahal mo na ba ako Gin?"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko yung tanong nya, nakakainis manhid ba sya? Humarap ako sakanya at tinitigan sya sa mata.

"Sabihin mo nga saakin? Tanga ba ako? Tanga ba ako kasi sayo ako nahulog? Ba't mo ako niyaya ng date? Bat mo ako niyakap? Bat mo ako hinalikan? Ano? Para paasahin ako? Dinala mo ako dito para ipamukha saakin na may girlfriend ka? Oo na Mas maganda yung girlfriend mo sakin, masaya ka na? Siguro nga tanga ako, tanga ako kasi Mahal na ki-"

Bigla nya akong hinalikan, parang lahat ng Sakit na nararamdaman ko bigla nalang naglaho. Ano ba tong ginagawa mo sakin Hugo, may girlfriend ka na utang na loob paano si Cath?

"Ang daldal mo, sino bang nagsabi na may girlfriend ako?"

Seryoso syang tumitig saakin. Sino nga bang nagsabi?

"W-wala, basta a-alam ko lang."

Naka taas kilay Kong Sagot, kahit na sobrang kinakabahan na ako hindi ko pinahalata, kaso tumawa lang ito.

"Magkaibigan kami ni Cath."

Seryoso nyang sagot. Nagulat ako sa sinabi nya, tinignan ko sya sa mata, baka ginu-good time lang ako ng Isang to, pero hindi, dahil nakita ko sa mga mata nya na seryoso sya.

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako, dahil sa saya? Kahihiyan? Hindi ko alam. Yung pakiramdam na Selos ka ng selos yun pala hindi sila. Wala naman palang sila. Kelan pa ako naging iyakin?

Namalayan ko nalang na yakap yakap na nya ako. Kung may natutunan man ako, yun yung wag magpadalos dalos. Wag magpadala sa nararamdaman, alamin ang katotohan.

Humiwalay sya sa pagkakayap at pinunasan ang mga luha sa aking mukha. Ngumiti sya saakin na parang sinasabing everything will be ok, na hindi nya ako iiwan. Sana nga.

-----

Napagpasyahan naming maglakad lakad muna sa tabing dagat, wala ni isang gustong magsalita. Ewan ko, pero parang bigla akong nakaramdam ng hiya, biglang pumasok sa isipan ko yung mga nangyari kanina, parang kanina lang Naiinis pa ako tapos bigla syang dumating.

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko, para akong nakaramdam ng koryente sa pagitan naming dalawa. Ito na ba yung sinasabi nilang spark? Napangiti ako ng bahagya.

"H, Gin Andito lang pala kayo, kanina ko pa kayo hina-"

Napatigil sya sa pagsasalita at napatingin sa magka hawak naming kamay. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang.

Akmang bibitawan ko na yung kamay nya ng hinigpitan nya ng pagkaka hawak dito. Kaya napatingin ako sakanya.

"May dapat ba tayong I celebrate?" Nakangiting sabi ni Cath. Tumingin ako sakanya, hindi ko padin maiwasang hindi mailang.

"Alam mo Cath may nangyari kasi kanina, Alam mo bang-" hindi pa nya natatapos yung sasabihin nya ng bigla Kong takpan yung bibig. Pinanlakihan ko sya ng tingin pero tinawanan lang ako.

"Alam mo Cath? Wag kang makinig Jan. Tara na?" Hinila ko sya palayo, at nung sulyapan ko si Hugo natatawa parin ito.

"Thank you Gin." Napalingon ako sakanya. Para saan? Bat sya nagpapasalamat?

"Thank you for making H happy. Again." For making H happy again? Anong ibig nyang sabihin?

Siguro nga hindi ko pa sya lubos kilala, madami pa akong hindi alam. Gustuhin ko mang malaman pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. Ano bang meron sa nakaraan mo Hugo?

------
End of Chapter 21 :)


I Want YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon