One

113 8 0
                                    

Cyriel's Pov


"Oemgeeee! Andyan na si Cyriel!"

"Ang gwapo niyaaaa."

"Notice me, crush!"

Hindi pa ko nakakababa ng kotse ko, rinig na rinig ko agad yung tilian ng mga babaeng nakaabang sa gate ng University para sa pagdating ko. 

"Ayan na siyaaaa!"

"H-hello Cyriel. M-may gusto s-sana akong i-ibigay s-sayo." utal utal na sabi nung maliit na babae pag baba ko sa kotse. May inaabot naman siyang box.

Mukha siyang 1st year lang .

"Alis dyan." Seryosong sabi ko.

"Ha?"

"Are you deaf? Sabi ko alis dyan. Nakaharang ka sa daanan ko." Nanlaki naman yung mata niya sa sinabi ko.

"But Cyriel, nageffort ako para dito." Pagmamaktol niya.

Nagulat siya nung inextend ko yung kamay ko para kunin yung box na inaabot niya. Pero ngumiti din agad.

I looked at her after opening the box. I threw it on the floor at sinira ko. It's just an... Wait, what did they call it?

Ah. An explosion box. A freaking trash. Natahimik ang lahat nang makita nila ang ginawa ko.

"Now, get out of my way." I seriously said.

"UGH! I HATE YOU!" yan nalang nasabi niya at umalis nang umiiyak. Para namang nawalan ng boses ang lahat ng babaeng nandito sa sobrang tahimik. Habang nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa room ko.

Woman hater? Well, obviously yeah. I hate girls. Well, except for my mom and my sister. I have my reason why I hate girls.

I hate the way they push theirselves on a hot-slash-goodlooking guys. I hate them for so damn many reasons.

Pagpasok ko sa room, ganon pa din ang eksena. Nagtitinginan yung mga kaklase kong babae. Kahit konti lang sila compare sa mga nagtitinginan at nagtitilian sakin sa labas, still nakakairita.

"Yo, bro!" bati nung barkada kong si Lawrence. Tinanguan ko lang siya.

"Oy, mukang badtrip yung model natin ah. Anong meron bro?" sabi naman ni Nathan.

"Di ka pa ba nasasanay sa mga fangirls mo bro? Simula first day ng klase binubulabog ka na ng mga yan eh." Patawa-tawang sabi ni Alliver. Nagtawanan naman silang tatlo.

Silang tatlong takas sa mental lang ang mga barkada ko. Si Lawrence, Nathan at Alliver. Kasama ko na sila simula highschool palang.

"Mga gago." Mura ko sa kanila sabay pinagbabatukan ko sila.

"Bro, sabi ko naman kasi sayo. Pagbigyan mo na yung mga chix mo! Ayaw mo nun, ang famous mo kaya." tatawa tawa pang sabi ni Nathan. 

"Tigilan nyo nga ako mga loko!" suway ko. Mga siraulong to. Alam nilang ayoko sa mga babae eh. 

"Pre, bakit ba hanggang ngayon galit na galit ka pa rin sa mga babae? Hindi pa rin ba----" hindi na natuloy ni Alliver yung sasabihin nya nung tinignan ko sya ng masama.

"Titigil ka o iba-ban kita sa bar ko?"

"Sabi ko nga bro, okay lang naman samin kahit womanhater ka. Punta ko dun mamaya ah. Mahal na mahal ka namin bro." Madramang sabi ni Alliver habang tinatapik tapik yung balikat ko.

Tawa naman ng tawa sila Nathan at Lawrence. Among the four of us, si Alliver ang pinaka abnormal. Pero isa lang makakapagpa-amo dyan , yung libre sa bar ko.

Umayos naman na kaming apat nang dumating yung prof namin. Nagsimula na siyang magdiscuss habang nagsimula na rin akong antukin. 

*****


"Bro, napakabata mo pa. Bakit, bro? Bakit?" Nagising ako sa ingay at paggalaw sa bandang balikat ko.

"Sana masaya ka na kung nasan ka man bro ."

"Bantayan mo kami lagi pre. Mahal na mahal ka namin kahit di mo kami lab."

At dahil doon, umayos ako ng upo.  Sino pa ba mga walangyang nagdadrama?

Pag-ayos ko ng upo, nasa gilid ko sila Alliver, Nathan at Lawrence na parang may pinaglalamayan. Fuck these bastards! Ako pa ang pinagtripan.

"Himala! Mga bro, totoo ang himala!" sigaw ni Alliver.

"Siraulo!" Binato ko nga ng bag.

Kaming apat nalang nandito sa room. Nakatulog na naman pala 'ko sa klase namin. 

"Tara na mga pre! Girl hunting tayo!" pagyayaya ni Lawrence.

"Tara tara!" tuwang tuwa naman si Nathan. Tumatalon talon pa. 

Shit, Cyriel! Bakit ba 'ko napasama sa mga 'to?

"Tara na, Cyriel. Sumama ka na." paulit ulit na pagyayaya nila sakin.

Tumayo na 'ko para umalis na sa room. Isa lang naman klase namin ngayong araw. Nakatulog pa 'ko.

Patalon-talon na sumabay sa paglabas ko ang tatlo. Kasabay pa non ang walang sawang pagngiti at pagkaway nila sa mga schoolmates naming babae.

"Bro, tara na kasi! Party party tayo." ulit pa ni Lawrence. Hindi ko naman siya pinansin at dire-direcho lang sa paglalakad. 

"Bro, dali na ka---- Hi mga miss." bigla silang tumigil tatlo nang mapadaan sa grupo ng mga babae na mga nagpapa-cute pa. 

Womanizers.

"Girl, si Cyriel my loves!"

"Omyghaaad. He's so hot!"

Nagbubulungan na naman yung mga babaeng schoolmate ko. Poker face lang ako nang dumaan ako sa kanila. Naggi-give way naman yung ibang students.

Sumakay na ko sa kotse at nagdrive pauwi. Nakalimutan na 'ko ng tatlong ugok nang dahil lang sa grupo ng mga babae kanina. Napaka-walangyang mga kaibigan talaga.

*****


"Oh iho. Andito ka na pala. Nagugutom ka na ba?" tanong ni Yaya nang makapasok ako ng bahay.

"No yaya, just wanna sleep." I said then went straight to my room.

Nagshower lang ako saglit at humiga na. I was about to sleep nang mag-vibrate ang phone ko.

[Alliver Calling]

[Broooo~] parang tanga niyang sabi pagsagot ko ng phone. [Sama ka na daliiii.] pagsingit naman ni Nathan. May gimik na naman sila.

"Ayoko." simpleng sagot ko.

[Sama ka na dali. Papunta na kami sa bar mo.] Ang kakapal talaga ng mukha ng mga 'to. 

"Bahala kayo dyan." I said then ended the call. 

Bigla naman akong nakaisip ng kalokohan pagkababa ko ng tawag. I called JC, the manager of my bar. 

[Yes, sir?] After 3 rings, sinagot niya agad yung tawag. 

"Tell the bouncers not to allow the three bastards to enter my bar." Nakangising sabi ko. 

[Bakit po sir?]

"Huwag ka nang magtanong. Sundin mo nalang ako."

[I'm sorry, Sir Cyriel. Okay po.]

Hindi na 'ko nag-abalang sumagot pa at in-end ko na yung call. In-off ko na ang phone ko bago ipatong sa sidetable ko para wala nang manggulo sa pagtulog ko. 

Alam na ni JC kung sino yung tatlong tinutukoy ko. Natatawa na 'ko sa magiging itsura ng tatlo pag 'di sila pinapasok sa bar. 

Bahala na silang tatlo doon. Mag-enjoy sila sa labas ng bar ko.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon