Cyriel's POV
"Brianna raw. Brianna Forteza."
Nagkatinginan agad kaming apat. Napatayo silang tatlo at agad agad na naghiwalay.
Mabuti nalang at marami na kaming kasama kaya nakisama sila sa kumpulan ng iba't ibang grupo dito sa klase namin.
Tumayo na rin ako at lumabas na ng room. Paglabas ko, nakita ko siyang nakasandal sa wall at nginitian ako agad nang makita niya 'ko.
"Hi, Sweetie!" bati niya at hinalikan na naman ako sa pisngi.
"What are you doing here?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko pa rin alam kung paano niya nalaman dito.
"Well, free ang schedule ko ngayon so binisita nalang kita!" kumapit pa siya sa braso ko pero nang mapansin niyang hindi ako nagsasalita ay nagtanong na siya. "Hindi ka ba masayang nandito ako?"
"No. Masaya ako, Brianna." hinawakan ko ang kamay niya at iniharap siya sakin. "But may klase ako."
Nakangiti pa rin siyang sinagot ako. "I can wait!"
"Ayokong maghintay ka dito nang matagal , Brianna." Or should I say, ayokong makita ka rito.
"It's okay , Cyriel. Maghihintay ako sa cafeteria. See you later!" This time, kinindatan niya ako with flying kiss pa bago umalis.
Pumasok naman ako kaagad sa room. Nagsitayuan na rin ang tatlo at sabay-sabay na lumapit sakin.
"Paano niya nalaman dito brader? Delikado na tayo!" sabi ni Alliver na umupo na rin sa upuan niyang katabi ko.
"Oo nga. Pag nakita niya ang isa man saming tatlo, yatap tayo!" si Nathan naman na umupo sa desk ni Alliver.
"I still don't have any idea kung paano niya 'ko nahanap dito." Sinabi kaya ni Manager Cha? Oh c'mon. Nangako siya sa'kin!
"Mabuti siguro kung maghihiwa-hiwalay tayo dito sa campus at kahit dito sa klase." pagbibigay ng suggestion ni Lawrence na nakatayo sa harap namin. "Mahirap na, baka bumalik pa si Brianna rito."
Sinang-ayunan naman namin 'yon at nagsi-lipat na sila ng upuan. Sobrang magkakalayo na kami para kung sakaling bumalik nga rito si Brianna ay hindi niya mahahalata yung tatlo.
Mabilis na lumipas ang oras , tumayo na ang prof namin at lumabas na. 5pm na at isa lang ang klase namin ngayon.
Nilapitan na 'ko ng tatlo at nagpaalam na.
"Una na 'ko mga bro." paalam ni Nathan na nakaplanong mauna lumabas dahil hindi sila pwedeng magsabay sabay.
Sinundan naman siya na Lawrence at huli ang kanilang driver na si Alliver.
"Ingat ka bro. Matindi kamandag ni Brianna." sabi niya bago kunin ang gamit at palabas na ng room.
"Don't worry. Hindi na 'ko maaapektuhan non ngayon." nakangising sabi ko. "May anti-venom nang nakahanda, Alliver."
Tumawa lang siya at naglakad na palabas. Nagpalipas ako ng ilang minuto bago pumunta sa cafeteria. Nakita ko naman si Brianna sa pinakadulong table na mag-isa.
Seryoso bang nag-stay talaga siya rito nang ganon katagal?
"Cyriel!" tawag niya nang makita na ako. "Buti naman at tapos na klase mo. So, let's go?"
"Where are we going?" tanong ko habang palabas kami ng campus.
"Kahit saan, as long as ikaw ang kasama ko." kinindatan niya pa ako nang sabihin niya 'yon. "Ikaw ba? Where do you want to go? Mall?"
BINABASA MO ANG
Please Stay
Teen FictionPatrick Cyriel Baldovino. Isang napaka-gwapo, mayaman, matalino, Engineering student, model o 'almost perfect' na woman-hater na gagawin ang lahat ng pananakit para lang layuan ng mga kababaihan. Tahimik na ang buhay niya. Ngunit, magbabalik ang d...