Ten

30 5 1
                                    

Cyriel's POV

"Shet heaven!!!"

"Napakasarap talaga dito!"

"Ang sarap mabuhay pre huhuhu,"

Tuwang tuwa silang tatlo habang kumakain. Kakwentuhan at katawanan pa nila yung Shantal simula pa kanina.

"Oh Cyriel my labidabs, kainin mo na 'to oh," Inabutan naman ako ni Alliver ng pagkain na naka-stick. Inihaw 'yon at hindi ko alam kung anong tawag.

"What the hell is that?"

"Isaw 'yan , Simang!" pag-eepal niya. "Ngayon ka lang ba nakakita niyan?" natatawang sabi niya pa at inabutan rin ako ng isa pang pagkain na naka-stick din. "Ito pa oh!"

Kanina pa ako nakatitig lang sa kanila at hindi kumakain. Dinala nila yung cupcakes na bigay ng babaeng epal at sinusubukang ipakain sakin pero hindi ko tinatanggap kaya sila rin ang kumain. At naiinis pa ako! Kasi naman ang Shantal na 'to! Napakaepal talaga. Dito kami dinala sa lugar na nakahilera ang mga bilihan ng streetfoods.

Mayroon talagang mga streetfood na hindi ko alam ang tawag at dahil 'yon sa nasanay ako na sa mga restaurants lang kumakain. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar.

Well, hindi rin naman talaga kami allowed ni Pristen na kumain kung saan-saan kagaya ng bilin nila Mom at Dad. Kaya nga kanina nang makarating kami dito ay umangal ako.

Pero dahil sunod-sunuran ang tatlong pugo sa epal na babaeng 'to, wala akong nagawa.

"Ano naman yan Shantal?" tanong ni Lawrence sa inaabot niya. Yung pa-square ang tinutukoy niya. Hindi ko naman kinuha 'yon kaya kinuha nalang ni Lawrence. "Akin nalang 'to!"

"Betamax 'yan Lawrence, masarap 'yaaaan!"

Katulad ko, ngayon lang din naka-tikim ng mga ganitong pagkain si Lawrence. Pero siya nagtatry kumain.

Medyo madilim na at marami ng tao dito. Nasa iisang table kaming lima sa tapat ng nagtitinda ng ihaw-ihaw. Wala naman akong kina-kain don at nakaramdam na 'ko ng gutom kaya nagpasya akong maglakad lakad mag-isa at maghanap ng makakain.

Saglit palang akong nakalayo sa ingay ng tatlo at sinamahan pa ng matinis at nakakairitang boses ng Shantal na 'yon nang may tumabi sa akin.

"Alam mo ba ang tawag don? Popcorn 'yon, Simang." Sabi niya nang nakaturo pa sa naglalako ng popcorn.

Oh geez. Hindi ba talaga 'ko tatantanan ng babaeng 'to? Para siyang tour-guide sa kaka-turo nang turo at kakapaliwanag niya kung ano ang tawag sa mga pagkaing nakikita namin.

"Yun naman , fishball, kikiam, squid ball, chic—"

"Can you please shut your mouth up? Alam ko ang tawag diyan."

Bukod sa nakakarinding boses niya kaya ko siya pinigilan ay totoo namang alam ko ang tawag sa mga 'yon. Hindi naman ako masyadong ignorante when it comes to streetfoods. May alam pa rin ako sa mga tawag sa iba kahit papano.

"Eh yung isaw at betamax nga , hindi mo alam," pabulong na sabi niya pero alam kong sinadya niyang marinig ko.

"Eh sa hindi ko talaga alam ang tawag don, anong magagawa mo?"

"Wala po, Mister Simang." sagot niya at nginitian ako.

Itong babaeng 'to talaga! Pinapakulo ang dugo ko!

"Bakit ka ba sumunod? Sinabihan ba kitang pwede kang lumapit sa'kin?" Huminto ako sa paglalakad at ganon din siya.

"Eh kasi baka maligaw ka dito, kawawa ka naman. Marami pa namang masasamang loob dito, naku." parang bata yung pananakot niya.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon