Cyriel's POV
[Ngayong alam ko na yung reason mo kung bakit 'di ka nakabalik kahapon, I'm okay na.]
"I'm really sorry, Brianna."
[It's okay, Sweetie. Wala na 'yon.]
Hindi ako makapaniwala na nagagawa niyang kausapin pa rin ako nang maayos kahit na ganon ang ginawa ko sa kanya kagabi.
Well, yeah , siguro dahil sa excuse kong may emergency kagabi. Pero sa pagkakakilala ko kay Brianna , dapat ay galit na siya ngayon at sinasabihan akong walang kwenta dahil hindi ko nagawang bumalik para magpaalam manlang.
"Sure?"
[Yes. Hindi ko talaga magawang magalit o mainis sayo! Seriously, Cyriel? Ano bang ginawa mo para maging ganto ako?]
Napailing ako nang marinig 'yon. Kaya siguro pinipilit niyang intindihin kunwari ako ay dahil nagpapa-goodshot talaga siya.
Pero pilit kong pinasigla ang boses ko nang sumagot ako.
"Dahil sa kagwapuhan ko."
[Ikaw talaga!] narinig ko pa siyang tumawa. [You're not just handsome, Cyriel. You're perfect.]
"At ikaw din , Brianna. Perpekto ka sa mga mata ko."
[Bolero ka rin pala ha! hahahaha] Oo. Binobola lang talaga kita. [Anyway, may importante na akong gagawin. Bye , Sweetie!]
Hindi na ako sumagot at in-end nalang ang call. Napakahirap talaga para sakin na maging mabait sa babae.
1pm na at wala akong klase. Kakagising ko lang kaya bumaba na muna ako para kumain.
Naabutan ko naman sila Yaya at ang kapatid ko na nagkukwentuhan at nagtatawanan pa.
"Oh, Cyriel! Halika na anak, kumain ka na rito." pagtawag sakin ni Yaya nang mapansin ako at naghanda na ng makakain ko. Umupo naman ako sa katapat na upuan ni Pristen.
"Yaya hayaan mo na yan! Nabibitin ako sa kwento eh!" sabi ni Pristen sa abalang si Yaya at inirapan pa ako.
"Asa ka namang hayaan ako ni Yaya." sagot ko bago siya nginisian.
"Papansin ka no? Napaka-epal mo talaga kahit kailan."
"Nananahimik ako. Ikaw ang epal dyan."
"Jerk."
"Bitch."
"Ano bang lagi kong sinasabi sa inyong dalawa?" pagsingit ni yaya sa pagsasagutan namin ng kapatid ko. "Cyriel, hindi ba sinabi ko sayong wag nang papatulan 'tong si Pristen?"
Dahil sa sinabi ni Yaya , ngumisi si Pristen bago nang-irap.
"At ikaw naman Pristen, 'wag nang sumagot sa kuya mo," this time, ako naman ang ngumisi sa kanya. "Kayong dalawa na nga lang ang magkasama rito, ganyan pa kayo."
"No Yaya! I have you kaya!" sagot niya kay Yaya bago yumakap. Sobrang malapit talaga siya kay Yaya Salome.
"Ang maganda kong alaga, naglalambing na naman." natatawang sabi ni yaya at hinaplos pa ang buhok ni Pristen.
I'm really thankful na si Yaya Salome ang naging yaya namin simula nang mga bata pa kami ni Pristen. Sobrang maalaga at mapagmahal niya kaya naman kahit wala si Mom ay nakakaramdam ako ng pagmamahal at pag-aalaga ng isang ina.
Mabuti nga rin at nakuha niya ang loob ni Pristen kaya kahit papano, may gumagabay sa kanya maliban sakin.
Nagsimula na 'kong kumain at nagkwentuhan na ulit sila Yaya at Pristen. Wala rin pala siyang klase ngayon.

BINABASA MO ANG
Please Stay
Teen FictionPatrick Cyriel Baldovino. Isang napaka-gwapo, mayaman, matalino, Engineering student, model o 'almost perfect' na woman-hater na gagawin ang lahat ng pananakit para lang layuan ng mga kababaihan. Tahimik na ang buhay niya. Ngunit, magbabalik ang d...