Fifteen

23 5 0
                                    

Cyriel's POV

"Turn right," pagturo niya at 'yon nga ang ginawa ko. "Then direcho lang. Sa Remville Subdivision ako."

Nabalot kami ng katahimikan pagtapos non. Pero maya-maya pa ay nagsalita na siya ulit.

"May iba ka pa bang lakad ngayon?"

"Wala na, bakit?"

"Wala naman," sagot niya at tumingin sa bintana. "Cy, pwede bang magtanong?"

Tinignan ko siya at tumango. "Sure."

"Nung nag-dinner tayo..." mukhang nahihiya pa siya sa tanong niya dahil hindi siya makatingin sa'kin. "I saw it. Yung tumawag sayo."

Dahil doon , alam ko na agad ang tinutukoy niya. Ang sinadya kong 'Love' na ilagay sa number ni Alliver.

"Hmm?"

"Sino si Love?"

Napangiti ako nang marinig mismo sa kanya 'yon. Pero dahil sa pagngiti ko ay nahiya siya lalo.

"Why are you smiling? Stop it, Cyriel!"

"Are you jealous, Brianna?" mapang-asar kong tanong. Namula naman ang mga pisngi niya.

"N-no."

"No? Okay." sagot ko nang nakangisi at itinuon na ulit ang atensyon sa pagda-drive.

"Ugh. Yes." nagulat ako nang bigla siyang sumagot ulit at bumuntong-hininga pa. "I think... yes."

Hininto ko ang sasakyan sa gilid dahil sa sagot niya. Tinitigan ko siya pero hindi siya makatingin nang direcho sa'kin at namumula pa rin ang mga pisngi niya.

"You don't have to be jealous, Brianna,"  beacause of that, napangiti ko siya. "You're beautiful, sexy and almost perfect. So there's no reason for you to be jealous."

"Really?"

"Yep." Hinawakan niya naman kamay ko at nginitian ako nang malapad.

"Ayoko nang may kahati, Cyriel. Gusto ko ako lang."

Gusto niya ay siya lang pero hindi niya 'yon nagawa sa akin noon. Funny, Brianna.

Nginitian ko nalang siya at tumuloy na sa pagda-drive. Ilang minuto kaming tahimik at nakarating na kami sa gate ng subdivision nila.

Hininto ko ang sasakyan sa isang street na medyo malayo pa sa kanila.

"Bakit ka huminto?" nagtataka niyang tanong.

Natauhan naman ako bigla. Shit, Cyriel. Mahuhuli ka sa ginagawa mo!

"Sorry, saan nga ulit?"

"Sa kabilang street pa." Sagot niya at nagdrive na ulit ako.

Doon ko itinigil ang sasakyan sa lugar kung saan ko siya laging hinahatid noon. Ayaw niya kasing makalapit ako sa bahay nila at ayaw niyang makita ako ng family niya.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila, may sinabi siya na unang beses kong marinig mula sa bibig niya.

"Pasok ka muna?"

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon