Cyriel's POV
"I really don't know why pero feeling ko talaga matagal na tayong magkakilala,"
Gustong ko siyang sagutin na hindi lang feeling 'yon dahil totoo namang matagal na kaming magkasama. Sadyang hindi lang siya makahalata.
Inuuna niya ang kagustuhan niya ngayon nang hindi iniisip ang mga nangyayari.
"Really?"
"Yes! And to be honest, simula nang ipakilala ka sakin ni Tita Cha, hindi ka na naalis sa isip ko." She said while looking directly at my eyes.
Straight to the point talaga palagi si Brianna. Hanggat maaari , ayaw niyang pinatatagal ang mga bagay-bagay.
"I honestly don't know what to say, Bri." napatingin siya sa'kin na may pagka-gulat kaya narealize ko ang tinawag ko sa kanya. "Brianna."
"Oh, akala ko Bri talaga ang itatawag mo sa'kin," natatawang saad niya.
"Masama ba kung tawagin kang Bri?"
"Nah. I just don't want to be called by that," at alam ko ang rason kung bakit. "There's someone kasi na tumatawag sa'kin niyan noon and it really annoys me."
Ang tinutukoy niya ay walang iba kundi ako. Ang dating Cyriel na nakilala niya. Ganon mo talaga ka-ayaw sakin Bri, no?
"Pero hayaan na. Wala naman na akong balita sa taong 'yon. Baka lumipat na ng ibang planeta dahil sa mga kahihiyan niya dito." Tumatawa pang sabi niya. Wala siyang kamalay-malay na ang taong pinagtatawanan niya noon hanggang ngayon ay nasa harapan niya lang.
"Hmm, okay." ngumiti ako at 'yon lang ang isinagot.
Wala talaga akong kagana gana magsalita kapag hindi ko ka-close yung kausap ko.
Nagpalipas ako ng almost 30 minutes bago gawin ang plano ko for tonight.
Nag-ring na ang phone ko dahil sa tawag. Love pa ang nakalagay na pangalan ng tumatawag.
"Gonna answer this call lang, excuse me." paalam ko bago tumayo.
Sinadya kong nasa table lang ang phone ko at alam 'kong nakita niya 'yon. Napansin kong medyo nag-iba yung timpla ng mukha niya at mukhang kahit labag sa loob ay tumango siya.
"Sure."
Sinagot ko ang tawag at lumayo na sa kanya.
[Wazzuuuuup bradeeer!!! Sakto ba ang tawag namin?]
"Saktong-sakto, Alliver."
Napangiti ako at dire-direchong lumabas ng restaurant. Sumakay na 'ko sa kotse ko at ready na umalis.
[Makukuha na namin libre sa bar mo!!! / Ayooon! / Lessgoooo braders!]
Narinig ko ang tuwang-tuwang reaction nilang tatlo. Wala rin silang kamalay-malay na kasabwat sila sa plano ko ngayon.
Pagdating nila kanina sa bahay , sinabihan ko silang tawagan ako kapag 8:30pm na. Nagtanong pa sila kung para saan pero instead na sagutin , sinabihan ko silang ililibre ko sila sa bar ko kapag ginawa nila 'yon.
At dahil alam kong hindi nila matatanggihan ang pagba-bar, ginawa nga nila.
"Bilisan niyo na, papunta na rin ako." Sabi ko bago patayin ang tawag.
Ngumisi ako bago umalis ng restaurant nang walang paalam. Nag-uumpisa palang ako Brianna.
Umpisa palang at dadahan-dahanin ang pagganti sayo ng Cyriel na binago mo.
BINABASA MO ANG
Please Stay
Teen FictionPatrick Cyriel Baldovino. Isang napaka-gwapo, mayaman, matalino, Engineering student, model o 'almost perfect' na woman-hater na gagawin ang lahat ng pananakit para lang layuan ng mga kababaihan. Tahimik na ang buhay niya. Ngunit, magbabalik ang d...