Cyriel's POV
"Good afternoon, Mr. Simang!!!" Agad na nagsalubong ang dalawang kilay ko nang marinig ang nakakairitang sigaw na 'yon. "Black forest cake for youuuu!"
Ugh. Tahimik na ang buong maghapon ko tapos ngayong pauwi nalang ako may manggugulo pa! Balak niya bang sirain ang araw ko araw-araw?
"Magandang hapooooon, Shantal Kryz!"
"Good afternoon Ma'am Garcia!!!"
"Magandang hapon , binibini."
Nice. Mukhang close na close na talagang silang apat ha?
Patakbong pumasok ng room namin si Shantal at ganon din sila Alliver sa pagsalubong sa kanya. Ang mga walangya, nag-yakapan pa.
Mabuti nalang at kaming apat nalang ang nandito dahil nakalabas na ang mga kaklase namin.
"Grabe ka naman , parang di naman tayo magkaibigan niyan. Lagi nalang si Cyriel yung meron." naka-pout pa na sabi ni Lawrence.
"Oo nga!" sabay na pagsang-ayon naman nina Alliver at Nathan.
"Ano ba kayo? Makakalimutan ko ba kayo?" sabi niya saka binuksan ang bag na dala niya. "Ito oh! tag-iisa kayo ha!"
"Ano 'to?"
"Donuts, hehehe."
"Donut lang samin? Tag-iisa pa kami? Samantalang kay Cyriel isang box lagi ng cupcakes o kaya cake! Nakakapangselos naman Shantal." pag-angal ni Alliver.
"Eh kasi, kailangan ng kaibigan niyo ng mas matamis na pagkain para naman mabawasan pagiging mapait niya." bulong ni Shantal kay Alliver kaya humalakhak pa ang loko.
Sinamaan ko naman sila ng tingin at nakuha pa 'kong ngitian ni Shantal.
"Pero lugi pa rin kami!"
"Ang kapal talaga ng mukha mo Alliver! Eh tayo rin naman kumakain ng mga binibigay niya kay Cyriel!"
Mukha namang natauhan si Alliver sa sinabi ni Nathan kaya kinuha nalang yung bigay sa kanila.
"Huy, Mister Simang. Ito para sayo oh," tinapat niya pa sa mukha ko yung box ng black forest cake daw. Tinabig ko naman 'yon at tumayo na.
"'Wag mo nang antayin na itapon ko ulit yan,"
"Sige na Simang, pag kinuha mo 'to magkakagirlfriend ka na!"
Lalo akong nainis sa sinabi niya. Nang-aasar ba siya?
"Tigilan mo 'ko, pwede?" kinuha ko na ang gamit ko at hindi na siya ulit pinansin. "Alis na ko mga bro."
Lumabas na ko ng room at hindi na sila hinintay sumagot.
***
6pm na at nandito na naman sila Nathan sa bahay namin. Hindi talaga sila nakakatiis na hindi gumala muna after class.
Ang sabi nila, hinatid nila si Shantal kanina pag-alis ko at sila na ang kumain ng cake. Wala naman akong pakialam.
Nandito kami sa dining room habang nagluluto si Yaya. Kumpleto kami ngayon , even si Pristen ay nandito.
"Prissyyyy , may jowa ka ba ngayon?" biglang tanong ni Nathan kay Pristen.
Nasamid naman bigla si Pristen na kumakain lang ng mga prutas.
"Tigilan mo nga ko sa kaka-Prissy mo Nathan!" sigaw niya bago batuhin ng grapes si Nathan. "Wala! I don't need jowa. Masaya 'kong mag-isa."
"Sus , eh kaya ka lang ata walang jowa kasi di ka pa nakakamove-on kay Joshipine?" biglang sabat ni Alliver.
BINABASA MO ANG
Please Stay
Teen FictionPatrick Cyriel Baldovino. Isang napaka-gwapo, mayaman, matalino, Engineering student, model o 'almost perfect' na woman-hater na gagawin ang lahat ng pananakit para lang layuan ng mga kababaihan. Tahimik na ang buhay niya. Ngunit, magbabalik ang d...