Cyriel's POV
"Ewan ko ba kay mommy, ayaw pa gawing business eh ang sarap sarap kaya ng gawa niya!" sabi ni Alliver sa mga kakwentuhan niyang sila Lawrence, Nathan at Shantal. Kakatapos lang din nila kumain ng dalang cake ng babaeng 'to.
Nandito kami sa room at wala pa ang professor namin kaya hindi pa umaalis si Shantal. Kung ano-ano na ang mga napag-usapan nila at ngayon , umabot na sa pagbe-bake ni Tita Alliana.
"Patunay na 'ko sa gawa ni mommy na masarap." proud niya pang dagdag.
Nagtaka naman ang mukha ni Shantal. Binatukan naman siya ni Lawrence.
"Ang kapal talaga ng mukha mo no!"
"Totoo naman ah. Masarap ako, Shantal diba?"
"H-ha? Masarap ka? Hindi ka naman pagkain ah." Tawang-tawa sina Nathan at Lawrence sa naging reaksyon ni Shantal. Ang inosente niya masyado. "Ikaw talaga, Alliver. Palabiro ka masyado." dagdag pa niya.
"Hmp! Ayaw nalang um-oo." sabi ni Alliver bago kapain ang bulsa ng pantalon niya. "Hala!"
"Bakit?"
"Naiwan ko yata ang phone ko sa kotse." Umiiling na sagot niya bago tumayo. "Badtrip! Wait lang, balikan ko lang phone ko."
Lumabas na si Alliver nang nakasimangot. Hindi pa sumama 'tong si Shantal paalis.
"Ano yan, Lawrence?" tanong ni Shantal kay Lawrence na maglalaro na ngayon. Nginitian niya si Shantal at hinila pa ang upuan nito palapit lalo sa kanya.
"Gusto mo turuan kita?"
"Hala , sige!"
Tuwang-tuwa naman si Shantal habang hawak ni Lawrence ang kamay niya habang tinuturuan siya maglaro. Tss. Bakit kasi ang tagal ng professor namin?
***
Alliver's POV
"Tanga-tanga ka talaga minsan, Alliver. Badtrip talaga!" inis na sabi ko sa sarili ko dahil babalik pa 'ko sa sasakyan ko para lang sa phone ko.
Sinabihan pa naman ako ni mommy na tatawagan niya ako para balitaan kung nasaan na siya. Papunta kasi siya ng Palawan with her friends.
Sana all, buti pa si Mommy pagala-gala nalang!
Naalala ko ang nakapa kong piso sa bulsa ko kanina nang hanapin ko ang phone ko at kinuha 'yon. Bakit ba 'ko may piso dito?
Wala na masyadong tao dito sa dinaraanan ko dahil may mga klase na. Yung professor lang naming matanda na ang laging late! Pero okay lang naman. Mas gusto nga namin 'yon nila Nathan hehehe.
Wala ang maiingay na fangirls ni Cyriel kaya naman wala akong mangitian at makawayan. Inihagis ko nalang pataas ang piso na hawak ko at tsaka sinalo para naman may magawa ako. Paulit-ulit lang ang ginagawa ko nang may biglang humawak sa braso ko.
Nalaglag tuloy ang piso kaya inuna kong kunin 'yon bago tignan kung sino itong bebe girl na lumapit sakin.
"Alliver?"
"Yes, magandang b—"
Oh my gash. Si....
"Alliver Blake Valderama? Is that you?"
"B-Brianna! I-ikaw ba 'yan?" Nautal ako bigla nang makita ang mukha ng babaeng nasa harapan ko.
Ito na nga ba ang sinasabi ko, paktay na! Delikado ang Cyriel labidabs namin!
"It's been a long time, Alliver." nginitian niya pa ako. "Anong course mo dito?"
"A-ano, HRM! Hehehe, HRM student ako." Pagsisinungaling ko para hindi siya maghinala kay Cyriel namin. "A-anong ginawa m-mo dito? hehehe."
BINABASA MO ANG
Please Stay
Teen FictionPatrick Cyriel Baldovino. Isang napaka-gwapo, mayaman, matalino, Engineering student, model o 'almost perfect' na woman-hater na gagawin ang lahat ng pananakit para lang layuan ng mga kababaihan. Tahimik na ang buhay niya. Ngunit, magbabalik ang d...