Nine

32 5 1
                                    

Cyriel's POV

"Argh! Those bitches!" bulong niya at asar na asar ang tingin niya sa mga babaeng medyo malayo na samin. "How am I going to enjoy kung ganito na ang dress ko?"

"Gusto mo bang magpalit muna? I have an extra shirt on my car." pag-ooffer ko.

"Really? Okay, mas gugustuhin ko pa ang pagsuot ng shirt mo kaysa sa basang 'to!" As expected, hindi niya tatanggihan ang offer ko.

Nauna na 'kong tumayo at maglakad habang nasa likod ko naman siya. Papunta na sana kami sa kotse ko pero napahinto ako nang marinig ang malakas na tawanan. And there, nakita ko si Brianna na nakasalampak sa sahig habang pinagtatawanan ng mga tao.

"Maganda ka sana miss, tanga ka lang hahahaha!"

"What are you doing miss? Nanghuhuli ng palaka?"

"Ano ba yan, nakakahiya siya!"

Nilapitan ko naman siya agad. Halatang hindi niya na talaga nagugustuhan ang mga pinagsasabi sa kanya.

"Ngayon lang ba kayo nakakita ng nadapa?" Pagtataray niya pa pero kitang-kita sa mukha niya ang matinding pagkapahiya. Patuloy pa rin sa pagtawa at pagbubulungan yung iba.

In-offer ko naman ang kamay ko para tulungan siyang tumayo.

"Thank you, Cyriel,"

"Oh ayan pala," hindi ko pinansin ang pagpapasalamat niya at dinampot ang phone ko sa sahig. Sakto palang may alak na natapon sa sahig at napakataas ng heels na suot niya kaya siya nadapa. Dahil nga nasa bar, medyo madilim at maingay kaya hindi niya napansin ang nalaglag na phone at basa."Sorry, nalaglag ko nang hindi sinasadya."

"No, it's okay. Pwede bang lumabas na tayo? Ayoko na dito, Cyriel." Parang nagma-makaawa na ang boses niya. Dala pa rin siguro ng pagkapahiya.

Lumabas na nga kami ng bar at dumirecho sa sasakyan ko para makapagbihis siya at makaalis na. Sa loob na siya ng sasakyan ko nag bihis dahil ayaw niya na raw ulit pumasok sa bar, habang nasa labas naman ako at naghihintay.

Wala namang makakakita sa kanya sa loob ng sasakyan ko, pinatay ko pa ang ilaw sa loob non bago siya pumasok para sigurado. Maya maya lang ay lumabas na rin siya. Mabuti nalang at magaling talaga siyang manamit , nilagyan niya ng ibang style ang damit ko dahil malaki para sa kanya.

"Nabasag ko pala ang screen ng phone mo, I'm so sorry," sabi niya nang makita ang basag na screen ng phone ko. Dahil siguro sa heels niya.

"Wala yun, phone lang 'to," tinapon ko na nga ang phone ko sa malapit na basurahan.

"You're so rich talaga ha," nagawa na niya ulit ngumiti. Pero ilang saglit pa, "O-ouch!" hindi na siya mapakali.

"Anong problema?"

"Ouch! Omg, ants!!!" natatarantang sigaw niya nang maglabasan ang mga pulang langgam. Pinagpag-pagpag niya pa ang damit na suot niya habang nagsisigaw sa sobrang sakit.

"Shit! Sorry, hindi ko alam na may langgam 'yang shirt!" Sabi ko at tinulungan na siyang alisin ang mga langgam. Naiiyak na siya habang nagsisisigaw.

"Help me remove these freakin' ants Cyriel!!! It hurts so bad!"

Nang matapos na kami, nakita ko ang maputing balat niya na nag-kulay pula na.

"Bakit ba sobrang malas ko ngayong gabi?" Wala na siyang nagawa kundi umiyak nang umiyak.

Nagsisimula palang ako, Bri.


***

10am ang class ko ngayon. Pero 9:30am palang ay naglalakad na ko papunta sa room ko. As usual, nagtitinginan na naman ang mga schoolmate ko at nagtitilian pa yung iba.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon