Four

61 6 0
                                    

Cyriel's Pov

"Hi."

"Uyy, kamusta ka?"

"Bakit laging nakakunot yang noo mo? May problema ka na naman ba?"

"Uy , may dala pala ko para sayo."

Naglalakad ako sa hallway mag-isa papunta sa next class ko. Pero dahil yata sa ubod ng kulit na babaeng to , male-late ako.

Hindi talaga siya natatakot lumapit sakin ah. Yeah , it's none other than the girl who ruined my day last time. Yung isip batang kumausap sakin sa coffee shop.

Hindi ko na matiis yung kakulitan niya kaya huminto ako at hinarap siya.

"Wala akong panahon para sayo. Bakit ba ang kulit mo?"

"Para sayo, gawa ko yan." nakangiti at proud na sabi niya.

"Wala akong pake sa gawa mo lalong lalo na sayo. Wala ka bang magawa sa buhay mo?" inis na sabi ko.

I looked at my wristwatch. Oh damn it! I'm 10 minutes late!

"Kunin mo na 'to. Sabi sakin ng tatay ko masamang tumanggi sa grasya. Dali, pinaghirapan ko yan." Pagkatapos ng lahat ng sinabi ko, nakangiti pa din siya sakin.

Hindi niya ba talaga iniintindi mga sinasabi ko?

"Miss , look. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong pakialam sayo? Stop following me." inis pa ring sabi ko at naglakad na ulit.

Pero ilang saglit lang , nasa tabi ko na naman siya. Tumatakbo siya para lang makasabay sakin.

"Ang bilis mo naman maglakad! Wait lang, antayin mo ko." Hindi ko nalang siya pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

"Huuuuy. Sige na lalaking may galit sa mundo. Tanggapin mo na 'to."

"Yuhuuuu. Sige na, kunin mo na 'to."

Inis na inis akong humarap sa kanya. I'm trying my best to keep calm, baka kung anong magawa ko sa babaeng 'to.

"Hehe , ito na oh. Sige ka, hindi ako aalis dito hanggat hindi mo 'to kinukuha." sabi niya habang inaabot sakin yung isang box ng cupcake.

Kung ibang babae 'to , kanina pa 'to umalis sa harap ko pagkatapos kong sabihan ng kung anu-ano. Pero siya hindi. Tuloy pa din siya sa pagngiti at pagsunod sakin.

Kakaibang babae.

Kinuha ko sa kanya yung inaabot niya para matigil na.

"Yieeeee kinuha na din. Masarap yan, promise." Nagmamalaking sabi niya.

Tinapon ko sa malapit na trash can yung inabot niya.

"Kinuha ko na. Happy? Now, leave me alone." Yung ngiti niya kanina , biglang nawala. Nakatingin lang siya sa trash can na pinagtapunan ko. Pero ilang saglit lang, nakangiti na ulit siya.

"Sayang naman yun. Hindi mo naman sinasadya itapon diba? Di bale, dadalhan nalang kita ulit bukas." nakangiting sabi niya sakin. Nahilamos ko sa mukha ko yung kamay ko dahil sa inis.

Nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya at tinitigan siya sa mata.

"Hindi ko kailangan ng cupcake mo. Wala akong pakialam sayo kaya tigilan mo na ako. Ayoko ng makita 'yang pagmumukha mo. Got it?" seryosong sabi ko sa kanya bago naglakad na ulit.

Good thing, malapit na ko sa room ko.

Pagpasok ko, andon na yung prof namin at nagdi-discuss na siya.

"Goodafternoon, sir."

"Good afternoon Mr. Baldovino. May ginawa ka yatang importante kaya ka na-late?" tanong nung prof namin.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon