Cyriel's POV
10am na at nandito 'ko sa bar ko ngayon para i-check ang mga empleyado ko. Mamaya pa namang hapon ang klase ko kaya minabuti ko munang tignan naman ang negosyo ko.
May sarili akong opisina sa taas ng bar ko at dito ako nakatambay ngayon. Maya-maya, nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Nathan.
[Wazzup brader!]
"Ano na namang kailangan niyo?"
[Nandito kami sa inyo, pero wala ka pala. Asan ka? Bakit hindi ka nagpapaalam?] Aba naman talaga!
"Eh kung hindi ko na kayo payagang pumunta dyan?"
[ Hehehe joke lang eh!] Bigla namang sumingit si Alliver. [Sama ka samin Cylabs.] Kung ano-ano nalang talaga ang tinatawag sakin nito. Tss.
"Ayoko."
[Sige na! Mall tayo! Matagal na kaya noong huli tayong mag-mall!] Si Lawrence naman 'yon.
"Mambababae lang kayo kaya 'wag niyo na 'kong idamay."
[Hindi promiseeee! Mababait kami ngayon. Ikaw lang ang labidabs bebe boy mahal namin ngayong araw!]
"A-yo-ko." pag-uulit ko at pinatayan na sila ng phone dahil alam ko namang hindi sila titigil sa pangungulit.
Kinuha ko nalang ang libro ko sa bag at nagsimula nang magbasa. Dala ko na ang mga gamit ko dahil didirecho na 'ko sa pagpasok mamaya.
Hindi rin nagtagal ang pagbabasa ko at unti-unti na 'kong nakaramdam ng antok.
***
"Bakit naman ang aga bro? Wala ka manlang paalam huhuhu."
"Bata ka pa bro, paano na ang pagiging Engineer mo? Si Prissy? Ang bar mo? Samin mo ba ipapamana 'to?"
"WAAAAAH! CYRIEL MYLABIDABS OH SO SWEETYPIE DARLING MAHAL BOSS BENTE UNOOO!!! HUHUHUHU!"
Nagising ako bigla dahil sa ingay at init na naramdaman ko. May kandilang nakatirik sa lamesa ko at ang tatlong pugo ng buhay ko, mukha na namang may pinaglalamayan at nagsisi-iyak pa.
"WAAAH! DARLING MAHAL KO! BUHAY KA!" sigaw ni Alliver at tumakbo pa para yakapin ako. Naki-gaya na rin sila Nathan at Lawrence na yumakap sakin.
"Akala ko pamana mo na samin 'to , sayang!" Sabi pa ni Nathan na umiiling iling pa.
Tinignan ko siya ng masama at kinuha ang kandila.
"Gusto mo bang ikaw ipagtirik namin ng kandila, Nathan?"
"Hehehe joke lang , ito talaga mahal na mahal kaya kita kahit ang sungit sungit mo!" Niyakap niya 'ko ulit at mas hinigpitan pa. Hinipan niya na rin ang nakasindi pang kandila.
"Bakit ba kayo nandito?" Inis na tanong ko bago sila ipagtulakan palayo sa akin. "At pano niyo nalamang nandito 'ko?"
"Sinabi samin ni Yaya Salome! Tropa kami non kaya walang secret samin si Yaya." sagot ni Nathan na nagsimula nang mangalikot sa mga gamit ko rito.
Umupo naman si Lawrence sa tapat ng lamesa ko at humiga naman si Alliver sa sofa.
"Halika na kasi, Cyriel mylabs. Ngayon lang eh."

BINABASA MO ANG
Please Stay
Teen FictionPatrick Cyriel Baldovino. Isang napaka-gwapo, mayaman, matalino, Engineering student, model o 'almost perfect' na woman-hater na gagawin ang lahat ng pananakit para lang layuan ng mga kababaihan. Tahimik na ang buhay niya. Ngunit, magbabalik ang d...