Cyriel's POV
Magkasalubong ang kilay ko nang makapasok ako sa room namin. Agad na hinanap ng mga mata ko ang tatlong pugo na sigurado akong nagturo sa Shantal na 'yon ng bahay ko.
"Hey wazzup brother!"
"Hi Cylabs!!!"
"Ang pogi mo papi!"
Hindi naman nila 'ko pinahirapan hanapin sila dahil kusa na nila akong binati. Ibinaba ko muna ang gamit ko sa upuan bago sila harapin.
"Lumapit nga kayong tatlo rito." Isang pekeng ngiti ang ibinigay ko sa kanila habang papalapit sila sa akin.
"Ano meron labidabs?" Takang tanong ni Alliver at saka sila nagsi-upo sa mga upuan na nasa harapan ko.
Hindi ko na pinatagal at mabilis na pinagkukutusan silang tatlo. Sabay sabay silang napahawak at napakamot sa ulo.
"What was that for?" tanong ni Lawrence na nakahawak pa rin sa ulo niya.
"Anong problema mo?" nagtatakang tanong naman ni Nathan.
"Ang kati." Ang reaksyon talaga ni Alliver ang palaging naiiba.
"Hindi ba kayo aamin?" Para 'kong tatay na mangse-sermon sa mga pasaway na anak. Ang tatlong 'to talaga, pinapatanda ako kaagad!
Sabay-sabay silang nagtinginan at tila takang-taka sa pinagsasabi ko.
"What is you saying there, huh?" Si Alliver na ang naunang magdeny.
"Alam kong alam niyo ang tinutukoy ko. Kapag wala pa ring umamin sa inyo ng kasalanan niyo, iba-ban ko na kayo sa bar ko!" Dahil sa pananakot kong 'yon ay agad silang nataranta.
Mga alak na alak talaga.
"What? You don't do that on us, Cyriel." pag-angal kaagad ni Nathan.
"Ano bang tinutukoy mo, bro?" seryoso ang mukhang tanong ni Lawrence. Parang wala talaga silang kaalam-alam sa kasalanan nila ah?
"Sino sa inyo ang nagbigay ng address ko kay Shantal?"
"What?"
"Hala... Alam na ni Shantal bahay mo?"
"Wow. Ang galing naman niya."
Kailan ko ba makakausap nang matino ang mga kaibigan kong 'to?
"Sigurado akong may kinalaman kayong tatlo roon." Siguradong sigurado ako roon dahil sila lang naman ang nadidikitan ng Shantal na 'yon.
"Cylabs , wala ako dyan ha." pagdepensa ni Alliver sa sarili niya. "Ay ito si Lawrence! Mas close sila ni Shantal!" dagdag niya nang nakaturo pa kay Lawrence.
"Ay oo! Si Lawrence 'yon, mas close talaga sila!" pag-gatong naman ni Nathan.
"Ano ba kayong dalawa?" inis na tinabig ni Lawrence ang kamay nila Alliver at Nathan na nakaturo sa kanya. "Hindi naman namin napag-uusapan kung taga saan ka."
At talaga namang pinagtatakpan nila ang Shantal na 'yon!
Inis na umupo ako sa upuan ko. Kailan pa sila natutong magsinungaling sakin dahil sa babae?
Mas pinipili talaga nilang kampihan ang babaeng 'yon? Ako kaya ang kaibigan nila!
"Huuuyy, totoo ba?" Nagulat nalang ako nang ilapit ni Alliver ang mukha niya sa mukha ko. "Pinuntahan ka ni Shantal sa inyo?"
Itinulak ko palayo ang mukha niya pero ganon na rin ang ginawa ni Nathan at Lawrence.
Bakit ba ang gagaling nila umarte?

BINABASA MO ANG
Please Stay
Teen FictionPatrick Cyriel Baldovino. Isang napaka-gwapo, mayaman, matalino, Engineering student, model o 'almost perfect' na woman-hater na gagawin ang lahat ng pananakit para lang layuan ng mga kababaihan. Tahimik na ang buhay niya. Ngunit, magbabalik ang d...