Two

78 5 0
                                    

Cyriel's Pov

"PATRICK CYRIEL BALDOVINO! LUMABAS KA DYAN. NAPAPALIGIRAN KA NA NAMIN."

"Wangwangwang. Pulis kami! Sumuko ka na!"

"Sir, pasukin na natin sa loob! Baka makatakas yung suspect." what the fvck?

 Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko para matignan kung sino yung nasa labas. At tama nga ang hinala ko, yung tatlong pugo nandito na naman.

Nakasandal si Nathan sa kotse habang nakaakto yung kamay na baril. Si Lawrence naman ay  sa gilid ng gate namin nakasandal at parang ready na bumaril. Samantalang si Alliver, nakaupo sa taas ng kotse niya at paulit ulit sa kaka-wangwang. Nakatira na naman ata 'tong mga 'to.

Sinarado ko na yung bintana ko at humiga ulit sa kama. Wala akong balak babain sila dahil may kusa yang mga yan.

Ilang saglit pa, dumating na nga sila sa kwarto ko. See? May kusa talaga sila. Tss.

"Cyrieeeeel~!" malanding tawag ni Alliver sakin sabay kapit sa braso ko.

"Ayaw kaming papasukin ng mga bouncer mo doon sa bar. Kanina pa kami nakatunganga sa labas ng bar mo." nagmamaktol na sabi ni Nathan. 

"Buti nalang nakapagpigil ako, kung hindi inuntog ko na sila sa maskels ko." sabi ni Lawrence sabay himas sa muscle niya.

"Maskels? Muscles yun bro."

"Eh basta yon na yon. Buti nalang napigilan ko sarili ko." Napailing nalang ako sa paguusap ng tatlong 'to. 

"Ang lalandi niyo kasi," kinuha ko ang phone ko bago ituloy ang sasabihin ko. "And fyi, crazy bastards are not allowed on my bar anymore." dagdag ko habang nasa phone ang atensyon.

"Who you call crazy? Ugh. Im not crazy, I'm human." walangyang pag-eenglish ni Alliver.

"Yeah yeah, we is not crazy. I am handsome and they is monkey." Sabat naman ni Nathan habang nakaturo kala Alliver at Lawrence. Haynako, isa pa 'to si Nathan na palpak sa english.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapigilan itanong sa sarili ko kung paano ko naging barkada ang mga 'to. 

"Oh shut up. Ang iingay niyo! Lumayas nga kayo rito!" sigaw ko sa kanila.

"Ehh. Bro hindi ko kayang hindi makita ang bar mo, bro parang awa mo na please. Hindi ko kayang mawala si babylabs ko at mga chikababes ko roon." madramang sabi ni Alliver. Babylabs na tinutukoy niya ay ang bar ko.

"Bro, pagbigyan mo na kami. Kawawa naman yung mga chikababes namin na nagaantay sa kagwapuhan namin."

"Ayoko. Now, leave." nagtalukbong na 'ko ng kumot at hinayaan sila. Hindi pa man nagtatagal ang hindi ko pagpansin sa kanila ay narinig ko na agad ang boses ni Alliver na may masamang balak.

"Mga repa. Kung hindi natin madaan sa matinong usapan, daanin natin sa malupit na bugbugan!" 

Hindi na 'ko nakapagreact nang sinimulan nilang daganan ako. Hawak ni Lawrence yung paa ko, si Nathan sa kamay ko at si Alliver naman sa leeg ko. Ni-wrestling ako ng tatlong pugo na 'to habang nakatalukbong pa rin ako ng kumot kaya mas lalong hindi ako makapalag.

"Ano ha? Palag ka pa?" tanong ni Nathan.

"Mga kupal talaga kayo! Aray!" nagpupumiglas ako dahil nahihirapan na rin akong huminga dahil sa nakatalukbong na kumot sa buong katawan ko, pero hindi ko magawang makaalis sa pagkakadagan nila.

"Say the magic word, Cyriel babe. " malanding sabi ni Alliver. Bakla na ata 'tong bakulaw na 'to eh.

"Shit, fine!" wala na 'kong magawa kundi pumayag. Umalis naman na sila agad sa pagkakadagan sa'kin, pagkatanggal ko ng kumot sa mukha ko ay automatic na tumalim ang tingin ko sa kanila.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon