Cyriel's POV
3pm na at papunta na 'ko sa studio para sa photoshoot ko , na ngayon ay 'namin' na.
Manager Cha told me na nagustuhan daw ng may hawak sa amin ang pagsasama namin ni Brianna last time , kaya naman pagsasamahin na talaga kaming dalawa.
Ilang minuto lang ang itinagal ng byahe ko at nakarating ako agad sa venue. As usual , inayusan na 'ko kaagad sa isang room pagdating ko.
"Hi , Sweetie!" Nagulat ako nang may pumasok sa room at 'yon ang isinigaw. Si Brianna na tapos na ayusan.
"Hey," bati ko bago ngumiti. "Napakaganda mo, Brianna."
"Aww. Pinapakilig mo naman ako!" sagot niya at hinampas pa ang braso ko. "Nagustuhan mo ba ang ayos ko ngayon?"
"Hindi ko gusto," napataas naman ang kilay niya nang sagutin ko siya. "I love it, Brianna."
Ngumiti siya ng sobrang lapad dahil don. Mabuti nalang at natuto ako ng pambobola kina Alliver. May pakinabang pa rin talaga ang tatlong 'yon.
"And I love you too!" Natahimik siya bigla at namula lalo ang may blush-on na niyang pisngi. "I mean , I love your outfit too."
Binigyan ko siya ng matamis na ngiti pero sa loob ko ay natatawa na ako. Bakit ba napakabilis bumigay ng mga babae sa mga gwapong lalaki?
Tapos na 'kong ayusan at nag-aantay nalang tawagin para sa shoot. Lumabas na ang mga nag-ayos sa'kin at naiwan kami ni Brianna sa loob ng room.
Nagkukwento siya pero hindi ko siya iniintindi dahil nakatutok ako sa phone ko. Maya-maya, may isang staff na pumasok.
"Sir Cyriel, Ma'am Brianna, male-late daw po si Sir Paulo dahil may emergency kanina." Wow. So ang photographer pa ang late ngayon. "Pero on the way naman na daw po."
"Oh, okay." Si Brianna na ang sumagot at tinanguan nalang kami ng staff na 'yon bago lumabas ulit.
"Mukhang matatagalan pa , gusto mo bang mag-coffee muna?" tanong ni Brianna.
"Hindi naman tayo pwedeng lumabas dito." sagot ko bago ulit mag-phone.
"Magpa-deliver nalang tayo." tinanguan ko nalang siya bilang sagot.
Naglalaro ako sa phone ko para umiwas sa pagkabagot. 30 minutes na yata ang lumipas at si Brianna naman ay nag-aantay sa order namin.
Maya-maya pa, habang busy ako sa paglalaro ay may kumatok na. Hindi naalis ang mata ko sa laro kaya naman si Brianna na ang nagbukas non at 'di ko na pinansin.
"Ma'am Brianna Forteza?"
"Ako nga."
"Here's your order from Sunny's Cafe!"
Pamilyar sa'kin ang matinis at maliit na boses na 'yon kaya napatingin ako. At mali ako sa ginawa ko.
"Huy, Simangggg! Hiiiiii!" Tama akong siya nga 'yon. Kumakaway pa siya at nakangiti ng todo. Nagtatrabaho nga pala ang babaeng 'yon sa coffeeshop na malapit dito. At siya pa ang nagdeliver ng order namin.
Napansin ko naman ang pagtaas ng kilay ni Brianna na nasa harapan pa rin ni Shantal.
"Simang? Excuse me, Miss. Walang Simang dito." mataray na sagot ni Brianna.
Binalik ko nalang ang atensyon ko sa nilalaro ko. Wala naman akong balak pansinin pa sila.
"Siya po si Simang!" sagot naman ni Shantal at kita ko sa peripheral vision ko ang pagturo niya sakin.
"Miss nagkakamali ka," halata na sa boses ni Brianna ang pagka-irita. "Wait, nasa dressing room ko pala ang bag ko. I'm sorry, kukunin ko lang."
Lumabas na nga ng room si Brianna. This time, pumasok na si Shantal at lumapit sakin.
BINABASA MO ANG
Please Stay
Teen FictionPatrick Cyriel Baldovino. Isang napaka-gwapo, mayaman, matalino, Engineering student, model o 'almost perfect' na woman-hater na gagawin ang lahat ng pananakit para lang layuan ng mga kababaihan. Tahimik na ang buhay niya. Ngunit, magbabalik ang d...