Cyriel's POV
"Wuhooo! Ang sexy naman talagaaaa!!!"
"Ate halika na uwi na tayo!!!"
"WUHOOOOO!!!"
Rinig na rinig mula sa pwesto 'ko ang mga sinisigaw nang tatlo. Nandito kami sa bar 'ko at naiwan ako sa sulok dahil busy mambabae yung tatlo.
Nakakailang bote na 'ko ng alak pero parang wala pa ring tama sa'kin. Hind ko alam kung anong gumugulo sa isip ko ngayon. Basta ang alam ko, naiinis ako.
Ilang saglit pa ay bumalik na rin yung tatlo sa pwesto namin. Nagsi-inom lang sila at mukhang pagod na pagod kakasayaw.
"Okay ka lang, bro?" tanong ni Lawrence sa'kin.Tumango naman ako bilang sagot.
"Alam niyo, naaawa talaga 'ko kay Shantal kanina. Bro grabe, nakakaawang makitang nagkakaganon yung mga ganong babae," napatingin naman ako kay Alliver.
Mukhang wala lang sa kanila na nandito ako.
"Grabe yung babaeng 'yon pre. Sobrang inosente ng mukha at halatang sobrang bait. Ang sarap siguro magkaron ng ganong girlfriend no? Shet pre," dugtong pa ni Nathan.
"Kaya pala lagi siyang nasa school no? Anak pala siya ni Kuya Eddie, kaya pala marunong din siya mag-bake," kwento pa ni Alliver.
So, anak pala siya ng nagdedeliver ng cupcakes sa school.
Ugh, so what?
Tinapik naman ni Lawrence yung dalawa. Nakakahalata na siguro siya.
"Pre, ayos ka lang ba talaga?" tanong niya sa'kin.
"Sorry, bro," sabay na sabi nila Alliver at Nathan.
"Ayos lang," sagot 'ko bago uminom ulit. Fvck this drink, bakit parang walang epekto sa'kin?
"Seryosong usapan bro, bakit ganon ka kay Shantal? Wala namang ginagawa yung tao bro,"
Bakit nga ba? Bakit ba sobrang init ng dugo 'ko sa kanya?
"Pre, alam namin pinagdaanan mo. Pero bro, kung makikilala mo si Shantal, malalaman mong kakaibang babae siya." dagdag pa ni Nathan.
"She's different, bro. Hindi siya yung babaeng katulad ni Bri---"
"Shut the fvck up, Lawrence!" hindi na natapos ni Lawrence yung sasabihin niya.
I don't wanna hear her name. Fvck it.
"'Wag mo siyang idamay dito, Lawrence," seryosong sabi 'ko. "Bakit ganon ako sa babaeng 'yon? Simple lang. I fvcking hate girls. I fvcking hate them."
"Kung si Brianna lang dahilan kung bakit ka nagkaganyan, bro let go! Hindi mo kailangan bastusin o pahirapan mga babaeng gusto mapalapit sayo. Bro hindi lahat kagaya ni Brianna,"
"I SAID SHUT THE FVCK UP LAWRENCE!" Hindi ko na napigilan ang sarili 'ko. "WALA KANG ALAM SA NARARAMDAMAN KO, HINDI NIYO ALAM KUNG GANO KAHIRAP PINAGDAANAN KO KAYA PWEDE WAG NIYO 'KONG PAKEALAMAN?"
Umawat naman agad sila Nathan at Alliver samin ni Lawrence. Ngayon ko lang sila nasigawan ng ganito.
"Kalma lang mga bro, tama na 'yan,"
"Sorry," yun na lang ang nasabi 'ko.
"It's okay bro, I understand," sagot ni Lawrence sabay tapik sa balikat ko.
Kahit ganito kaloko-loko mga kaibigan ko, napakaswerte ko pa rin sa kanila. Hindi uso samin ang pataasan ng pride. Iniintindi ang dapat intindihin at syempre, kagaya ng ginawa ni Lawrence, hindi nangungunsinti lalo na kapag mali na talaga.
"Kailangan ko lang siguro magpahinga, una na 'ko mga bro," paalam ko bago umalis.
Hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak habang nagda-drive pauwi. Damn it. Ayoko nang maalala ang kabobohan ko at lahat ng katangahan ko para sa isang babae noon. Gusto ko nang makalimot at hindi na maalala kahit isang detalye tungkol sa kaniya.
DAMN IT CYRIEL. NAPAKAHINA MO TALAGA.
Gusto ko nang makalimutan lahat ng panggagago na natanggap ko noon. Fvck, ano bang dapat kong gawin?
"DAMN IT. DAMN IT. DAMN IT!!!" Sigaw ko.
It's already 1:30 am when I got home. Dumirecho agad ako sa kwarto ko at nagshower.
Hindi pa rin ako makatulog kaya lumabas muna 'ko. Kailangan 'kong kumuha ng lakas. I went to my sister's room, pagdating ko ay tulog na siya. Ang kawawang kapatid ko, mukhang nakatulog nalang sa kakaiyak. Inayos ko ang buhok niya.
"Kahit gaano ka pa kataray at kamaldita, hinding hindi ka papabayaan ni Kuya." I kissed her forehead. "Goodnight, our Princess,"
"My kuya is so pogiii~ My kuya is so caring~ And his little sister loves her so muuuuch~"
Nagising ako sa alarm ng phone 'ko. Si Pristen 'yon when she was 7 years old. Paulit ulit niya lagi 'yang kantang imbento niya dati.
Pero nah, she doesn't know na alarm ko yan. At mabuti nang hindi niya rin alam.
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Pagdating ko sa dining, nandoon si Yaya na naghahanda na ng breakfast. Nagulat siya nang makitang gising na ako ng ganito kaaga. It's 6am by the way.
"Oh Cyriel, pasensya na at hindi pa 'ko tapos magluto ng almusal. Na-late kasi ako ng gising sa sobrang pagod kahapon," Medyo nahihiya pa si yaya habang nagpapaliwanag.
"Wala yun ya, ano ka ba? Okay lang po." sagot ko naman para di na siya mag-alala. Ako naman ang talagang maaga ngayon gumising. Umupo na muna ako habang nag-aantay ng breakfast.
Saturday kasi ngayon. Wala akong klase pero may photoshoot ako. 8am ang call time pero dahil nga ayoko nang nale-late, 2 hours before ay nagaayos na 'ko.
Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako kung hindi pa nagring ang phone ko. Tumatawag pala ang manager ko. Sinagot ko rin naman agad.
[Good morning, Cyriel.] bati ni Manager Cha pagkasagot ko.
"Hey,"
[Remind ko lang, 8am ang call time today.]
"Yeah, okay."
[May importante rin pala akong sasabihin mamaya. So, see you later.]
Then he ended the call. Well, Manager Cha is gay. Close friend siya ni Mom at siya ang nagpasok sakin sa modelling industry. Kahit ganon siya, sobrang professional niya sa trabaho.
Natapos na rin si Yaya sa pagpe-prepare kaya nakapagbreakfast na ako. After kumain, umakyat na ulit ako sa kwarto ko para maligo at mag-ayos.
Nagtext naman ako kay Manager Cha na papunta na ako sa studio.
Nang makarating ako, agad nila 'kong inayusan. May mga pa-ilan ilan pang babae na nagbubulungan at nakangiti habang nakatingin sa akin kaya nagsisimula na naman mag-init ang ulo ko. Kailan ba magkakaron ng araw na tatahimik ang buhay ko sa mga babaeng to?
Ilang minuto rin ang nakalipas at dumating na si Manager Cha. Ilang minuto na lang din ay magsisimula na ang shoot.
"Hey, Cyriel!" Kakatapos ko lang ayusan at lumapit siya sakin para makipagbeso. "Ang gwapo naman talaga ng alaga ko,"
"Ano nga pala sasabihin mo manager?"
"Ops. Muntik ko nang makalimutan sa kagwapuhan mo iho," natatawang sabi niya. "May bago akong handle na makakasama mo for today's photoshoot."
"Why? Bakit ngayon mo lang sinabi sakin yan?"
Hindi naman sa ayokong may kasama pero bakit hindi manlang sinabi sakin ng maaga? Ugh. Wala akong kamalay malay tungkol dito. At sa 1 year ko dito, ngayon lang din ako magkakaron ng kasama.
"It's my surprise for you, my dear," nakangiting sabi niya. "Oh, wait, tatawagin ko lang siya." paalam niya bago umalis.
Hindi rin nagtagal at bumalik na siya. Kasama ang isang babae.
"Cyriel, this is Brianna, ang bago kong alaga!"
Brianna , napakalupit talaga ng tadhana.
BINABASA MO ANG
Please Stay
Novela JuvenilPatrick Cyriel Baldovino. Isang napaka-gwapo, mayaman, matalino, 4th year Civil Engineering student, at model na woman-hater na gagawin ang lahat ng pananakit para lang layuan ng mga kababaihan. Tahimik na ang buhay niya. Ngunit, magbabalik ang dah...
