Twenty - Three

33 3 0
                                        

Cyriel's POV

"GAGO PARANG NILALAMIG NA KAMBING HAHAHAHAHA!"

"Hoy! Grabe talaga kayo HAHAHAHAHA!"

"Sorryyyyy~ yeaaah!" Ginaya pa ni Nathan ang boses ni Brianna sa video. Tawang-tawa ang mga loko habang pinapanood sa phone ni Alliver ang video na 'yon.

Kahit sobrang ingay sa bar ko ay nangingibabaw pa rin ang tawanan nilang tatlo.

Inubos ko na ang alak sa baso ko at napangisi nang maalala ko ang nangyari kanina.

Agad kong nilapitan si Brianna pagkatapos ng video. Niyakap ko siya at saka siya agad umiyak. Ang simpleng video na 'yon pala ay makakapag-pahiya para sa kaniya.

Agad naman akong napatingin sa lalaking may kagagawan non. Sumaludo pa siya sa'kin bago tatawa-tawang umalis.

At ang lalaking 'yon ay walang iba kundi si Alliver.

"Mabuti nalang at patay na patay talaga si Brianna sa bata natin. Successful ang plano!" natatawang sabi ni Lawrence.

"Sabi sa inyo makakapasok ako doon eh." pagyayabang ni Alliver.

"Sayang , di manlang namin nakita sa personal." sabi naman ni Nathan na kasamang naiwan ni Lawrence sa kotse.

Kasama sa plano namin ang pagtawag ko kay Brianna. At dahil sa ginawa kong 'yon, alam kong sasalubungin niya talaga ako. Iyon ang paraan para makapasok si Alliver.

Sinadya kong iwan ang invitation kay Alliver dahil alam kong makakapasok naman ako kahit wala non. Gamit naman ang kotse ni Alliver ay magkakasama silang tatlo na nakasunod sakin para hindi kami mahalata.

Hindi mawala sa isipan ko ang itsura ni Brianna kanina. Sobrang sayang makitang nagkakaganon siya.

Sobrang sarap sa pakiramdam na nakakaganti ako sa maliit na paraan sa taong sumira ng buhay ko noon.

1:30am na nang mapagdesisyunan naming umuwi na. Dahil dala naman ni Alliver ang kotse niya ay nauna na 'kong umalis.

Pagdating ko sa bahay ay nagshower ako agad. Pagkatapos ay dumirecho ako sa paghiga. Tinignan ko ang phone ko at himala na walang kahit isang text o tawag mula kay Brianna.

Mabuti naman , tahimik ang gabi ko ngayon.

—-

10:30am nang magising ako. Dalawang subject lang naman ang mayroon ako ngayong araw at mamayang hapon pa pareho 'yon kaya may oras pa 'ko para magpahinga.

Pero dahil nagising na talaga ang diwa ko ay hindi ko na magawang matulog ulit. Nag-ayos na ako ng sarili para makapag-breakfast na.

Pagbaba ko sa dining ay wala manlang tao. Malamang ay tulog pa ang maldita kong kapatid. Wala rin si Yaya.

Wala ring naka-prepare na breakfast. Mukhang importante ang lakad ni Yaya kaya hindi na nakapaghanda ng pagkain namin ni Pristen.

Kumuha na 'ko ng mga kakailanganin ko sa pagluluto. Marunong naman ako magluto kaya walang problema sakin.

Nagsimula na 'kong magluto. Hotdogs , tocino , eggs , fried rice at chicken adobo ang niluto ko para sa breakfast namin ni Pristen.

Nang matapos ako ay agad din akong naglipit. Kumuha ng sariling pagkain at umupo na. Hindi naman nagtagal ay bumaba na siya.

Mabuti nalang at hindi niya 'ko naabutan.

"Si Yaya?" tanong ng magaling kong kapatid habang papalapit sa table.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon