Cyriel's POV
Nagising ako sa ingay nang paghilik ng tatlong pugo. Nakapatong pa ang paa ni Nathan sa akin.
Bumangon na 'ko para mag-ayos. At doon ko lang nakita ang kwarto kong parang binagyo sa sobrang gulo.
Si Nathan ang nasa gitna namin ni Lawrence kanina , habang si Alliver naman ay nasa paanan namin nakatulog. Mabuti nalang talaga at malaki ang kama ko para magkasya kami.
Lasing na lasing ang mga walanghiya , lalo na si Alliver. Ngayon lang 'yan dahil pumayag akong maging driver kagabi. Kontrolado niya kasi ang pag-inom kapag dala niya ang kotse niya dahil siya ang driver nila Nathan at Lawrence.
Natatawang napailing nalang ako nang makita ang talampakan ni Lawrence na nasa mukha na ni Alliver.
Tinignan ko muna ang oras sa phone ko. 8:30am palang at 10am pa naman ang klase namin.
Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay bumaba na 'ko para magbreakfast. Naabutan ko naman si Yaya Salome na nagluluto ng pancakes.
"Good morning, Ya."
"Good morning din , anak. Nasaan na ang tatlo? Pasensya na , kakasimula ko palang magluto dahil naglaba pa ako."
"Okay lang ya. Humihilik pa naman sila."
Natawa naman si Yaya at naghanda na ng makakain ko. Inabutan niya rin ako ng kape bago bumalik sa pagluluto.
"Good morning, Yaya." paos na boses ni Pristen ang narinig namin. Maga pa ang mga mata niya.
"Magandang umaga rin , anak. Halika na, sumabay ka na sa kapatid mo." Umupo naman si Pristen sa harap ko. Halatang galing na naman siya sa matinding iyakan.
"Kamusta?"
Mukha namang nagulat siya sa pangangamusta ko.
"Seriously , kinakamusta ako ni Cyriel? Anong nakain mo?" natatawang tanong niya.
"Kamusta ang school? Not you, Miss Spoiled Brat." palusot ko nalang.
"Psh." umirap pa siya bago sumagot. Napakamaldita talaga! "It's fine. Magaling kasi ako."
"Make sure na totoo 'yan, Pristen Sabrina. Dahil kung puro kalokohan 'yang pinaggagawa mo, ako mismo magsasabi kay Lolo na hindi na dapat mapasayo 'yon."
Yes. I'm talking about the school na pinapasukan ni Pristen ngayon at pagma-may-ari ni Lolo. Dahil siya na nga ang magmamana non.
"Pwede ba, Cyriel? Hindi ako katulad ng tatlong 'yan." turo niya sa tatlong nagtatakbuhan palapit sa amin bago umirap.
"GOOD MORNING YAYA!"
"GOOD MORNING PRISSY!"
"GOOD MORNING CYRIEL MY DARLING , MY LOVE , MY WORLD!"
Dumirecho sila kay Yaya na hindi pa rin tapos sa pagluluto. Patagong natawa naman ako dahil sa itsura nilang tatlo.
Ang iitim ng mata at sobrang gugulo ng mga buhok nila na akala mo pinagtulungan ng sampung tambay sa kanto.
BINABASA MO ANG
Please Stay
Teen FictionPatrick Cyriel Baldovino. Isang napaka-gwapo, mayaman, matalino, Engineering student, model o 'almost perfect' na woman-hater na gagawin ang lahat ng pananakit para lang layuan ng mga kababaihan. Tahimik na ang buhay niya. Ngunit, magbabalik ang d...