Cyriel's POV
"Good morning, Cyriel." nakangiting bati ni Yaya sakin pagkarating ko sa dining room.
"Good morning din ya." bati ko pabalik kay yaya bago pagtuunan ng pansin ang kapatid 'ko. "Stop using your phone, Pristen Sabrina. Magbreakfast ka nga muna."
"Psh. Just mind your own business, Cyriel. Okay?" she said then rolled her eyes on me.
"I said stop using your phone." seryosong sabi ko.
"Hayaan mo nga ako Cyriel." sabi nya at tinuloy ang paggamit ng phone.
Nakatayo pa rin ako at nakatingin sa kanya.
"Pristen Sabrina Baldovino!"
"Ugh! Fine!" nakasimangot na sabi nya at nilapag sa table yung phone. "Happy now?"
"Yeah. Now, kumain ka na." I said then umupo na din para magbreakfast.
Sumunod naman siya sakin at nagbreakfast na. Sobrang tigas talaga ng ulo ng babaeng 'to. Well, di ko rin naman siya masisisi. At her young age na dapat si mom and dad ang nagg-guide sa kanya ay ako at si yaya ang gumagawa.
She's just 10 nang magstart sila mom at dad magpalipat lipat ng bansa dahil sa lumalaking business namin.
"Bakit hindi mo sinasagot phone calls nila mom?"
"I'm busy," pagdadahilan niya.
"You're not that busy, Miss Pristen," Halata kasi masyadong nagdadahilan siya. Totoo namang hindi talaga siya gano'n ka-busy. Ayaw niya lang talaga.
"Busy nga ako , okay? Kung gusto mo edi ikaw sumagot ng mga tawag nila , ibigay ko nalang sayo phone ko," Inis na sabi niya.
Little monster.
"Pwede ba tigilan mo ko sa pagsagot ng ganyan Pristen Sabrina?" Inis ding sabi ko. Sobrang hirap talagang disiplinahin ng batang 'to.
"Fine! Bye , gotta go." Umirap muna siya bago umalis sa harap ko.
"PRISTEN SABRINA WHERE THE HECK ARE YOU GOING?" Wednesday kasi ngayon at wala siyang pasok kapag gantong araw. Pinapakulo talaga ng batang 'to ang ulo 'ko. Parang yung isip batang babae lang na laging—-
Uh wait? Did I just mention her? Wtf , Cyriel? Nevermind that shit!
"NONE OF YOUR BUSINESS! BYEEE!" Sigaw niya din mula sa labas ng dining room.
Kahit kailan talaga ay sakit sa ulo ang kapatid ko.
"Hayaan mo na ang kapatid mo , namimiss lang niyan ang mommy't daddy niyo," Pagkausap sakin ni Yaya Salome habang nagaayos ng mga stocks ng pagkain namin.
Pasalamat nalang talaga kami ni Pristen dahil nandito si Yaya. Siya na yung kasama namin simula nang mga bata pa kami ni Pristen. Siya na yung tumatayong magulang namin habang wala sila mom at dad.
Kaya rin siguro mas malapit yung kapatid ko kay yaya. Siya kasi yung nagpaparamdam ng pagmamahal ng ina para samin ni Pristen.
"Napakamaldita talaga ng alaga mo Ya," Sagot ko habang nailing.
"Para talaga kayong aso't pusa. Hindi na kayo nagbago," natatawang sabi ni yaya.
Well yeah. Wala pa kaming matinong pag-uusap ni Pristen. Parati nalang kasi kaming nagtatalo o nag-aaway. Wala na kaming bagay na pinagkasunduan.
"And wala na talagang magbabago samin , Ya. Anyway, papasok na rin ako. Bye yaya!" Paalam ko bago mag-ayos ulit at umalis na.
"Si Cyrieeeel~!"
BINABASA MO ANG
Please Stay
Teen FictionPatrick Cyriel Baldovino. Isang napaka-gwapo, mayaman, matalino, Engineering student, model o 'almost perfect' na woman-hater na gagawin ang lahat ng pananakit para lang layuan ng mga kababaihan. Tahimik na ang buhay niya. Ngunit, magbabalik ang d...