Eight

40 5 0
                                    

Cyriel's POV

Nagising ako nang mag-ring ang phone ko. Unregistered number?

Hindi ko naman 'yon sinagot. Hindi ko naman kilala. Pero ilang saglit lang ay nagtext naman siya.

Hey, Cyriel. Good morning!

- Brianna

Pagkatapos kong mabasa ang text niya ay nag ring na naman ang phone ko. This time, sinagot ko na.

"Saan mo nakuha ang number ko?"

[Pinilit ko si Manager Cha na ibigay sa'kin ang number mo. Ayaw niya pa nga nung una dahil ayaw mo raw talagang may ibang nakakaalam ng number mo but because maganda ako, binigay niya] Narinig ko pa siyang tumawa. [I told you, Cyriel. Lahat ng gusto ko, nakukuha ko.]

Mukhang maganda rin naman ang ginawa mo, Bri. Tinutulungan mo talaga akong mapadali ang paghihiganti ko.

"So, anong kailangan ng isang Brianna Forteza sa akin?" Pinilit kong magkaron ng gana ang boses ko.

[Free ka ba this evening? I just want to hang out with you sana.]

Sinasabi ko na nga ba.

Brianna, Brianna, Brianna. Napakadali mo talagang makuha.

"Sure,"

[Yay! I'll text to you nalang kung saan tayo, okay? See you later!]

Tuwang tuwang sabi niya bago ibaba yung phone.

10am palang, mahaba pa ang oras ko para mapag-isipan ang mga gagawin ko sayo, Brianna.

Sunday ngayon at wala naman akong gagawin kaya pumayag na rin ako. Nag-ayos muna ako bago bumaba.

Nadatnan ko naman si Yaya at Pristen na nagkukulitan habang nagluluto. Ang sarap sa mata makitang masaya ang kapatid ko.

"Good morning, Yaya," bati ko at napatingin naman sila pareho sa'kin.

"Good morning, my little bitchy sister,"

"Well, good morning my napaka-walang kwentang Kuya," Sagot niya at inirapan pa ako.

Ganito lang talaga kami ng kapatid ko pero siya at si Mom ang pinaka-iniingatan ko.

"Nakakasira ng umaga mukha mo, Pristen," Pang-asar na sabi ko.

"Mas nakakasira ka ng umaga, Cyriel. Bumaba-baba ka pa,"

"Oh ayan na naman kayo," pag-awat ni Yaya. "Tumigil na,"

Binigyan ko lang ng pang-asar na ngiti si Pristen at inirapan niya lang ako ulit. Napaka-malditang bata talaga.

Pristen is only 17 years old while I'm 21. Pero kung maka-Cyriel lang sakin akala mo magkasing-edad lang kami.

Kumain na ako at umakyat na ulit sa kwarto ko pagtapos. Naglaro nalang ako ng video games dahil ito lang naman ang libangan ko. Hindi ako mahilig gumala o gumimik kagaya ng ibang lalaki.

Mas gusto kong manahimik nalang sa bahay para walang mga babaeng sisira ng araw ko.

I was about to sleep nang magsawa na 'kong maglaro. Pero hindi ko pa man naipipikit ang mata ko, may mga nambulabog na.

"Hello, Cyriel mylaaaaabs~"

"Wazzup party peopleeee!"

"Hey bro,"

Andito na naman ang tatlong pugo. Dire-direcho silang tumabi sa kama ko na parang bahay at kwarto rin nila ang pinasok nila.

"Ano na namang ginagawa niyo rito?" Inis na tanong ko bago itulak ang ulo ni Alliver na nakasiksik sa dibdib ko.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon