Eighteen

23 5 0
                                    

Cyriel's POV

"Ang pogi talaga ni Cyriel!"

"Super crush ko talaga sya girl!"

"Ow-em-jiiii! Ang hot talaga!"

Sa tuwing papasok ba 'ko ay kailangang ganto ang bubungad? Nakakasira ng umaga.

Dire-direcho lang ako sa paglalakad papunta sa room ko. 10am-3pm ang klase namin ngayon.

Nang makarating ako sa tapat ng room ay tumingin muna ako sa paligid. Nang masigurong wala ang lalong sisira ng araw ko ay nakampante akong pumasok sa loob.

Nadatnan ko ang tatlong pugo na nagkakantahan kasama ang mga lalaking kaklase namin. Si Alliver ang pinakamalakas ang boses samantalang si Lawrence naman ang gitarista nila.

"Wazzup brother dear!" Sabay sabay na bati nilang tatlo nang mapansin ako. Pinasa ni Lawrence ang gitara kay Elijah at lumapit silang tatlo sakin.

"Cyriel mylabidabs , may dala ako para sa inyo." sabi ni Alliver at may kinuhang box sa napakalaki niyang bag pero ballpen , powder at pabango lang ang laging laman.

"Samin? Saan 'yan galing?" tanong ni Nathan na kumuha na ng cupcake. Ganon din si Lawrence.

"Gawa ni mommy! Magsstart na kasi siya ng business." Inilapit sa'kin ni Alliver ang box at pinapakuha na ako. "Masarap to, promise. Kumuha ka na!"

Kumuha naman ako ng inaalok niya. Si Tita Alliana ang mom ni Alliver. Magaling talaga siya magbake. Tuwing nasa bahay kami nila Alliver dati ay puro homemade cupcakes at cookies niya ang kinakain namin.

"Ano , masarap no?" tanong sa akin ni Alliver. Nangalahati na ang kinakain ko nang sumagot ako.

"Masarap."

"Sabi ko na eh!" Tuwang-tuwa naman si Alliver at kumain na rin.

"Sabi ko naman kasi sayo masarap ang gawa ko eh." Isang pamilyar na babae ang lumabas mula sa grupo ng mga kaklase naming babae sa gilid.

Napakalapad ng ngiti niya nang magpunta na siya sa pwesto namin.

"Good morning, Mr. Simang!"

"Yieeee! Successful ang plano natin!" sabay na sabi ni Shantal at Alliver. Ang mga walanghiya , pinagplanuhan pala 'ko!

Napatingin ako kila Nathan at Lawrence na nagpeace sign lang sa akin. Alam din pala nila.

"Masarap gawa ni Shantal, diba Cylabs?" tuma-taas taas pa ang kilay na tanong ni Alliver.

Binalik ko sa kahon na hawak niya ang cupcake na kinakain ko bago sumagot.

"Hindi pa kasi ako tapos sa sasabihin ko." seryosong sabi ko. "Masarap itapon , napakawalang kwenta ng gawa mo."

Umupo na ako sa upuan ko samantalang nakapa-ikot silang apat sa'kin.

"We , masarap kaya sabi mo kanina! Nakalahati mo nga eh." nang-aasar na sabi pa ni Shantal. Tinitigan ko nga ng masama si Alliver. Dinamay pa sa kalokohan ang nanay niya!

"Tama ako diba! Masarap talaga ang gawa mo!" Sabi ni Lawrence na katabi na ngayon ni Shantal at inakbayan pa ito.

"A-aray!"

"Hala , bakit?"

"Wala hehe."

Baliw na yata siya. Uma-aray nang walang dahilan. Nagulat naman kami nang sumigaw si Alliver.

"Hala Shantal! Bakit ang laki ng pasa mo dyan?" Turo nito sa braso ni Shantal. Dahil sa pag-akbay ni Lawrence , natamaan 'yon at umangat pa ng bahagya ang manggas ng damit niya.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon