Three

63 6 0
                                    

Cyriel's POV

"Next pose!"

"That's good. Next pose please."

"One last shot. Good job. Okay we're done." sabi ng photographer habang tinitignan yung mga pictures ko.

Sinuot ko na ulit yung polo ko bago bumalik sa dressing room. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago lumabas ng studio. 

Saturday ngayon at tuwing wala akong klase, pagmo-model ko naman ang pinagkakaabalahan ko.

Dumirecho ako sa isang coffee shop. Gusto ko magrelax.

After ko umorder, humanap na 'ko ng pwesto.

I was busy checking my facebook account nang biglang may umupo sa katapat kong chair.

"Hi!" Energetic na bati ng babaeng bigla nalang sumulpot sa harap ko.

I didn't bother to greet her back.

"Mag-isa ka lang?" Patuloy na pag kausap nya sakin. Isn't it fvcking obvious? What a stupid question.

"Wala kang girlfriend?" tanong niya ulit. "Oh baka kakabreak niyo lang tapos busy ka sa pangs-stalk sa kanya?"

I gave her a death glare.

"Bakit ganyan ka makatingin? Para mo 'kong kakainin." sabi niya bago itakip sa mukha niya yung hawak niyang paper bag .

"Leave me alone."

"Bakit? E nakakaawa ka eh. Ikaw lang mag-isa, sasamahan nalang kita hehehe."

Nakakaawa? The fvck.

"I don't need anyone. Hindi kita kilala at mas lalong hindi kita kailangan kaya umalis ka sa harap ko."

"Hala, grabe ka naman. May problema ka ba?" Bakas sa mukha niya ang kuryusidad. "Sabihin mo sakin, gagawin ko ang best ko para matulungan kita! Pero kung hindi, atleast mapakinggan manlang kita." sabi niya nang hindi nawawala yung ngiti sa labi niya.

Nakakairita yung ngiti niya.

"Alam mo, sabi sakin ng tatay ko na mas mabuti daw i-share sa iba kapag may prob---" tuloy tuloy siya sa pagsasalita pero hindi ko na siya pinatapos.

"Problema ko? Ikaw. Hindi ka ba makaintindi? Wala akong pakialam sayo o sa tatay mo. Leave me alone, okay?"

Alam kong masyadong masasakit yung mga sinasabi ko sa kanya. But she still managed to smile.

What the hell? Seriously, hindi ba talaga mawawala yung ngiti niya?

"Gutom lang yan, hehehe. Gusto mo ng cake? Masasarap yung cake dito." nakangiti pa rin niyang sabi. Tinawag niya yung isang staff at pinalapit samin.

"Oh Shantal. Bakit di ka pa umuuwi? Tapos na shift mo diba?" tanong ng kakalapit lang na staff sa babaeng pinaglihi ata sa kakulitan. So, nagtatrabaho siya dito?

Oh c'mon. As if you care, Cyriel.

"Mamaya na bes, wala kasi siyang kasama. Nakakaawa naman eh." sabi niya bago ako ituro. This girl is getting on my nerves. Ugh.

"Ay sir, sorry po. Kinukulit po ba kayo nitong best friend ko? Pagpasensyahan niyo nalang po." sabi ng baklang staff bago hilahin yung bestfriend niya. "Bes, halika na. Mukhang badtrip si sir." bulong niya pa pero parang wala lang sa kausap niya.

"Eh? Gutom lang ata yon hehe. Di ka ba naaawa sa kanya, ang lungkot kaya kapag mag-isa."

Tumayo na 'ko at hinayaan silang dalawa na mag-usap doon.

Kung ayaw niyang umalis, ako nalang ang aalis. 

"Oy sir!" tawag niya pa sakin but I just ignored her. Panira siya ng araw.

Pumunta na 'ko sa parking lot at nagdrive pauwi.

---------


"Oy bro! Tuloy ka, 'wag ka mahiyang pumasok."

"Oh? Badtrip ka na naman?"

"Why you mad bebe boy?"

Napabuntong hininga nalang ako nang makita yung tatlong baliw na nakahiga sa kama ko habang naglalaro ng video games.

"Tabi dyan!" Tulak ko kay Alliver bago umupo sa kama ko at nagtanggal ng sapatos.

"Anong problema bro? Bakit salubong na naman kilay mo?" tanong ni Nathan habang naka-focus yung tingin sa nilalaro.

"Babae? Don't tell us na nabasted ka?" nanlalaki matang sabi ni Alliver.

"Gago. Wala akong panahong manligaw." sagot ko bago siya batuhin ng unan.

"Eh bakit nga?" Hindi lang talaga sila mga siraulo, mga chismoso rin.

"Ano bang madalas na dahilan ng inis ko?"

"Woaah. Gwapo talaga, andaming nagkakandarapa para mapansin mo bro!" Nakangising sabi ni Lawrence.

"Tss."

Pinatay ko yung screen para matigil sila sa paglalaro.

"Bro naman eh, mananalo na 'ko eh." Pumapadyak pa na sabi ni Nathan.

"Hindi kayo ang nagbabayad ng kuryente namin. Bakit ba nandito na naman kayo?"

Umayos silang tatlo nang upo at nagsikain naman. Sobrang kalat ng kwarto ko, mga walangya talaga.

"E kasi naman, wala kaming mapuntahan." Sagot ni Lawrence.

"Kaya dito na naman kayo mambubulabog!" sabi ko. "Nakita nyo yung magaling kong kapatid?"

"Si Pristen? Nakita niyo bro?" tanong din ni Alliver kila Nathan.

"Hindi bro, ikaw nakita mo?" tanong ni Nathan kay Lawrence.

"Hindi eh, ikaw nakita mo?" tanong ni Lawrence sakin.

"Mga gago!" Nakakabaliw sila kausap. Nagtawanan naman sila sa kalokohan nila.

Natigil sa tawanan yung tatlo nang biglang may kumatok.

"Come in." Pumasok naman agad si Yaya. 

"Hello yaya!"

"Kamusta po? Gumaganda ka ah."

"Ang tagal ka na naming hindi nakita ya." Sunod sunod na sabi ng tatlong pugo.

"Namiss nyo 'ko agad? E kakakuha niyo lang ng pagkain sa baba." Natatawang sabi ni yaya.

"'Wag mo nang intindihin ang tatlong siraulong 'to, ya. Bakit pala?" tanong ko.

"Tumatawag ang mommy mo. Gusto ka raw makausap."

I just nod at yaya at bumaba na para sagutin si mom.

"Hey, mom." I said over the phone.

[Hey, son. I miss you.] Bakas na sa boses ni mom ang lungkot. How I miss her so much.

"I miss you too mom. Bakit ka po napatawag?"

[Mangangamusta lang. Are you and our Princess Pristen alright? We miss you so much.]

"Yeah. We're okay mom. Pristen misses you so much too."

[Is she with you? I wanna talk to her. She's not answering my calls.] Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong malungkot talaga si Mom. Base sa mga kinikilos ng kapatid ko ay alam kong nagtatampo talaga siya kila Mom at Dad.

"Nah, she's not here Mom. But I will tell her to talk to you when she got home later."

[Okay, thank you son. By the way, hindi pa kami makakauwi ng dad niyo. Masyado pa kaming busy dito sa Singapore.] Masyado kasing workaholic sila mom at dad kaya bihira na talaga sila umuwi dito samin. 'Yan ang reason kung bakit nagtatampo si Pristen sa kanila.

"I understand mom. Take care always, okay?"

[Kayo rin ni Pristen dyan. I love you both. I have many paperworks to do pa, kailangan ko na bumalik sa trabaho. Bye, son.]

"Okay mom. I love you too, bye." 

Yes, I hate girls.

But I love my mom and my sister more than myself.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon