Twenty-One

20 3 0
                                    

Cyriel's POV

Dalawang araw na ang nakalipas nang makita ni Brianna si Alliver. Hindi naman siya nakahalata tungkol sa amin.

Wala pa rin ang matandang professor namin na laging late - si Prof. Alvarez. 10am ang klase niya sa amin at 10:30am na kaya naman pakalat kalat na ang mga kaklase namin.

"Grabe talaga! Kasalanan 'yon ni Brianna eh!" nagmamaktol na sabi ni Alliver. Hindi pa rin niya makalimutan ang kahihiyang nangyari sa kanya last time.

"Hahahahaha! tawag ka ni Prof. Santos, Alliver!" pang-asar naman ni Nathan.

"Ihh! Kasi naman eh."

"Ang cute mo talaga, Alliver! hahahaha!"

Nagtawanan lalo sila Nathan, Lawrence at Shantal sa reaction ni Alliver. Para kasi siyang batang hiyang hiya.

Nang magpunta kasi rito si Brianna two days ago ay nataranta raw si Alliver na baka makita siya ulit ni Brianna nang masilip niya na malapit na 'yon sa room namin. Sa kabilang pinto siya dumaan at lumabas pa siya ng room.

At kaya pala siya nawala non ay dahil pumasok siya sa kabilang room - na may nagdi-discuss na prof. Which is si Prof. Santos.

Lahat daw ng nandon sa kabilang room ay nakatitig sa kanya at takang-taka kung bakit may biglang pumasok sa room nila at naki-upo pa raw siya.

Sinermonan daw siya ni Prof. Santos at pinalabas. Kaya ayun , hiyang-hiya ngayon ang loko.

"Wait lang, Shantal. Ikaw tawa ka nang tawa dyan ha!" natuon naman ang atensyon namin kay Shantal. "Bakit, ikaw ba walang kahihiyan sa school ngayong taon?" natatawang tanong ni Alliver.

"Ha? Ah... Hindi na kasi ako nag-aaral eh." May bahid ng lungkot sa mukha at boses niya nang sabihin niya 'yon. Parang bigla naman akong naging interesado makinig sa kanila. "Hanggang 4th year highschool lang ako. Hindi ko na naranasan makatungtong ng college dahil wala naman kaming pera hehe."

Kung kanina ay may bahid lang ng lungkot , ngayon ay kitang-kita na sa mukha niya ang matinding kalungkutan.

Nang makita ko 'yon ay may parte sa akin na parang gusto siyang lapitan at pagaanin ang loob niya.

Wait.

What did I just said?

What the hell is wrong with you, Cyriel? Hindi ba ay wala ka dapat pakialam sa kahit sinong babae aside from your mom and sister?

Napailing nalang ako sa naisip at binalik ang atensyon sa kanila. Kitang kita rin ang awa sa mukha ng tatlong pugo para sa kaibigan nilang si Shantal.

"At dahil nga hirap kami sa buhay, nagtatrabaho na 'ko. Para rin makatulong ako kay Tatay Eddie," ngumiti siya pero nagsimula nang mamula ang mga mata niya. "Bata palang kasi ako nang mamatay ang nanay ko dahil sa sakit. Kaya simula non, si Tatay na ang mag-isang bumuhay sakin."

Pinunasan niya ang mata niya at ngumiti. Sa ugaling mayroon siya ay ganon pala ang hinaharap niyang problema.

Napakatatag niyang babae.

"Kaya nga gustong gusto kong sumasama kay Tatay dito, para maranasan ko manlang ang makapasok sa isang university!" tumawa pa siya pagkatapos non. "At inggit na inggit ako sa inyo kasi konting panahon nalang, matutupad niyo na pangarap niyo. Pero proud ako sa inyo!"

Sa pagkakataong 'yon , may luha ulit na pumatak mula sa mga mata niya. Niyakap siya ng tatlo para damayan siya.

Kinuha ko ang bag ko at inilabas ang isang panyo. Inabot ko 'yon sa kanya.

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon