Seven

39 5 0
                                    

Cyriel's POV

"Cyriel, this is Brianna, ang bago kong alaga!"

Brianna , napakalupit talaga ng tadhana.

Wala ka pa ring pagbabago.

Maganda.

Maputi.

Matangkad.

Sexy.

Babaeng pagkakaguluhan talaga ng mga lalaki.

Pero ang babaeng 'to, siya ang dahilan kung bakit ako naging ganito.

"Hi, I'm Brianna! Brianna Forteza," nakangiti siya at akmang bebeso sa'kin pero umiwas ako. Nagulat naman siya sa ginawa ko at nag-patay malisya nalang. "And you are?"

Ilang segundo pa 'kong nakatitig lang sa kanya. Pero hindi titig ng pagkamangha, titig na puno ng galit, inis at sakit.

"Cyriel," walang emosyong sagot ko. Natigilan siya sandali pero natawa rin pagkatapos. Tinignan ko siya na nagtataka, mukha namang na-gets niya.

"Oh, sorry. May naalala lang ako from my past sa name mo," maarte at natatawang sabi niya pa.

"Ex?"

"Oh no, I don't consider him as my ex! He's just nothing but a piece of trash."

Piece of trash. Talagang kahit kailan ay hindi ako naging importante sayo, Brianna. Basura lang ang tingin mo sa akin. Ang lakas ng loob mong sabihin sakin ng harapan 'yan.

"Don't mind him na. We're here for our work," Pagkatapos ay kumapit siya sa braso ko at nang-aakit ang mga tingin niya.

Base sa mga kinikilos at sinasabi mo, nakakasigurado akong hindi mo nga ako nakikilala. Dahil sayo 'to Brianna. Ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon.

Aalisin ko sana ang pagkaka-kapit niya sa braso ko kagaya ng ginagawa ko sa ibang babae pero hindi ko tinuloy. Dito na magsisimula ang paghihiganti ko, Brianna. Pagsisisihan mong nagtagpo ulit ang mga landas natin.

"Omg! Bagay na bagay kayo!" Tuwang tuwa na sabi ni Manager Cha habang nakatingin sa amin. "Pumwesto na kayo, dali! Mags-start na!"

Tinulak tulak pa kami ni Manager Cha. Nagsimula na nga ang photoshoot.

Masyado kaming malapit sa isa't-isa sa lahat ng picture , kaya natutuwa lalo ang mga nanonood. Halata naman sa mga ikinikilos ni Brianna na nagpapakitang gilas siya-- sa akin. Kilalang kilala ko ang babaeng ito. Gagawin niya ang lahat ng pang-aakit sa mga natitipuhan niya.

"Nice pose!" comment ng photographer. " Now, look at each other,"

Tumingin naman agad si Brianna sakin habang nakalagay sa batok ko ang kamay niya. Kitang kita ko sa mga mata niya na talagang naaattract siya sakin. Bakit ka ganyan ngayon, Bri? Binabasura mo lang ako dati, diba?

I smirked. Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa bewang niya at inilapit pa lalo sa akin. Napangiti rin siya dahil sa ginawa ko.

"Great!" Yun nalang ang nasabi ng photographer at tinignan na ang mga shots. "Okay, we're done!"

Lumapit naman samin si Manager Cha at ngiting ngiti sa mga nakita niya.

"Congrats guys! Sobrang bagay talaga kayo!"

"Thankyou, manager. Professional model na pala talaga 'tong alaga niyo ha," Sabi ni Brianna at tumingin pa sakin.

"Well, nagmana sa manager," natatawang sabi ni Manager Cha. "Osiya, maiwan ko na kayong dalawa. May mga aasikasuhin pa ako," nakipagbeso pa siya saming dalawa. "Bye guys!"

Please StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon