Bumungad sa akin ang isang magarang mansyon pagpasok ko pa lamang ng gate. The style of the mansion is screaming with luxury and price. Hindi mo aakalaing may ganito pala talaga. I've been on a mansion once, but not this beautiful. All I can say, sa unang tingin mo pa lang mapapansin mo na kaagad kung gaano karangya ang naninirahan doon.
"Dito po, Ma'am." Nawala ako sa pag-iisip nang magsalita ang security guard sa akin.
"Maraming salamat po." I greeted the security guard at tsaka naman ito gumanti ng tango at ngiti sa akin.
I went on the front of the mansion and one of the maids saw me. She immediately came and asked me something.
"Ayy, Ma'am kayo po ba yung bisita nila Sir Raul?"
Tumango ako sa babae. Ngumiti ito sa akin at iginiya ako papasok sa loob ng mansyon.
Masyadong marangya ang mansyon. Bukod sa mga nagkikinangang chandelier at magandang interior ng bahay, mukhang mamahalin din ang mga muebles doon. Dagdag pa ang kagamitan doon na taon pa ata bago ko kitain ang halaga.
My employer is that rich. Just wow. Hindi siguro magiging mababa ang sahod ko dito. Kailangan ko na kasing mabayaran ang renta ko sa condominium. Ilang bayad na lang kasi at mapupunta na ang titulo noon sa akin kaya pinagsisikapan kong makapagbayad ng maayos.
Nalibang ako sa pagtingin hanggang sa makarating kami sa kusina. Hindi ganoon kahaba ang mesa pero makikita sa ibabaw ang nakahaing maraming putahe. Napatingin ako sa mga nakaupo at ganoon din sila sa akin.
"Who are you?" A guy asked me. Nakasalamin ito pero agad din itong ngumiti sa akin.
Hinanap ko ang presensiya ni Sir Raul at Mam Agnes at nakita ko ang pagkagulat nila sa pagdating ko.
"Hija, bibisita ka pala ngayon! Bakit hindi ka nagsabi kaagad? Dapat nagpaluto pa ako ng maraming putahe!" Napatayo si Ma'am Agnes dahil sa pagkamangha sa pagdating ko. Lumapit ito sa akin at tsaka yumakap.
"Kumain ka na hija. Halika, upo ka rito." Hinila ako ni Ma'am Agnes kaya wala akong nagawa kundi umupo. Kumain na ako pero sige na, nakakahiya kung tatanggi ako.
Nahihiya akong ngumiti sa kanila. Nilibot ko ang mata ko at nakita ko ang isang lalaking nakatingin ng matiim sa akin. Agad din itong nag-iwas ng tingin sa akin.
"Sino siya Dad?" The guy with the eyeglasses asked Sir Raul.
"She'll be our firm's accountant, hijo." Ma'am Agnes said.
"Talaga, Dad? May accountant na naman po tayo ah--
"She'll handle one of our enterprise. At isa pa, nirecommend siya sa akin ng kapatid mo. She even topped the board exam, papakawalan ko pa ba?" Humalakhak si Sir Raul at naiilang akong ngumiti sa kanilang lahat.
Muli akong napatingin sa lalaki sa harap ko. Hindi siya galit. Tila kinikilatis ako. Umiwas ako ng tingin dahil sa pagkapahiya.
"Hi, nice to meet you." Ngumiti sa akin ang lalaking naka-eyeglasses. Sabi sa akin ni Astrid, dalawa ang kapatid niyang lalaki.
Ngumiti lang ako. Subalit ang isa ay mariin pa ring nakatingin sa akin. Hindi ba siya nakakapagsalita? Mabuti pa ang isang kapatid niya at marunong magpakilala.
"Siya nga pala, hija. I want you to meet my sons. Eto si Benedict, bunso namin. And then ang aming panganay, si Trion." Tumango lang sa akin ang lalaking nagngangalang Trion.
He's got this intimidating aura. Nakakatakot siya sa unang tingin. Gwapo ang magkapatid but Trion has this aura na medyo misteryoso. But who cares anyways?