Chapter Thirty

11.7K 278 99
                                    


"Mag-iingat ka doon, anak ha? Bibisitahin mo kami." Sabi ni Tatay Fred. Mahigpit kong niyakap ang mag-asawa. Nasa gilid nila si Helen na nakalukot ang mukha.

"Ang daya mo, aalis ka na kaagad. Tsk." Binalingan ko si Helen na nakasimangot. Tinawanan ko siya at saka siya niyakap.

"I told you my reasons, Helen." Sagot ko.
Sinabi ko kasi sa kanya ang lahat ng plano. Sinang-ayunan naman niya subalit nalulungkot siya dahil magkakalayo kaming magkakaibigan.

"Oh basta, ingat ka doon ha? Bumalik ka dito kapag gusto mo. Welcome na welcome ka lagi rito." She said. Tumango ako.

"Tay, alis na po kami." Paalam ni Trion. Tumango lang sila at saka kami kinawayan habang pasakay ng bangka na papalaot na rin.

It was a cold dawn when we decided to leave the island. Isang sasakyan ang naghihintay sa amin pagkarating namin sa pier. Kinabahan kaagad ako sa isiping babalik ulit ako ng Manila. Paano kung makita ko ulit si Laura? Ano na nga bang estado ng buhay niya?

"You have your own condo unit. At madalas naglalagi ako roon kapag naiisip kita." He said when he started the engine. Nakikita kong may gusto siyang sabihin sa akin pero mas pinili kong ibaling ang ulo sa bintana para umiwas sa usapan.

Bahagya akong ilag sa kanya ngayon at idinadahilan ko lang sa kanya na masakit ang ulo ko.

"Are you mad?" He held my arms. Mukhang problemado siya at tila nag-iisip kung anong problema.

"Mad? Saan? Bakit ako magagalit?" Nagtataka kong tanong.

"Because we.. I mean.. I think I took advantage of you last night. Hindi ko na napigilan ang sarili ko." He gently said. Natunaw ang kung ano mang bato sa puso ko sa paraan niya ng pagsasalita.

"I'm not mad. Pagod lang ako." Matipid kong sagot.

He sighed heavily still caressing my hands while carefully driving. Hindi na lang ako nag-react doon.

It was very late nang nakabalik kami ng Manila. The atmosphere is very different. Agad akong naluha nang makita ang unit ko na halatang inalagaan. Nandoon ang mga gamit ko. Nadagdagan ng furnitures at parang may nakatira talaga dito kahit nawala ako ng ilang taon.

"Sorry, I used to sleep here lalo na nung panahong hindi kita matagpuan." He felt very sad admitting those. Wala akong masabi. Lalo akong nahihirapang magdecide. Talaga bang kakalimutan ko siya or ano? Mag-isip ka nga, Lerou!

"That's why I used to make this place alive. At least, thinking that you used to live here comforts me. Hindi ako gaanong nangungulila." I noticed the picture frames. I noticed some of his stolen shots. Napatingin ako sa kanya. Kinukuhanan niya ako ng litrato dati pa?

Tila nakatunog siya sa iniisip ko kaya inunahan na niya ako.

"I put your pictures in frames so I can look at it before I sleep." Mas lalong bumigat ang puso ko. Why are you making this hard for me to let go, Trion?

Pumasok ako sa kwarto. Nandoon lang siya sa likod ko at nakasunod lang sa akin. I was about to open the lights pero naunahan na niya ako. Nandoon ang mga larawan ko sa wall ng kwarto. Each picture was highlighted by lightings na nagpaganda lalo sa kwarto. Naiiyak ako. Ganito ba ang ginawa niya sa loob ng ilang taon?

I held back my tears. Napaupo ako sa kama pero lumapit siya sa akin.

"You should rest." Naalala ko ang ganitong scenario. Inihatid niya ako sa kwarto noon pagkatapos kong makatulog pero dahil sa kakaibang pakiramdam ko ngayon, mukhang hindi ko siya hahayaang umalis.

Hinila ko ang mga braso niya. Napalakas ko iyon kaya bumagsak siya sa kama, sa gilid ko. Dinaluyong ko siya ng halik at naramdaman ko ang pagkagulat niya doon.

Ignited By Passion (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon