Malakas ang tugtog pagpasok namin sa bar unlike nung huling punta ko rito. Siguro ay dahil business ang event nung pumunta ako kaya hindi maingay. Taliwas naman ngayon. Sobrang ingay at panay hiyawan agad ng mga tao ang maririnig pagpasok.
Nakita kong nakikisabay na rin si Reese sa sayaw habang papasok kami. Reese is an outgoing person kaya hindi ako nagtataka kung bakit mahilig siya sa party.
"Make sure to entertain someone. Hindi pwedeng zero ang lovelife mo. Tatanda kang dalaga." Tumango na lang ako para tumigil na siya sa kakasermon sa akin.
Umupo kami sa unoccupied na sofa. Hindi crowded sa pinuntahan namin dahil medyo malayo sa bahaging ito ang dance floor kung saan nandoon ang karamihan ng tao. At dahil high class ang bar na 'to, mga kilalang tao ang nakikita ko. May nakita pa akong isang modelo at maging ilang politiko. Big time din talaga ang kaibigan ko at grabe kung makawaldas ng pera.
Nagtawag si Reese ng waiter para umorder ng alak. May sinabi siyang particular na brand pero hindi ko iyon gaanong narinig dahil sa lakas ng tugtog.
"Make sure na iinom ka ha? Wala ng atrasan 'to. Para sa lovelife kong walang kwenta, hooooo!" Sumigaw si Reese at bahagya akong natawa sa kabaliwan niya.
Di nagtagal at dumating na ang waiter dala ang alak namin. Mabuti at nagkakarinigan kaming dalawa ni Reese kahit papaano kahit masyadong maingay ang music.
Nakailang shots na si Reese pero alanganin pa ako. Sobrang takot akong malasing. Ayoko talagang nalalasing. This is not my thing.
"Alam mo ba kadalasang sa bar na ito pumupunta 'yong mga piloto galing sa company natin?" Kinikilig na sabi ni Reese.
Lumukob ang kaba sa dibdib ko. Baka makita ko rito si Trion?
What a nonsense. Imposible ang iniisip ko.
"Paano mo naman nalaman?" Sabi ko habang pinipilit itago ang kabang nararamdaman.
"Sabi nung isa sa finance department. Nagpunta raw dito once. Tapos nakita daw nila doon 'yung group of pilots na magkakasama rito. 'Yung grupo nila Vladimir!" She giggled.
Who the hell is Vladimir?
"Uhhh.. Sino naman si Vladimir?" Nagtataka kong tanong. Out of place ata ako. Wala akong kilalang piloto sa airline. Great. Hindi ko naman kasi sila nakikita.
"Duh? You don't know him? Siya yung pilot na matagal ko ng crush. But the thing is malapit na ata ang engagement so maghahanap na lang ako ng panibagong pagpapantasyahan." She said full of hope.
"Ahhh..." Wala na akong masabi because hindi na bago sa akin ang pagiging mahilig ni Reese sa lalaki.
"Wala ka bang kilala na nasa aviation group?"
She asked again."M-Meron. Pero sa mukha lang. Hindi ko kilala ang pangalan." I said to end the conversation.
Ininom ko ang basong nilagyan niya ng alak at napapikit ako sa pait ng lasa niyon. Damn."Wow. You're improving." Humalakhak si Reese.
Nangangalahati na kami sa bote when Reese decided to go to the dance floor. Masyadong hyper si Reese. Pinipilit niya ako sumama sa dance floor pero ayoko sa mataong lugar. Dahil hindi niya ako napilit ay siya na lang ang pumunta doong mag-isa. Hindi ko siya pwedeng pigilan because this is what she wants.
Naiwan akong mag-isa doon. I even checked my phone pero bahagya ng umaalon ang paningin ko.
I stayed there for a few minutes until I heard a group of voices. Binuksan ko ang mata ko. May matatangkad na lalaking umupo sa kalapit na sofa but I'm too exhausted to even recognize them.