"What? Hinatid ka ni Trion? Mygosh!" Reese almost screamed sa kabilang linya.
Tumawag ako kay Reese pagkarating namin sa condo na tutuluyan namin. The bad thing is hindi ko kasabay si Reese sa flight dahil may inasikaso pa siya sa opisina. So that's the reason kung bakit ako nauna rito sa Cebu.
"O-Oo.." Medyo kandabulol ako sa pagsasalita. I saw Trion looked at me kaya umiwas ako. Hindi pa siya umaalis dahil mukhang kinakabisado pa niya ang itsura ng condo ko.
"Hayy swerte talaga ng friend ko. Bye na muna. Ingat ka dyan ha? Tsaka alam mo na.. Wag kang gagawa ng kalokohan ha, bruha ka!" Reese said. I just laughed at her and then turned off the call.
"Who's that?" Trion asked habang lumalapit sa akin. I immediately hid my phone.
"Uhhh.. si Reese." Sabi ko.
"Your friend? Siya ba ang makakasama mo rito?" He asked me.
"Oo.." Tumango ako.
"Alright. Hmm.. I ordered food. Dito na lang tayo kakain." He smiled at me at agad akong umiwas.
Grabe talaga. Why is hanging around with me? Kabadong kabado ako palagi kapag nandyan siya!
"I think I'll have to stay more often here in Cebu." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Hello? Ano namang dahilan?
"Huh?" Kanina pa akong walang masabi ano? Ang hirap gumawa ng conversation kasi nahihiya ako.
He chuckled at me. Ang awkward!
Nang makarating kami dito sa tutuluyan kong condo, napapansin kong panay ang titig niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito! Hindi naman siya ganito dati!
"Are you comfortable here?" He asked instead. Mabuti na lang at iniba niya ang usapan.
"Oo. Ayos naman 'to para sa akin."
We are going to stay at Azon Residences. Malaki ang condo. Malinis at mukhang secured. And malapit din sa airport kaya wala akong magiging problema kapag pupunta ako sa trabaho.
"Uh-huh? Why do it feels like you're very uncomfortable when I'm around?" He asked. I saw his intense stares again. I looked away as usual. Naaalala ko naman ang paghawak niya kanina sa kamay ko.
I was about to answer when the doorbell rang. Yes! Saved by the doorbell!
"Yung order mo yatang pagkain.." Tumikhim ako. He just chuckled at tsaka tumalikod para kunin ang inorder na pagkain.
Tahimik lang kaming kumakain. It feels very awkward lalo't kami lang dalawa. Hindi lang talaga ako sanay na may kasama. And to the extent, na kasabay ko pa ang lalaking 'to. I'll die because of heart attack.
"So tell me, ayaw mo pa rin ba sa pilot?" Halos masamid ako sa kinakain. Seryoso? Di talaga siya titigil sa piloto na yan?
I looked at him. Alam kong pinaglalaruan lang niya ako sa mga tanungan niya. Hindi kaya.. Alam niya ang nararamdaman ko para sa kanya? Oh my gosh!
"Ayoko pa rin. Kahit anong mangyari." Straight kong sabi.
"Oh yeah?" Halos mamula ako sa pagkapahiya. Tila iniinsulto niya ako sa sinasabi niya. Bwisit talaga 'to!
"Right. Kapag piloto kasi, laging nasa himpapawid. Walang time para sa magiging girlfriend. Bakit pa ako magtitiyaga sa piloto kung ganoon? Marami naman dyang iba." Simple kong sabi. I said that casually okay. Deep inside, kabado na talaga ako.
"Should I resign, then?" He asked very gently.
Shit shit shit.
"Bakit ka magreresign? Ang ganda na ng career mo. Don't play around. " Nilabanan ko siya ng titig. He smiled but then he shrugged. Nagulat ako nang tumayo siya at tsaka tumabi sa akin. Kinakabahan ako na kaharap ko siya kanina tapos tumabi pa siya ngayon!