Matiim ang mga titig niya sa akin habang nakatungo ako at nakaupo sa may sofa. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Kanina pa kaming tahimik at nagpapakiramdaman lang kaming dalawa.
"So tell me, Lerou.. Anong dahilan at sinalubong mo akong umiiyak?" He broke the silence.
Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Nananatili akong tahimik. Nakatingin ako sa sahig kaya hindi ko alam kung anong expression ng mukha niya.
Umakyat ang mga mata ko sa kamay niya. May benda iyon. May sugat nga siya kung ganoon!
"Bakit ka may sugat?" Mahina kong tanong. Doon na ako tumunghay. I met his stares. He's wearing a grim expression. Matiim ang titig sa akin at tila hinihintay ang sagot ko.
"Answer me first. Why were you crying?" The tone of his voice were very somber. Tila hindi siya papayag kung wala akong maibibigay na sagot.
"A-Ano.. Uhhmm.." Nakatingin ako sa sugat niya. Hindi ako mapalagay! Bakit siya may sugat? "N-Namiss lang talaga kita.." Wala na akong pakialam kung anong isipin niya sinabi ko. Ang importante sa akin ngayon ay kung bakit mayroon siyang sugat at kung anong nangyari sa kanya.
"Really, Lerou.." Malamig niyang tugon.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Ang mga mata ko ay nananatili sa mga sugat niya. Umupo ako sa gilid niya. Tila nagulat siya sa ginawa ko.
"Uhmm.. Pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit may sugat ang kamay mo?" Tila may sariling utak ang mga kamay ko. Kinuha ko ang mga kamay niya at marahan ko iyong hinaplos. Masakit siguro ito. May bakas pa ng dugo sa kanyang mga kamay.
Tumingala ako. His jaw were already clenching. Nilabanan ko siya ng titig. Gusto kong malaman kung bakit may sugat siya!
"Sabihin mo na sa akin kung bakit meron ka nito, please.." Nagsusumamo ang mga tinig ko. He then closed his eyes and muttered a curse.
"I.. Uhh.. May naging problema lang kanina sa engine.. Humingi lang ng tulong 'yung isang engineer sa akin after my flight. It's just an accident so.." Hindi na niya maituloy ang sasabihin. Tila hirap na hirap siya sa pagsasalita.
Lumambot ang puso ko sa sinabi niya. I was finally relieved na hindi siya ang pilotong nasaktan!
"Kung ganoon, sino iyong pilotong na-injured kanina nung nagkaroon ng problema sa landing? Nag-alala ako.. A-Akala ko ikaw iyon.." Muling nagtubig ang mga mata ko dahil sa pag-aalala. His eyes changed. Hindi na siya galit bagkus ay napalitan iyon ng pag-aalala.
"Si Zephyr iyon.. He's safe now. I went to visit him and I went straight here.." Paliwanag niya.
Nag-init ang puso ko dahil doon. I want to check if he's really okay kaya sumampa ako sa sofa kahit hawak ko ang kaliwang kamay niya. I kneeled on the sofa. Marahan kong binitawan ang kamay niya.
"Humarap ka sa akin.." His face were asking kung bakit ako ganito pero sumunod siya sa akin. Humarap nga siya sa akin. Now, I have a clearer view of his face. Ngayon ang unang pagkakataon na mahahawakan ko ang buong mukha niya.
I held his face. Nakatitig lamang siya sa akin. Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. Walang bakas ng sugat ang kanyang mga mukha. When I held his jaw, that's when I felt the roughness of his growing stubbles.
"Wala ng masakit sa'yo?" Marahan kong sabi.
Pumikit siya. Tila nahihirapan.
"Uhhmm.. May masakit pa? Alin ang masakit, Trion.." Mahina kong sabi. Dumako ang kamay ko sa kanyang mga buhok. I gently brushed his hair. Tila wala naman siyang sugat sa bandang ulo.
![](https://img.wattpad.com/cover/126775446-288-k775787.jpg)