Chapter Two

15.8K 357 54
                                    

Malawak ang lupain ng mga Dela Vega. Nilibot ko ang buo kong paningin sa kanilang hacienda. Ang lupaing pag-aari nila ngayon ay pinagkakakitaan din nila. Mayroon silang fish farm at taniman din ng mais. Kung susumahin, iba iba ang paraan nila ng pinagkakakitaan.

Magaling maghawak ng negosyo sila Sir Raul. Bukod sa maayos na sweldo sa mga trabahador, mabait ang kanilang pakikitungo sa mga ito. Muli akong napahanga dahil sa kabaitan ng pamilya nila.

"Ano sa palagay mo, hija?"

"Balak niyo po talagang ibenta? Maganda naman po kapag in-estimate ang market value ng lupain ninyo. Pero sa sarili ko pong opinyon, mas makakabuti po na hindi na muna ibenta. It's an addition po sa inyong asset lalo't maganda naman po ang kita ninyo sa farm." Nakangiti kong sabi kay Tita Agnes.

"Ganoon ba hija? Pag-iisipan naming mabuti kung ganoon." Nakangiting sabi sa akin ni Tita Agnes.

Kasama ko si Tita Agnes sa lupain niya dito sa probinsya. Babalik din agad kami sa syudad dahil tiningnan ko lamang ang lupain na pag-aari nila.

"Hija, may boyfriend ka ba?" Natigilan ako sa tanong ni Tita Agnes. Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan nila at pabalik na kami sa mansyon.

"Huh? Wala po." Naiiling kong tugon.

"Talaga? Bakit naman wala? Sa ganda mong iyan!" Tita exclaimed.

"Wala po e. Inuuna ko po muna ang career bago ang bagay na 'yon." Nakangiti kong sabi kay Tita Agnes.

"Kung ganoon wala kang natitipuhan kahit isa sa mga anak ko?" Doon na ako tuluyang nasamid sa tanong niya. Tumawa lang sa akin si Tita.

"P-Po? Bakit naman Tita? Uhm.." Kapag humindi ako, baka isipin niya napapangitan ako sa anak niya tapos pag um-oo baka isipin niya may gusto ako. "Gwapo naman po mga anak mo Tita.. Hehe.. Pero kapatid po ang tingin ko sa kanila."

Safe answer.

"Kapatid? Wow really? Marami akong nakilalang babae na pagtagal ay nahuhumaling din sa anak ko pero ikaw lang ang nagsabi niyan." Natatawang sabi ni Tita sa akin.

Nahihiya akong ngumiti. I remembered that night again. Nang makita ko si Trion with his girlfriend. Hindi ako nakatulog that night. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako apektado pero iyon ang nasa isip ko buong magdamag.

O dahil first time ko lang makarinig noon in real life? Well I've watched some on educational purposes pero iba ang feeling kapag narinig mo na sa personal. Nakakapanindig balahibo.

"Iyang si Trion kasi may mga nagiging girlfriend but he's not serious. Masyadong malihim ang batang iyon. Iisa pa lang babae ang naipapakilala sa akin." Tumango tango ako sa kwento ni Tita.

Hanggang sa makarating kami ng mansyon ay panay ang kwento ni Tita tungkol sa anak partikular na sa panganay na anak. Mas lalo kong nakilala si Trion dahil sa kwento ng ina. Hindi ito palaimik pero mabait naman daw. Matalino rin ang parehas niyang anak pero napapansin ko sa kanyang mga kwento na panay si Trion ang nagiging sentro ng usapan namin.

"Hija. Aalis ka na ba? Can you eat your dinner here?" Tita Agnes said.

Dahil nahihiya akong tumanggi ay tumango na lang ako. May ibinibigay pa sa akin si Tita na mga regalo pero hindi ko iyon matanggap. Hiyang hiya akong tumanggap ng mga ganoon. Pero dahil sa mapilit ay wala akong nagawa kundi ang tanggapin iyon.

"Please accept that, hija. Sobrang gaan ng loob ko sayo. Tama nga si Astrid at ang sarap mong kasama hija. Parang anak na rin ang turing ko sayo." Malumanay na tugon ni Tita.

It's a heart warming words from her. Nakakatuwang isipin na may ganoong tao na anak ang turing sa akin.

"Uuwi na rin si Trion, hija. Umuuwi siya rito kapag weekends kasi weekdays ang flight niya." Tita explained. Tumango na lang ako.

Ignited By Passion (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon