Chapter Eighteen

10.4K 331 30
                                    

"Ayos lang ba talaga 'tong suot ko? Masyadong revealing' to." Sabi ko Reese. She insisted that I should wear this. Isang off shoulder na top at maiksing maong shorts.

"Hello? Beach ang pupuntahan natin. You're expecting to wear long sleeves? Mabuti nga at ganyan lang pinasuot ko sa'yo e." Reese said. Inayos niya ang suot niya. Nakabini siya pero she's hiding it with her floral maxi dress.

Kinulot din niyang bahagya ang dulo ng buhok ko. I'm wearing a lip tint at mascara. Iyon lang at konting foundation.

Hindi na ako umimik. Hinila na niya ako papasok sa resort. Nagpahila lang ako. She gave the pass sa isang security bago kami pumasok.

It's past three kaya mainit pa ang sikat ng araw. Tanaw ang repleksyon ng araw sa karagatang malapit sa resort. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Halatang mamahalin ang resort na ito. There's an infinity pool at may view ito ng dalampasigan. Hindi gaanong marami ang tao at halatang mamahalin ang mga cottages na nasa resort.

"Ayun si Phoebe!" Reese said when she spotted Phoebe. Tiningnan ko ang itinuro ni Reese. She's chatting with some of her friends. Nakangiti si Phoebe habang nakikipag-usap sa mga ito. Sobrang ganda ni Phoebe kahit sa malayo pa lang. What more kung malapit na?

Lumapit kami sa kanya. She noticed us immediately at agad ngumiti sa amin.

"Guys!" She excused herself sa kausap at lumapit sa amin. "I thought you'll not come. Late na o. I said 3 dapat andito na kayo." She said while smiling.

"Traffic kasi ng konti. Hehe. Eto nga pala gifts namin. Happy Birthday, Phoebe!" Reese said. We gave our gifts at tuwang-tuwa siya.

"Happy Birthday, Phoebe!" Masigla kong sabi.

"OMG, thank you! I appreciate it! Enjoy lang ha? You can stay sa cottage since I invited few friends tsaka reserved na 'yun sa visitors. And mamayang gabi, may party near the shore. I hope you're not leaving early tonight, right?" Phoebe said.

Nagkatinginan kami ni Reese. We did not see that coming. We should be home early since this day should be our supposed to be rest day.

"O-Of course! Ang KJ naman namin if maaga kami uuwi diba?" Alanganing sabi ni Reese. Ngali ngali kong hilahin si Reese. Anong sinasabi niya?

"Oh, well that's good to hear. May DJ mamaya plus free lahat ng liquors so you two can drink all you want! Plus masaya since the venue will be near the shore." Phoebe said.

Oh. Party girl din pala itong si Phoebe. Mahilig sa party that's why she organized this event on her birthday. Nice one.

Reese was very happy to hear that. Sa tagal ba naman naming magkaibigan, of course. Alam ko na ang nagpapasaya sa kaibigan ko. And party is one of the things she likes.

Nang magdapit hapon, bahagyang dumami ang mga bisita. Iyon yata ay relatives ni Phoebe. Cousins niya 'yung iba. Yung iba ay mga titos at titas niya.

"Ibang klase 'tong si Phoebe ano? Big time." Reese said habang umiinom ng juice na inoffer ng isang dumadaang server ng drinks.

"Halata naman. Mukhang hindi biro ang pinanggalingang pamilya." Sabi ko.

"Shocks, pinsan niya ba 'yun? Ang gwapo, shet!" I saw one of the guys approached Phoebe. Ngumiti ang lalaki at tsaka humalik sa pisngi ni Phoebe.

"Baka boyfriend niya." Sabi ko.

Sa ganda ni Phoebe, imposibleng walang boyfriend.

"Nope. Walang boyfriend si Phoebe. Ang alam ko may nagugustuhan siyang iba. Pero ang nakakapagtaka.. Piloto rin ang nagugustuhan niya. Siguro isa kina Vladimir? Hayy. Mabebenta talaga ang mga pilot ngayon ano?" Pangungumbinsi ni Reese habang nakangisi sa akin.

Ignited By Passion (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon